His

58 2 0
                                    

Ambilis pala ng panahon no?

parang kelan lang nagsimula tayo na parang aso't pusa,

parang kelan lang ako lagi ang allibi mo sa mga gala mo  at

parang kelan lang...

ako yung juliet ng buhay mo. sabi ko.

"yeah..its been a year ... since you were his juliet"  

naalala mo pa ba? nagsisigawan tayo lagi kasi yung cupcakes na ginagawa ko para dun sa taong gusto ko ikaw kumakain. galit na galit ako sayo nun alam mo ba?

inaaway mo din yung mga lalakeng nagugustuhan ko. ang lagi mong sinasabi sakin ay hindi nila ko deserve. hanggang sa nagkasagutan tayo

"ano bang problema mo?! hindi naman kita pinapakelaman sa mga nagiging karelasyon mo aa!"

"alam mo ba na halos gawin at isakripisyo ko na lahat para lang mapansin niya ko?! tapos anong ginawa mo? pinagbantaan mo siya ! sino ka ba sa buhay ko?!

"hindi mo ba nakikita? o bulag ka lang talaga?" - sigaw niya pabalik sakin

"kung talagang gusto ka din niya siya ang gagawa at magsasakripisyo ng lahat para hindi ka mawala! hindi siya deserving para sayo!"

"at sinong deserving para sakin? ikaw ?"

napansin ko nun na nagulat ka sa sinabi ko pero imbis na sigawan mo ko pabalik. tinalikuran mo ko.

"oo nga naman sino nga ba ko? para sayo KABABATA MO LANG ako"

simula nung matinding away natin hindi mo na ko pinansin. dapat maging masaya ko dahil hindi na ko madalas sumisigaw ng dahil sa cupcake, hindi ko na din kailangan magsinungaling sa mga magulang mo para lang makasama ka sa mga gala mo at higit sa lahat nakakasama ko na ng maayos yung taong gusto ko pero bakit may parte sakin na hindi masaya?.

akala ko naninibago lang ako hindi ko akalain na magiging malala yung nararamdaman ko minsan pag gumagawa ko ng cupcakes ikaw na yung nasa isip ko,  iba ang kasama ko pero ikaw ang nasa isip ko, gumamit din ako ng ibang cellphone number para kamustahin ka.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pride speaks(One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon