27. Mistake

4.7K 137 7
                                    

"WALANG dapat ipag-alala, Yaminah. Kilala ko ang anak ko. Babalik 'yun ng Saranaya. Hindi niya ako bibiguin..." wika ni Radman Samara---ang ama ni Rashid. Nakipag-usap ito sa kanya sa wikang Arabic. Tinawagan siya nito para kumustahin si Rashid. Isa rin ito sa mga nagagalit sa pag-iinarte ng anak. Susubukan rin daw nitong kumbinsihin ang anak.

Nakabalik na si Yaminah ng Maynila. Nagpatawag na ang asawa niya ng chopper para sunduin siya sa isla. Nagpaiwan naman ito roon. Tinotoo nito ang banta sa kanya. Hindi ito babalik sa Saranaya habang hindi niya nagagawa ang gusto nito.

Sa kasalukuyan ay naka-check in si Yaminah sa isang five star hotel. Magpapahinga muna siya bago magbabiyahe papunta ng Saranaya bukas ng umaga. Maulan rin kasi ngayon at delikado ang bumyahe. Inalok naman siya ni Rashid na gamitin ang condo unit nito o kaya ay makitira muna sa parents nito para hindi na siya mag-abala pa sa accommodation. Pero umayaw siya. Ayaw niyang manatili roon dahil wala rin doon ang asawa.

"I've tried my best, P-Papa..." Nang maging mag-asawa sila ni Rashid ay sinabihan siya nito na tawagin na lang niya itong Papa. Kinausap rin niya ito sa wikang Arabic. "Pero hindi siya nakinig sa akin."

"I know my son. He is also an ambitious man. Ito na ang chance niya na maging hari. Hindi tanga ang anak ko para pakawalan ang opportunity na ito. It's a once in a lifetime..."

Kinagat ni Yaminah ang ibabang labi. Sana nga ay ganoon. Pero naalala niya ang mga sinabi sa kanya ni Rashid sa isla. Ikinuwento niya iyon sa father-in-law.

Tinawanan lang siya nito. "Gaano mo kakilala ang asawa mo, Yaminah? Two, three years? While me, I've known him since he was a baby! That's not him. Gusto niya ng simpleng pamumuhay? That's bullshit. Mas maraming panahon ang ginugol niya sa Saranaya kaysa sa Pilipinas. Isa pa, I always know that he envy my late son. Mas binibigyan ko kasi ng panahon ang isa ko pang anak.

"Rashid is my mistake. And just like children that are treated like a mistake, they always wanted attention. Gusto nilang palagi na lang may patunayan. Nagtagumpay si Rashid. Of course, hindi niya gugustuhing biguin rin ako.

"Nag-iinarte lang si Rashid. Kung nagdududa ka man sa pagmamahal niya sa 'yo, 'wag kang magduda sa pagmamahal niya sa akin. Hindi niya ako bibiguin."

Tinapos na ni Yaminah ang tawag nila ng father-in-law. Gusto niyang maniwala. Hindi sila bibiguin ni Rashid. Pero mas nalungkot yata siya sa mga sinabi ng father-in-law niya.

Naalala ni Yaminah ang ibinintang ni Tariq kay Rashid dati. Ganoong-ganoon iyon kagaya ng sinabi ng ama nito. Pakakasalan lang daw siya nito dahil sa trono. At ngayon ay babalik lang rin ito para sa trono? Para sa ambisyosong pangarap daw nito.

Pero hindi dapat magpa-apekto si Yaminah. Nalaman na naman niya mismo sa bibig ni Rashid na hindi nga nito gusto iyon 'di ba? Pero ano pa ba ang dapat niyang pagkatiwalaan? Gulong-gulo na siya.

Yaminah was torn. Alam niya na unti-unti ng bumabalik ang nararamdaman niya kay Rashid. O hindi naman talaga iyon nawala. Nagpahinga lang iyon. Nasaktan kasi siya.

Hindi basta-basta ang naging kasalanan sa kanya ni Rashid. Dahil sa ginawa nito ay namatay rin ang anak nila. Alam nito na nasa maselan siyang lagay pero doon pa nito naggawang magloko. Dahil rin sa sakit kaya hindi niya tinanggap ang mga paliwanag nito. Mabuti rin kasi kung iyon ang unang beses na nahuli niya ito. Naniniwala siya na hindi totoo ang una. Tanga na siya kung maniniwala pa rin siya sa pangalawa.

Mahirap ibalik ang tiwala niya rito. But for now, gusto niyang magtiwala...kahit sa iba. Kailangang bumalik ni Rashid. Kahit hindi na lang ito babalik para sa kanya. Kahit para na lang rin sa ambisyon na sinasabi ng ama nito.

Tatanggapin iyon ni Yaminah kahit masakit rin iyon...

Rashid, The Married Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon