He's Gay

1.7K 54 28
                                    

HE'S GAY?

<CRISTETA>

"ANO!!! Si sir bakla?" Agad na bungad sa amin ng mga nagtsi-tsismisang staff sa loob ng restaurant. I am with my bestfriend Mayton, at kasalukuyan din akong nagtatrabaho sa nasabing restaurant na yun. FOOD MAGIC, ang restaurant na pag-aari ni Blake Lopez na siyang pinsan naman nitong si Mayton, at ang siya ring pinag-uusapan ng mga staff dito.

"Oo, dinig na dinig ko kaya ng isigaw niya yun kay ma'am Maribela kanina. Naku grabe nga panlulumo ko ng marinig ko yun eh. Ang gwapo gwapo pa naman ni sir, yun pala kafederasyon." Narinig ko pang sabi ni Maria, ang mahaderang nangunguna sa tsismisan. Pustahan, bukas kalat na iyan hanggang kanto.

"I heard it too. Tita Bela called me kanina, and she's crying. Awang-awa nga ako sa kaniya eh. Imagine, her only son was gay." Halos di ring makapaniwala na balita sa akin ni Mayton. Mukhang pati siya ay nanghihinayang, sino ba naman ang hindi. Sa gwapo ba naman at macho ni Blake, tapos bading? I can't believe it.

"Baka naman nagkamali lang ng dinig si ma'am Bela. Baka naman hindi GAY ang narinig niya, baka HEY lang. You know, binati lang siguro ni sir Blake si ma'am." Pagtatanggol ko sa boss ko. No, hindi maaaring bakla si sir. Paano na ang future ko with him. Paano na ang mga pinantasya ko? Hindi na matutuloy kung bading nga siya.

"Ano kaba, si Blake na nga mismo nagsabi kay tita eh. Anong binati ang pinagsasabi mo dyan? Gaga tanggapin mo ng bakla ang ultimate crush mo." Sabay belat sa akin. She knew that I have a biggest crush on Blake, ever since I met him. Kaya nga nagpumilit akong pumasok dito sa restaurant niya eh, masilayan ko lamang ang kagwapuhan niya araw-araw.

"No! It can't be. Hindi bakla si Blake. He's just confused." Hindi ko matatanggap kung totoo mang bakla siya. All this time, ang macho effect niya ay isang kasinungalingan lamang? Hindi...HINDI ITO TOTOO. I need to do something, I need to prove that his not gay. Kung kinakailangang gamitin ko lahat ng powers ko, I will do it.

"Oh natulala ka na diyan Cristeta Dimagiba. Tanggapin mo na kasing bakla siya. Unless may binabalak kang gawin siyang lalaki." Sabi niya sa akin na para bang nababasa niya ang naiisip ko. "Don't tell me, yun nga ang balak mo? Aba Cris, baliw ka na nga." Nanlalaking mga mata na sabi niya sa akin.

Ano bang masama sa balak ko? Lalaki pa rin naman si Blake eh, may totoot pa rin yun, kaya di malayong magawan ng paraan yung pagiging bakla niya.

"Malay mo naman maging lalaki nga siya. Alindog ko lang pala ang kailangan niya." Sabay pose ko pa ng sexy. Wala namang masama if I will try it. Malay naman nila, ako ang susi para maging lalaki si Blake. Oh diba! laking pasalamat pa nila sa akin.

"Sira ka talaga. Hindi naman isang disease ang kabaklaan eh 'no. It's in the blood, nananalaytay nga sa kaniya ang berdeng dugo, and you can't do something about it." Panira rin itong si Mayton ng plano eh. Uber nga ako sa positivity na magiging lalaki si Blake, siya naman sobra sa pagiging nega. Upakan ko kaya ito.

"May sinabi ba kong sakit ang kabaklaan? Basta gagawin ko siyang lalaki. Hindi ako naniniwalang bakla siya. Kaya pwede bang tulungan mo na lang ako. Alam mo namang masungit yun eh, hindi ko alam kung paano ko maisasagawa ang plano ko. Mabait lang naman sa akin yun kasi nga bestfriend kita 'no." Nungka yatang tinitigan ako nun. Parang gusto ko na tuloy maniwala na bakla siya ah. Imagine, ang kaakit akit kong ganda at alindog ay wa epek sa kaniya.

"Ano bang klaseng tulong ang kailangan mo bekz? Siguraduhin mo lang na magiging lalaki si kuya Blake ha. Teka sabihin ko kaya kay tita Bela yung balak mo. Makakatulong din sa atin yun." Pwede, bakit nga ba hindi. Mas madali ang pagsasagawa ng plano kung kakasabwatin ko si ma'am Bela.

"Ay bet ko yan bekz. May utak ka rin pala minsan. Sige nga at ng maisagawa ko na ang aking wonderful plan." Napapalakpak ko pang sabi. I'm so excited and I just can't hide it, I'm about to lose control and I think I liked it. Kinanta mo ano? Anyway, I'm really excited about my plan.

He's Gay? (One-Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon