"Gising kana jan!!! Kuyaaaaa!!! Gising na!!! Malelate na naman ako sa school neto eh!"
"5 More minutes pa Yna! Antok pa ako eh!"
"Pag di kapa bumangon jan, isusumbong kita kay Mama!"
Haaaays! Kaasar! Inaantok pa yung tao eh! Gusto ko pang matulog kase napuyat ako kakanood ng kung ano-ano sa online. Yung feeling na single ka tapos wala ka pang kachat kaya panay scroll ka nalang sa fb? Tapos ang nakakatawa pa, puro scroll ka lang naman pero naabutan ka pa rin ng madaling araw. Iba din talaga eh. 3am na nga ako nakatulog. Haha.
Pagkatapos kong mag ayos, bumaba na ako para magbreakfast.
"Buti naman kuya at bumaba ka pa." sarcastic na pagkakasabi ng kapatid kong si Yna. Senior High Student sya at ako naman, college student. 9am pa yung pasok ko pero dahil sa ka-oa-han nitong kapatid ko, ginigising niya ako palagi ng 6am kase may pasok sya ng 7am. Ewan ko ba dito kung bakit ayaw nalang talaga magcommute. Gusto palaging hinahatid. Kaya parati kong ginagawa, tambay sa library after kong ihatid tong batang 'to.
"Ikaw talaga na bata ka. Bat ba kase ayaw mo nalang magcommute? parati nalang maagang nagigising yang kuya mo kahit mamaya pa yung pasok niyan. Mababagot lang yan dun sa school nila." Sabat naman ni Mama. Buti pa tong si Mama eh naiintindihan ako. Pero nung pagtingin ko sa kapatid ko, inirapan pa talaga ako.
"Isang irap mo pa jan Yna baka di na talaga kita ihahatid!" Naasar ako. Ke aga-aga nagtataray na.
"Kuya naman eh. Diba baby nyo ko?" Sabay hug sakin. Alam ko na tong style niya na to eh. "Kuya naman eh. wag kana magalit. Loveyou po!" At hinalikan pa talaga ako sa cheeks! Haaaays..
Pinitik ko yung noo niya. "Kadiri ka talagang bata ka. Bilisan mo na mga jan. Late kana oh!"
"Yey! Thankyou kuya!" Tuwang-tuwa na naman yung isip bata.
Pagkahatid ko sa kanya sa school niya, nakaabang na naman yung mga kaklase niya sa gate. Ewan ko ba dito sa mga batang to.
"Hello po kuya. Chocolates po." Nahihiyang inabot sakin yung chocolate ng isang studyante dito sa school ni Yna. napatingin ako sa kapatid ko sabay bulong sa hangin at siniguro kong maiintindihan niya. "Sino na naman ba 'to bata ka??" Masindak ka sa mata ko Yna!
Kibit balikat lang ang sinagot saken. Kaasar talaga tong batang 'to! Kinuha ko nalang yung chocolates na iniaabot saken sabay sabing Thankyou at ngiting sapilitan.
Nung papunta na ako sa school ko, naisipan kong dumaan muna sa coffee shop . Bibili muna ako ng kape kase inaantok na naman ako. Sasara ko na sana yung pinto ng kotse ko nung may narinig ako sa gilid ng coffee shop. Medyo madilim sa part na yun kahit umaga na.
"Sorry miss. Ginawa ko naman po lahat ng makakaya ko eh. Sadyang mailap lang po talaga yung kalaban."
"Sorry?! Are you serious?! Sorry lang ang sasabihin mo sakin?! I'm expecting you guys could do something better! Then what?! Now you're saying sorry?! Damn!"
Nagtago ako sa gilid. Sumisilip lang ako. mahirap ng makealam baka mapasabak at masali pa sa gulo.
"Miss, I'm begging you. Don't kill me."
Don't kill me?! Ano ba yung nangyayari?! May patayan bang mangyayari?! Baka kailangan nung lalaki ang tulong ko!
Isip Kale isip!
"Huh. Tibay mo din eh noh? Pagkatapos mung pumalpak, magmamakaawa ka saking di kita patayin?!"
"Miss please. I promise. Gagawin ko na ng maayos ang trabaho ko next time. Just please don't kill me miss. Please."
"Aba! At talagang -"
Shit! Shit! Shit!
Kung minamalas ka nga naman oh! Nadulas pa!
"Sino yan?!"
Lagot na!!!
"Sino sabi yan?!"
Tumakbo na ako ng mabilis na mabilis! Sasakay na sana ako sa sasakyan ko ng maisip kong baka makuha nila ang plate number ko. Kaya ang ginawa ko, pumasok muna ako sa coffee shop. Nagkunwaring walang nakita. Pagkapasok ko, pumila agad ako. Kinakabahan! Takte! Kaasar! Bat pa kase sumilip pa eh!
Pagkatapos kong umorder, naghanap muna ako ng mauupuan. Kakalmahin ko muna sarili ko. Mahirap na. May biglang pumasok sa shop. Babae. Naka all black sya. Nakajacket tapos sinuot niya yung hoodie. Dumiretso sya sa counter at nag-order. After niyang umorder, sa di inaasahan pagkakataon, umupo sya sa table kung san ako nakaupo. Tininanggal niya yung Hoodie niya. Ang ganda niya! Blonde yung buhok niya at may asul na mga mata. Ang tangos ng ilong at ang ganda ng labi. Pero bigla akong natigilan sa sinabi niya.
"I know you're that guy." Sabay smirk at ngiti sakin.
Nalintikan na!