Chapter 1 - World Spins Madly On

470 6 0
                                    

Ayoko na sanang magising. Not because of the bad hangover but because of the emptiness I feel. Tama sila, panandalian lang ang epekto ng alak at sa pagpawi ng epekto nito ay ang masakit na katotohanang iniwan na ako ni Migs.

'Nasaan kaya siya ngayon? Anu kayang ginagawa niya? Iniisip kaya niya kung ano ang nangyayari sa akin ngayon? Kung ano ang epekto ng ginawa niya? Ganun lang ba kadali kalimutan ang pinagsamahan namin? Three years! Yet six months palang since nag-migrate siya ng US ay agad na nakalimutan na niya ako?? Nakahanap na siya ng iba?! Sobrang sakit!'

Ang paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan.

Ang pinakamasakit sa lahat, he told me all about it only through Facebook.

Sa mabigat kong ulo ay ayokong gumalaw sa pagkakahiga. Para ring may mabigat na bagay na nakapatong sa buo kong katawan. I'm frozen in my bed habang walang tigil sa pag agos ng mga luha mula sa aking mga mata. Sa lakas ng ulan ay tila pati kalangitan ay nakikidalamhati sa aking paghihinagpis.

"Sige ulan ibuhos mo lang nang walang makarinig sa patuloy kong pagtangis."

Bulong ko sa hangin.

Habang nakatingin sa kawalan, I realized na ang buhay ko pala ay parang kanta and this chapter is specifically the song 'World spins madly on' ng The Weepies.

Woke up and wished that I was dead
With an aching in my head
I lay motionless in bed
I thought of you and where you'd gone
And let the world spin madly on...

It hurts so bad na kahit na ano ang aking gawin ay hindi maalis ang sakit na idinulot ni Migs. Parang sasabog ang aking dibdib.

Napalingon ako sa aking bedside table at napansin ang picture frame kung saan magkayakap kaming nakatawa ni Mommy. Saka ko naisip na kahit iniwan na ako ni Migs ay alam kong marami pang ibang nagmamahal sa akin at dahil dito ay alam kong kakayanin ko kahit wala na ang lalaking pinakamamahal ko.

Music & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon