Coleen:
Siguro nagsesex yung mga tigyawat ko kaya nanganganak at dumadami?
Ako:
Huh? What?
Coleen:
Hindi kasi ako nawawalan ng tigyawat e. Nakaka-asar nga nga yung mga to e :( hindi ako tinatantanan mahal nila ako masyado.
Coleen:
Pati pimples ko lovable!! <3 <3<3
Ako:
Ano bang nangyari sa tigwayat mo?
Coleen:
Nung isang linggo kasi may dalawa akong tigyawat sa noo tapos sumunod ang dalawang araw nagkaroon ng isa pero yung dalawa medyo hindi na malaki. Lumiit na, tapos napalitan na naman ng dalawa sa pisngi naman ngayon.
Coleen:
Ginagawa ko lahat para lang mawala sila pero may sumusulpot na iba!
Coleen:
Nakakainis na!!!!!!!!!!!ughj
Ako:
Grabe naman bungad. Ako pa talaga tatanungin mo lung nagsesex yang mga tigyawat mo.
Ako:
Pacheck-up mo kaya?
Coleen:
Ay ganon ba?
Coleen:
From the start tayo. Teka :)))
Coleen:
Hi Arnold!
Coleen:
Good evening arnold!!!
Coleen:
hAi pH03ws b3bEh cUh.
Coleen:
Wala akong pera pangderma, hindi kami rich. Hehehehheehehehhehe...
Ako:
Weh? Walang pera. Lame joke :(
Ako:
Ayan na naman yang jeje!
Ako:
Walang duda na jejemon ka dati.
Coleen:
Yeah! Swag!
Coleen:
Oo nga, wala ako/kaming pera. Tipid tipid kami.
Ako:
Ok
Ako:
Tapos varsity jacket? Tama ba?
Coleen:
Oo. XDXDXD
Ako:
Haha.
Coleen:
Hi Arnold!!
Ako:
Hello.
Coleen:
Ay bakit back to normal? :(
Ako:
Ano ba normal ko?
Coleen:
Masungit tapos cold.
Coleen:
Bad boy kumbaga. Yieee kulang balang mambully ka hahahahaha si dao ming si kasi bully e. Binubully niya si shang chai? Tama ba spelling?
Coleen:
Hindi ko alam spelling ng name ng bidang babae sa meteor garden. Sarreh
Coleen:
Ayun! Binully ni dao ming si yung bidang babae tapos nagkatuluyan din sila. Binullyhin mo rin ako. Para tayo magkatuluyan hehehhe
Ako:
Ang crrepoy ng hehege mo.
Coleen:
My typo king is back <3 <3
Ako:
Ang creepy ng hehehe mo.
Coleen:
Bakit?
Ako:
Parang rapist kapag iniimagine ko.
Coleen:
Rapist? Ang ganda kong rapist shet lang hahahahaha
Coleen:
Kung ganon ako ang pinakamagandang rapist.
Ako:
Ah ge.
Coleen:
Cold king na din ba ang typo king ko?
Ako:
Hindi.
Coleen:
Eh ano?
Ako:
Wala.
Coleen:
Ikaw lahat sumalo ng kasungitan na pinaulan ng diyos! :(
Coleen:
Pramis lasang kamatis :(

BINABASA MO ANG
Arnold & Crunch (Ineedit ng bonggang-bongga)
Teen FictionArnold. Almost perfect, kung hindi lang masungit. Isang lalaking curious. Crunch. Babae pero kung magtext, bading. Isang babaeng nakakacurious. Nagsimula sa text. Ano nga ba ang puwedeng mangyari kapag ang isang masungit at isang makulit nagkausap a...