15. Risky

4.3K 130 4
                                    

O IYON ang akala ni Yaminah. Nang mag-pitong buwan ang dinadala niya ay saka lang niya naramdaman ang hirap ng pagbubuntis. Nakaranas siya nang matinding pagkahilo, ilang beses na pananakit ng tiyan, swelling at pati panlalabo ng paningin. Ayon sa Doctor ay may risk raw na magka-preeclampasia siya. Isa iyong komplikasyon sa pagbubuntis kung saan tumaas ang blood pressure ng ina.

Sinabihan si Yaminah na kailangan niyang magpahinga. Bawal siyang gumawa ng kahit anong ikakapagod niya. Ang dating malusog niyang pagbubuntis ay naging maselan. Pero kung susundin naman daw ang Doctor ay walang magiging problema. Kailangan lang niyang mag-ingat.

Ginagawa ni Yaminah ang lahat para sa ikabubuti ng anak niya. Pero mukhang sa emotional part naman siya magkakaproblema. Biglang nagpaalam sa kanya si Rashid na pupunta ito ng Pilipinas.

"Kailangan ako sa business namin ni Rocco. Gusto ko rin na iwasan si Papa sa ngayon. Madalas siyang pumupunta kapag naririto ako. Madalas rin siyang may isinasama. He was demanding, too. Alam naman niya na maselan ang lagay mo ay dumadagdag pa siya sa gulo. Kaya para sa ikabubuti, aalis muna ako. Hindi naman iyon nagpupumilit na pumunta rito kapag wala ako." sagot ni Rashid nang tanungin niya ito kung bakit.

Naiintindihan naman iyon ni Yaminah. Halos araw-araw nga ay pumupunta ang ama ni Rashid sa palasyo. Palagi nitong binibida ang anak nito na magiging sunod na hari ng Saranaya. Nagsasama rin ito ng mga kaibigan nito. Pero dahil ayaw naman niyang maging rude ay ine-entertain niya pa rin niya ito kahit puwede iyong makasama sa kanya.

"P-pero gusto kong sumama." Parang hindi kakayanin ni Yaminah ang lungkot na wala ang asawa sa tabi. Mas mahirap iyon kaysa sa pisikal na pinagdadaanan niya.

Hinalikan ni Rashid sa ulo si Yaminah. "You have to rest, habibti. Baka makasama sa 'yo ang bumiyahe."

Lumabi si Yaminah. "'Wag ka ng umalis. Mami-miss kita."

Niyakap siya ng asawa. "Mami-miss rin kita. Pero kailangan rin ako ng pamilya. Besides, I'll just be there for a week. Babalik kaagad ako."

Hindi pa rin gumaan ang pakiramdam ni Yaminah. "Paano kung may lumandi sa 'yo roon?"

Tumawa si Rashid. "Kasal na tayo, Babe. Dapat ay mas magtiwala ka na sa akin."

Gustong magtiwala ni Yaminah sa asawa. Pero hindi maalis sa kanya ang pagdududa dahil sa reputasyon nito sa Pilipinas. Naipaliwanag man sa kanya ni Rashid ang tungkol roon ay may masamang kutob siya. Inisip na lang niya na dala na rin iyon siguro ng kondisyon niya. Lumalaki siya kaya nagiging insecure siya.

Pumayag rin naman si Yaminah. Madalas na nga lang niyang tinatawagan si Rashid para hindi siya mag-alala at hindi rin ito gaanong ma-miss.

Ganoon pa man, nawala rin naman sa isip ni Yaminah ang lungkot nang bisitahin siya ng kaibigang si Tariq. Tapos na ito sa Masterals nito sa London. Pero babalik pa rin ito roon. Nagbakasyon lang ito ngayon sa Saranaya.

Masaya si Yaminah na makasama si Tariq. Nakakausap pa rin naman niya ito pero bihira na lang. Ramdam niyang nainis ito sa kanya dahil hindi siya nagtiwala sa mga sinasabi nito tungkol kay Rashid. Hindi rin ito dumalo noong kasal nila.

