Chapter 12

30 8 3
                                    

Napabalikwas ako sa higaan nang maalala ko ang nangyari kagabi.

Kinapa ko ang kama pero wala akong tao na makapa.
Kinapa ko rin ang katawan ko pero kompleto naman ang damit kong suot.
Totoo ba ang nangyari na iyon kagabi? Hindi ba ako nananaginip?
Pero kung totoo iyon, bakit wala naman akong naramdaman na kakaiba sa aking katawan?
Kung may nangyari sa amin ng lalake na iyon ay sana ngayon ay may maramdaman akong sakit sa pagkababae ko pero wala, wala akong naramdaman na sakit.

Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa prostration!

Nababaliw na yata ako, baka epekto ito ng pagkaaksidente ko.
Kung anu-ano na lang ang maramdaman ko at ini-imagine.

Napabuntong hininga ako at lumabi. Maaring nanaginip lang ako.

Tumayo ako at tumungo sa bathroom para maligo.
Hindi naman ako Nahihirapan na maliligo na mag-isa Dahil kahit 'di na ako makakita ay kabisado ko na ang loob ng kuwarto ko at ang banyo.

Pakatapos kong maglinis ng katawan ay lumabas ako sa banyo na walang ano mang saplot, nakalimutan ko kasi na magdala ng tuwalya.

Kinapa ko ang aking cabinet at hinanap ang tuwalya.
Naging madali lang sa akin na maghanap ng mga gamit ko sa loob ng cabinet dahil na Organize ito ng mabuti.

Pinunasan ko ang tumutulo kong katawan at pati ang mahaba kong buhok.
Pagkatapos ay kumuha ako ng underwear's saa drawer at sinuot ko ito pero, nagulat ako nang may biglang nabasag sa sahig.

Mapatigagal ako at dali-dali kong kinapa ang tuwalya at mabilis ko itong tinakip sa aking katawan.

Hindi ko mapaliwanag ang kaba na sumalakay sa aking dibdib!

"Ay, sino ba ang nandiyan? Unti-unti akong humakbang papunta sa pintuan ng aking kuwarto. "P-pwede bang sumagot ka?"

Bigla akong natumba nang bumukas ang pinto ng aking kuwarto.

"Jesus Christ, ano ang nangyari sa iyo iha?" gulat na sambit ni Lola habang ina-alalayan niya ako na makatayo.

"Ahh L-lola, L-lola may tao dito, narinig ko na may N-nabasag! L-lola please tulongan mo ako!" nanginginig kong sumbong sa kanya.

"Hey, relax iha hahanapin ko ang sinasabi mong tao, pero kumalma ka lang okay!"

Pinaupo niya ako sa kama at pagkatapos ay tiningnan niya ang bawat sulok ng aking kuwarto at banyo pero, wala siyang nakita na tao.

"Paanong wala Lola?sabi mo may nakita kang basag na flower vase dito sa aking kuwarto? kung ganoon sinong bumasag? P-paanong nangyari iyon?"

Niyakap ako ni Lola dahil umiiyak na ako.
Naguguluhan na ako sa nangyayari sa akin, hindi ko alam kung ano ang totoo.
May lihim ba na tao na pumapasok sa kuwarto ko?
Sino siya at bakit niya ito ginagawa?

Ela's POV:

"Ah Tita, aalis na po ako," paalam ko kay Titar Marie.

"Oh sige, pero mag-ingat ka Ela ha?"

"Ay, opo Tita Marie,"

Bitbit ang bag ko na may laman ng baon ay lumabas ako sa eskinita upang mag-abang ng jeep patungo sa bagong trabaho na pinapasukan ko.

   Hindi na ako umuuwi tuwing tanghali para pakainin si Tita Marie dahil medyo maayos na ang kalagayan niya.
Makalakad-lakad na rin siya kahit mabagal lang at nandiyan naman si Daisy na kasama niya sa bahay.

May humintong kotse sa harapan ko at 'di ko mapigilan napangiti.

"Sakay na,"

Tears On The White RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon