Panay kabog ng aking dibdib habang papalapit na ang sasakyan sa Barrio. Hindi ko na rin mabilang kung nakailang lunok na din ako. Hindi ko talaga maiwasan na kabahan. Kasabay na may nakabara na kung ano sa aking lalamunan. Kasama ko si Russel. Land trip ang ginawa namin papuntang Mindoro. Tatawid lang naman ng dagat at ilang oras lang din naman ang byahe mula Cavite.
Ngayong araw ay ipapakilala ko na siya sa pamilya ko. Alam kong madidismaya sila sa ihahatid kong balita sa kanila—lalo na ang mga magulang ko. Dahil ang alam lang nila ay nag-aaral ako ngayon kahit ang totoo ay hindi. Ilang beses na akong nangangalangin sa isipan ko na sana ay dapuan ng good vibes ang mga magulang ko. Lalo na si papa.
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang simpleng bahay. Muli na naman akong napalunok nang nahagip ng mga nakakabata kong kapatid na sina Trina na masayang naglalaro ng jack stone kasama ang mga kalaro at bunso naming kapatid na lalaki na si Yan na naglalaro ng tumbang-preso sa hindi kalayuan mula dito sa sasakyan. Napatingin ako sa mismong harap ng bahay namin na kasalukuyang nagwawalis si mama. Inilapat ko ang aking mga labi. Mas bumibilis ang kabog ng aking dibdib. Dumodoble pa yata ang aking kaba ngayon.
Ngunit ramdam ko na may masuyong humawak sa aking kamay. Agad akong tumingin sa aking kaliwa. Tumambad sa akin ang mukha ni Russel na nakangiti. "Don't be scared, I'm here." he said softly. "Hindi ka nila masasaktan. Trust me."
Isang hilaw na ngiti ang iginawad ko para sa kaniya. Sa pamamagitan ng mga salita na kaniyang binitawan, kahit papaano ay nabawasan ang takot at pag-aalala na naglalaro sa aking kalooban.
Kinalas niya ang suot niyang seatbelt saka lumabas siya ng sasakyan na dahilan para mapatingin ang mga tao sa kaniya. Ang iba sa kanila ay nagtataka, ang iba naman ay namangha, lalo na ang mga kababaihan na nasa edad ko. Dumiretso si Russel sa pinto para pagbuksan niya ako. Nilahad niya ang kaniyang palad. Hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin iyon hanggang sa maingat niya akong nailabas mula sa kaniyang sasakyan. Agad akong tumingin sa direksyon kung nasaan si mama na ngayon ay tumigil sa kaniyang ginagawa. Nakaawang ang kaniyang bibig at bakas din sa kaniyang mukha na hindi makapaniwala.
"Jelly?" tawag ni mama sa akin.
Isang mapait na ngiti ang umukit sa aking mga labi. "Ma..."
Nabitawan niya ang hawak niyang walis tingting at nagmamadali siyang daluhan kami. Niyakap niya ako ng ilang segundo saka kumalas din. Ikinulong ng mga palad niya ang mukha ko. "Bakit napauwi ka dito sa atin? Anong nangyayari?" may bahid na pag-aalala sa kaniyang boses nang tanungin niya iyon.
Bago ko man sagutin ang kaniyang katanungan ay nagkatinginan kami ni Russel. Tahimik lang itong tumango. Inilipat ko kay mama ang tingin ko at patuloy ko pa rin siyang binibigyan ng mapait na ngiti. "Ma... Si Russel po pala..." pakilala ko sa kasama ko.
Bumaling si mama kay Russel na may pagtataka. Ilang segundo pa man lumipas ay ibinalik sa akin ni mama ang kaniyang tingin. Alam kong maraming katanungan ang nabubuo sa isipan niya ngayon.
"Good afternoon po, Mrs. Doroteo. Russel Hochengco po pala." magalang na pagbati niya sa nanay ko. Ang mas hindi ko inaasahan ay nagmano siya!
"Ah.. Eh, ang mabuti pa, pumasok na muna tayo sa loob. Mainit dito sa labas. Ang mukhang pagod kayo sa biyahe." malumanay niyang sabi.
Sumunod kami sa kaniya hanggang sa narating na namin ang loob ng bungalow style na bahay namin. Wala si papa ngayon, paniguradong nasa bukod siya ng mga ganitong oras at abala sa mga ani.
"Ay, sandali lang ha? Uutusan ko lang itong mga kapatid mo na bumili ng meryenda." aligagang sabi ni mama saka lumabas muna ng bahay para puntahan ang dalawa kong kapatid sa labas.
Nagtama ang mga tingin namin ni Russel. Hindi ko pa rin maiwasan na kabahan. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga sa harap niya.
"Papaano natin sasabihin sa kanila ito?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Touch Of The Wild Man | Editing | R18+
RomanceSweetness & Possession Series # 13 : He's twenty five and she's eighteen. They got one night stand. Russel Anthony Ho, a wild and the black sheep of the family. Basagulero. Suki ng Police Station at ng mga Bar. Hindi alam kung ano talaga ang gusto s...