26. Stupid

4.4K 160 8
                                    

"RASHID..." Naramdaman ni Rashid na nanginginig ang buong katawan ni Yaminah.

Hinaplos ni Rashid ang mukha ng asawa. Pinilit niyang ngumiti kahit masakit ang nararamdaman niya. "I love you, Yaminah. Pero hindi pa ako ganoon katanga. Ilang oras pa lang pagkatapos mong sabihin sa akin na nasasaktan ka pa rin. Of course, you manipulated all this."

Napalunok si Yaminah. "H-hindi ba puwedeng nakapag-isip ako? I even said I-I have realized I still love you---"

"Pagkatapos mong makipag-usap kay Tariq? Naiintindihan ko ang pinag-uusapan niyo. Hindi ka makakalusot sa akin. Malinaw rin sa akin ang sitwasyon. Hindi ka lang pumunta rito sa Pilipinas para alagaan ako. Alam kong gusto mo rin na makumbinsi ako na bumalik. At malinaw pa rin sa isip ko ang sinabi ko sa 'yo noon sa telepono. Babalik lang ako sa Saranaya kapag nasabi mo na mahal mo na ulit ako. But you just said those words to convince me, right?"

Naglihis ng tingin si Yaminah."K-kailangan mo na bumalik sa Saranaya. You are the king now. Hindi mo puwedeng biguin ang mga tao na umaasa sa 'yo at ganoon rin si Papa."

"Naiintindihan ko iyon. Pero sa ginawa mong ito, lalo mo lang ako na binigyan ng dahilan para hindi ako lalong sumama sa 'yo."

"Inaamin ko ng isa sa mga dahilan kung bakit ako pumunta rito ay para makumbinsi ka na bumalik. Pero hindi pa ba sapat na ibinigay ko ang sarili sa 'yo bago namatay si Papa para patunayan na may nararamdaman pa rin ako?"

Sinalubong ni Yaminah ang mata ni Rashid. For a while, gusto niyang maniwala na sincerity roon. Pero kung maniniwala siya, napaka-desperada na niya. Masyado na siyang nasasaktan sa nangyari.

Tinawanan ni Rashid si Yaminah. "What a reason. So sinasabi mong naramdaman mo na mahal mo ulit ako ng gabing iyon? You know, something is telling me that you have a fishy reason why you did that. Hindi lang iyon dahil sa nalasing ka."

"I missed you! Alam mo na nasasaktan ako dahil sa lagay ni Papa. I need someone. I need you para makaramay ko sa sakit ng nangyari..."

"Then funny how you went to Tariq's arms when your father died, instead of me that you just said you needed. Sabihin mo sa akin ang totoong dahilan kung bakit ginawa mo iyon, Yaminah."

"I-it's the truth! Gusto talaga kitang kausapin ng gabing iyon. Gusto ni Papa na magkaayos tayong dalawa. I want to talk to you about reconciling..."

"Pero hindi iyon bukal sa loob mo. That was the reason why you turn into alcohol, right?" Lalo lang yata na sumama ang loob ni Rashid.

"I---" Kinagat ni Yaminah ang ibabang labi. Indikasyon iyon na sumusuko na nga ito. Dapat lang naman. Hindi dapat siya pinagmumukhang tanga ng asawa. Alam naman nito na matalino siya.

Bumuntong-hininga si Rashid. "I don't want a royal life, nalinaw ko na ang bagay na 'yan sa 'yo. Pero titiisin ko sana ang lahat ng iyon para sa 'yo. Because you are a part of it, because you are used and loved it. Karapat-dapat rin sa 'yo ang buhay na iyon. Pero ang hindi ko matitiis ay ang magkaroon ng sinungaling na asawa. I'm sorry..."

Mahal na mahal niya si Yaminah. Pero sobra-sobra na ang pagiging tanga niya.

Rashid, The Married Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon