Nahihirapang maghanap ng masasakyang jeep si Luna pero kahit gano'n man ay matyaga itong naghintay para maka-uwi na.
Pasakay na sana ito sa jeep na saktong huminto sa tapat n'ya nang makatanggap ng isang text kaya binasa n'ya na ito.
"Maghiwalay na tayo," sabi sa text na natanggap n'ya mula sa kanyang kasintahan.
Para s'yang nabuhusan ng malamig na tubig sa nabasa.
"Ineng! Sasakay ka pa ba? Kung oo'y aba tara na, nang makaalis na tayo," wika ng drayber.
Agad naman itong tumalima sa drayber at agadna sumakay sa loob ng nakayuko.
"Bayad po," malungkot na wika nito.
May sumuyo naman ng bayad n'ya kaya't 'di na s'ya kumibo pa.
"Sukli mo, Luna," wika ng lalaki.
Nang tingnan nito kung ano ang inabot sa kanya'y nagulantang ito sa nakita nito, isang singsing, at katabi nito ang kasintahang nakangiti habang naluluha.
"Sorry sa text ko kanina babe ha? Parte kasi 'yun ng plano ko eh," nahihiyang wika ng lalaki.
"Kaya para makabawi, Luna, mahal ko, maaari ko bang mahingi ang kamay ko? Panagakong aalagaan ko ito ng mabuti habang-buhay, Luna, mahal ko, handa ka bang harapin ang susunod na yugto ng buhay mo ng kasama ako? Luna, mahal ko, will you marry me?" Naluluhang wika ng lalaking nakatagilid paharap sa direksyon n'ya.
"B-babe, o-oo naman, syempre gustong-gusto ko," nangingiti kahit lumuluhang wika ni Luna.
Nagpalakpakan ang mga pasahero, ang drayber nama'y nakangiting dumudungaw mula sa salamin sa jeep nito. Naging masaya ang gabing ito para kay Luna at maging sa lalaking iniibig nito.
-----PAGTATAPOS