Malaki ang pinagbago ni Tariq. Hindi na ito madalas na ngumingiti. Ilang beses rin niyang nakikita na dumidilim na lang bigla ang mukha nito. Tuwing nagkukuwento rin siya tungkol sa kanyang bagong pamilya ay hindi ito attentive. Mukhang hindi nito gusto ang pinag-uusapan na iyon.

Na-extend si Rashid sa Pilipinas. Nami-miss na niya ang asawa at mas nakaramdam na siya ng lungkot. Bumalik man kasi si Tariq, pakiramdam niya ay may problema naman sa lalaki. Parang hindi na ito ang kaibigang kilala niya. Halatang hindi talaga ito masaya sa pagpapakasal niya kay Rashid.

Pero isang araw ay bumalik ang Tariq na kilala niya. Masiyahin at nakangiti ito. Naging masaya rin naman si Yaminah sa nakitang anyo ng kaibigan.

"I have news for you..."

Inakala ni Yaminah na good news iyon dahil masaya ito. Pero nang ibigay nito sa kanya ang cell phone para ipakita ang "news" ay nabitawan niya iyon. Namutla siya.

It was a photo of Rashid in a bar...with a girl in his arms. Magkahalikan rin ang mga ito!

"No! H-he can't do that to me."

Nagkibit-balikat si Tariq. "And why not? It's legal in this country to have plenty of wives---"

"He promised me. I'm going to be the only woman in his life."

"Promises are meant to be broken."

Yaminah's whole body shake. Hindi siya makapaniwala na naggawa iyon sa kanya ni Rashid. Kinuha niya ulit ang cell phone. Tinignan niyang mabuti ang asawa. Paano kung na-photoshop lang iyon? Paano kung matagal na pala iyon?

"It's authentic. It's also just happened yesterday." Wika ni Tariq, tila nababasa ang mga tanong sa isip niya. "I am your friend, Yaminah. You are supposed to trust me."

"Y-you are my friend but why did you do this to me?"

"Why would I do what? Give you that news? Of course, I care for your feelings. I don't want you to look stupid by the betrayal of your husband." Nagkibit-balikat pa si Tariq. "I've told you so, Yaminah..."

Tinitigan niya ang lalaki. Hindi niya maintindihan kung bakit parang may pakiramdam siya na may iba pang dahilan kung bakit. Ganoon pa man, pinili niya na huwag iyong bigyan ng halaga sa ngayon. May ebidensya ang panloloko sa kanya ni Rashid.

Once a playboy, always a playboy. Bakit ba kasi hindi siya naniniwala na playboy talaga ang lalaking pinakasalan niya?

"Please leave, Tariq..." nakapikit na wika ni Yaminah. Pinigilan niyang maiyak. Masyado na siyang nakakahiya.

Bumuntong-hininga si Tariq. Hinawakan nito ang balikat niya. "Just remember that I'll just be here with you if your husband leaves you, Yaminah."

Umalis na si Tariq sa kuwarto pagkatapos noon. Pero ang mga nalaman at narinig niya mula rito ay hindi niya maalis-alis sa kanyang isip.

When your husband leaves you. Divorce. Affair. Cheating... Gulong-gulo si Yaminah. Pinagkatiwalaan niya si Rashid. Pero ang insecurity pala na nararamdaman niya ay instinct na. Hindi lang iyon dahil sa pagbubuntis.

Napahawak si Yaminah sa tiyan niya. Nakaramdam siya nang matinding paghilab. Napatingin rin siya roon dahil parang kinukuha ng sakit mula roon ang lahat ng enerhiya sa katawan niya. Napakasakit ng paghilab.

Mabilis naman na nakita ni Yaminah ang dahilan kung bakit mukhang hindi iyon ordinaryong paghilab lang. Nakita niyang may dugo ang sahig. Nang tignan niya ang hita ay umaagos iyon roon. Sa sarili niya nangagaling ang dugo.

Nagulat at natakot si Yaminah. Wala sa sariling napaupo siya sa sahig. "Help, help!"

Rashid, The Married Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon