32. Faith

4.8K 154 6
                                    

FAITH without work is dead. Minsan na narinig ni Yaminah ang kataga na iyon. Gusto na niyang magtiwala na magtatagumpay si Rashid. Pero gumawa pa siya ng paraan. Gusto niyang makatulong. Naisip niyang paraan ay kausapin si Tariq.

Nasaktan ni Yaminah si Tariq. Pero umaasa pa rin siya na bilang kaibigan ay tutulungan pa rin siya nito. Napakatagal ng pinagsamahan nila para masira lang. May magagawa rin ito. Marami itong connection sa Saranaya na bahagi ng council. Puwedeng pakiusapan ng mga ito iyon. Pero higit sa lahat, ito ang itinalaga na hari. Mas may kakayahan ito na baguhin ang desisyon bilang nasa mataas na puwesto na ito. Puwede itong magparaya.

Pumunta si Yaminah sa bahay ni Tariq. Hindi niya kasi ma-contact ang cell phone nito. Nagbaka-sakali siya na baka naroroon ang kaibigan. Mas maganda rin naman talaga na makausap niya ito ng personal. Pero sa halip na si Tariq, iba ang nahanap ni Yaminah nang makarating.

Nagtatalo ang guard sa bahay at isang blonde na babae sa gate ng bahay ni Tariq. Hindi tuloy sila makapasok.

"You are not allowed to come here, Miss Styles," Ibinaba ni Yaminah ang salamin ng kotse na sinasakyan niya kaya naririnig niya ang usapan. Nabahala siya sa nakitang eksena. Parang nagpupumilit na pumasok ang babae.

"No! I have to see Tariq. Don't you remember me? I am his lover!"

"I remember you, Miss. But we have received a notice that you are not allowed to come back here."

Pumadyak ang babae. "No! Tariq can't do this to me!"

"I'm really sorry, Miss." Wika ng guard. Pero hindi pa rin tumigil ang babae. Sinigawan na rin nito ang guard sa galit.

Lalong nabahala si Yaminah. Napagdesisyunan na niyang lumabas ng kotse para kausapin ang babae. Pero bago pa man makapagsalita ay natigilan siya nang sa wakas ay makita niya ng buo ang mukha nito..

Bilang malapit na kaibigan ay kilala na rin ni Yaminah ang lahat ng malapit kay Tariq. Kahit ang mga barkada nito noong nag-Masterals ito sa London ay ipinakilala nito sa kanya. Pero ang babaeng ito ay ngayon lang niya nakita...ng personal. And she even said that she was Tariq's lover.

Lumakas ang tibok ng puso ni Yaminah. Ibig sabihin ay kilala ni Tariq ang babaeng lumandi kay Rashid.

Hindi puwedeng magkamali si Yaminah. Ang babaeng nasa larawan na humalik kay Rashid ay ang babae na nasa harap niya ngayon!

Mahirap kalimutan ang mukha ng babae. She had despise her, too.

"And who the heck are you?!" Mataray na wika pa ng babae nang makita siya.

Kinalma ni Yaminah ang sarili kahit sa totoo lang ay gusto na niya itong kalmutin. Pareho lang sila na nasa hindi masamang lagay. Mas makakasama kung magka-crash ang personality nila. Bukod pa roon, hindi siya puwede na gumawa ng eskandalo, lalo na sa sitwasyon ngayon.

Tumikhim muna si Yaminah bago magsalita. "Hi. I'm actually Tariq's friend. Do you want me to call him?"

Doon nagliwanag ang mukha ng babae. Umamo ang mukha nito sa kanya. "Will you help me? I'm desperate to contact him! He didn't talk to me for the past few weeks. I missed him so much..."

"All right. I understand. But I also need your help in exchange of that..."

"You need my help? How?" Takang tanong ng babae.

Doon inilabas ni Yaminah ang totoong nararamdaman niya. Ngumisi siya pagkatapos ay pinaningkit ang mga mata. "You have to tell me what happened the night you flirted with my husband..."

Rashid, The Married Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon