Chapter 1: Meet Sunrise

9 0 0
                                    

I Fell For God's Creation
Chapter 1
By: DarkPandaxx

Sunrise's PoV:

"Coming!" Sigaw ko kay mama. Mala-late na koooo!

"Bilsan mo na jan, Sun. Baka malate ka eh first day of school pa lang" Kinakamot ni mama ang kanyang sentido na parang stress na stress. Binigyan ko siya ng isang masiglang ngiti, sabay yakap sa kanya.

"Opo, ba-bye maaa!" Sigaw ko sabay wave. Lumabas ako ng bahay na nakangiti. Napahinto lang ako at napawi ang ngiti sa aking mga labi ng makita si Aqua.

"Hi, Sunriseee!" Napailing ako at napaismid.

OO NAAA! KAMI NA ANG KAKAIBA ANG MGA PANGALAN! HMP!. Ganito kase yan, nakuha ang pangalan ko dahil sa pagpapa-anak sakin ni mama. Gabi na daw yun pero maguumaga na tas naramdaman ni mama na parang manganganak na siya kaya.. yun, itinakbo siya sa hospital at naipanganak niya ako nung magsunrise na. Naisip ni papa yun, at pumayag din si mama.

Ewan ko ba kung bakit napapangitan ako sa pangalan ko, pwede namang sunshine diba? naakoooo!.

"Oh? bakit ka nakasimangot my princess?" Natatawang ani ni Aqua.

Alam niyo kung saan nakuha name niya?, dahil daw yung papa niya asa sea daw nung time na yun, bale seaman ang papa niya. Tapos, nung kaka-alis lang nung papa niya, dun na daw siya napanganak, naisipan naman daw ng mama niya yung Aqua dahil sa seaman ang papa niya.

Ang ewan nung name nameeeen!

"Wala! bakit ka kasi andito?!" Naiinis na ani ko habang nagpapapadyak. Tumawa lang siya at pumara ng taxi.

Bale, magkaibigan kaming dalawa. Peroooo-- binigyan niya ng ibang meaning pagkaka-ibigan namin kaya ayun, napalayo loob ko sa kanya, psh!. Bat ba kase naging mabait ako sa kanya?!

Pagkababa namin ng taxi, agad akong pumasok sa loob ng school.

"Hoy! Babae! Hintay!" Napaismid na lang ulit ako. Agad akong pumunta sa mga classrooms na kung saan nakapaskil ang mga pangalan namin.

"Uy! Sakto! Magkaklase tayo!. Ibig ba niyang sabihin, meant to be na tayo?" Tumataas-baba pa ang kilay niya! Aba! Iba den!

"Tse! Maiwan ka diyan!" Agad akong pumasok sa loob ng classroom.

Pagpasok ko nakita ko ang ibang mga studyante na ngayon ko lang nakita, at ang iba naman ay dati ko ng nakita. Tiningnan ko ang kabuunan ng classroom. Dalawang electricfan sa magkabilang pader. Mga 50 na upuan. Malinis na paligid.

Oo yun lang. Hindi kasi ako mayaman kaya, nasa public school lang ako. Hindi ko rin naman gusto sa Private. Si Aqua naman, ayaw daw niya sa Private, mas nageenjoy lang daw siya sa Public.

Agad akong lumapit sa dalawang upuan at umupo sa isa sa mga don. At syempre si Aqua, deretso sa katabing upuan ko. Tumingin ako ng masama sa kanya pero ngumiti lang siya na parang nang iinsulto.

*Tik!* *Tok!* *Tik!* *Tok!*
Time Check: 5:40
*KRIIINGGG!*
Owyez! Uwian naaaa! Oo uwian na agad dahil di ko napansin at di ko pinansin yung mga techers na nagpapakilala. Agad akong tumayo at lumabas, hindi ko man lamang pinansin si Aqua na sigaw na ng sigaw. Nagulat na lang ako ng may humablot sa kamay ko, naakooo! si Aqua!

"Mangiiwan!" Bulyaw niya. Napatingin na lang ako sa ibang tao na nakatingin na sa 'min. Napailing lang ako at agad na lumabas ng campus. Mabigat man ang mga librong hawak ko, okay lang! Atleast uwian! >.0

"Hoy Babae, yung libro mo asa bahay. Bigay ko na lang sayo bukas" Tumango lang ako. Yung librong sinasabi niya ay yung mga librong binili ko online na nasa wattpad. Oo, yes! wattpader ako! HAHAHA.

Pero-- kahit gustuhin ko magkaroon ng wattpad na layp. Di mangyayari, skwelahan pa nga lang eh! Isipin mo-- school na pinagaaralan ko. Walang library, locker, bad boys! Hayst, im depressed! Dejok!

"Heto! iwan ng iwan!" Kumusilap sakin si Aqua. Ewan ko ba kung lalaki talaga toh o babae! >.<

Panibagong araw nanaman ang mangyayari bukas nakoooo! sana naman matino na, yung tipong may bad boy akong makakabangga, charot! asa pa ko! eh pangarap lang yon eh :<

I fell for God's creationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon