24. Simple Life

4.4K 140 6
                                    

MASAMA ang magkasakit. Pero blessing pala iyon para kay Rashid. Dahil roon, bumalik ang Yaminah na dating kilala niya---maalaga at maalalahanin. Bumalik ang taong nagpapakulay sa buhay niya.

Bonus pa na naintindihan ni Yaminah ang lagay niya. Napapayag niya ito na pumunta sila sa isla na pag-aari nila ng kapatid na si Rocco. Maganda ang isla, pero hindi iyon kasing luxurious ng buhay na mayroon sila sa Saranaya. Sa isla, simpleng tao lang sila. May naitayong bahay roon pero hindi ganoon kaganda. Bungalow type lang iyon at mayroong dalawang kuwarto. Napakaliit lang noon kung ituturing sa buhay na nakasanayan na nilang dalawa ng asawa sa palasyo.

Sa isla ay halos wala rin na pagkain. Kakaunti lang ang nadala nilang pagkain. Wala naman sa plano niya na magtagal. Gustuhin man kasi niya, alam rin niya na hindi puwede. May mga bagay na naghihintay sa kanila sa Saranaya. O mas masasabi niyang may mga bagay na gusto at kailangang balikan ni Yaminah sa Saranaya.

Pero sa ngayon ay i-e-enjoy muna ni Rashid ang simpleng buhay na nagkaroon siya kahit sandali. Simple, pero napakasaya. Sa kasalukuyan ay sila lang ng asawa ang nasa isla. Simple lang rin ang ginagawa nila. Pareho nilang ine-enjoy ang buko na inakyat niya. Tama lang ang pagkakahinog noon kaya masarap. Pero mas masarap sa pakiramdam ang nakikita niyang aura ni Yaminah. Maganda ang ngiti nito habang tinitikman nito iyon. Marami ang buko na nakuha niya kaya naggawa pa nila iyong kainin kinabukasan. Ngayon ay ang pangalawang araw na nilang dalawa ng asawa sa isla.

Worth it ang hirap sa pag-akyat, makita niya lang ang ganoong itsura ng asawa. Halatang gustong-gusto nito ang buko.

"Gusto mo pa?" tanong ni Rashid nang naubos na nila ang mga kinuha niya.

Pinandilatan siya nito. "At ano? Aakyat ka na naman sa puno na 'yun? Bahala ka! Baka ako pa ang unang mamatay sa takot sa 'yo."

Natawa si Rashid. I-deny man sa kanya ni Yaminah na wala na itong pakialam sa kanya, obvious na rin naman iyon. Pinapahalagahan pa rin siya nito.

"Stop worrying. Ilang beses na akong nakaakyat ng buko. Noong mga bata at teenagers kami nina Rocco, madalas kaming dinadala ni Tito Braxton sa farm niya sa Batangas. Maraming buko roon. Hobby namin na umakyat."

"Kahit na! Kapag talaga ginawa mo pa iyon ay---"

"Yaminah, maraming tao ang umaakyat sa puno ng buko. Simple people do this all the time."

Bahagyang natigilan si Yaminah. "At alam mo na hindi tayo ganoon."

"Alam ko iyon." Bumuntong-hininga si Rashid. "Pero kahit ba minsan ay hindi ko puwedeng maranasan na maging simpleng tao man lang?"

"Rashid..."

Ngumiti si Rashid. Nag-focus ang tingin niya sa asul na asul na dagat. "Tinanong mo ako minsan na ilarawan ko ang Pilipinas. And I said, it's beautiful. Totoo iyon. Maraming magandang lugar sa Pilipinas. Pero ang pinaka-gusto ko rito sa bansa na ito ay kaya ko na mamuhay ng simple.

"I always look forward on vacations here, especially when I was younger. May kalayaan kasi rito, kumpara sa Saranaya. Napaka-strict ng pamumuhay ko roon. Palagi na lang akong kinukulong ni Papa. I might be an unwanted child but I'm still part of the royal family. Sa palasyo ay puro na lang guards. Napakahirap na maglaro, lalo na at halos babae ang mga kapatid ko. I'm not allowed to play with them. Suplado naman ang nag-iisa kong kapatid na lalaki. Samantalang dito sa Pilipinas ay hindi. I enjoyed the company of my brother's. I enjoy the place, lalo na kapag dinadala kami ni Tito Braxton sa farm. Napaka-simple ng pamumuhay roon. Araw-araw ay pumupunta kami sa ilog. Nilalakad lang namin iyon. Pinapayagan rin kami na umakyat ng mga puno at kumuha ng mga bunga noon. Kapag naman napagod kami, puwede kaming magpahinga sa kubo sa gitna ng farm. At sa hapon, nanghuhuli kami ng tutubi. It was really fun..."

Narinig ni Rashid na lumunok si Yaminah. Tumingin siya rito. Nawala ang saya niya sa pagre-reminsce niya nang makitang malungkot ang mukha nito. "May problema ba? May hindi ka ba nagustuhan sa mga sinabi ko?"

Yumuko si Yaminah. "I-I just felt guilty. Nang pinakasalan mo ako, lalo pa kitang binigyan ng pakiramdam na makulong..."

Nakangiting hinaplos ni Rashid ang mukha ng asawa. Itinaas niya ang ulo nito. "Huwag kang malungkot. Kahit naman nakakasakal ang royal life, it's still the best thing that happened to me. I enjoyed being locked in a royal life because you are in it. At ang pinakamasayang pagkakulong ay ang makulong ako sa bisig mo..."

Tumawa si Yaminah. "Kung makapagsalita ka naman, parang great love ang nararamdaman mo sa akin."

Kumunot ang noo ni Rashid. "I love you. Mahal pa rin kita kahit alam ko na masama ang loob mo sa akin. Hindi pa ba great love ang tawag roon?"

"Kung great love mo ako, hindi mo ako sasaktan."

"So we will always let our past separate us," nasira ang magandang mood ni Rashid. Tumiim ang bagang niya.

"Masakit pa rin iyon, Rashid."

Pumikit si Rashid. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Hindi rin naman niya masisisi ang asawa kung nawalan ito ng tiwala sa kanya. Hindi lang ito ang nasaktan sa pangyayari. Ganoon rin ang anak nila.

Pero sana ay naintindihan rin niya na nasasaktan rin ako... wika ni Rashid sa loob niya. Biktima lang rin naman siya ng lahat.

"O-okay..." wika ni Rashid at pinagtakpan ang lungkot ng isang pilit na ngiti.

Rashid, The Married Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon