Rain's POV
Sobrang sakit ng ulo ko pagkagising ko. Nagulat ako na nasa kwarto ko ako ngayon. Last kasi na naalala ko kausap ko si Chloe. May tinatanong siya noong time na yun eh. Pero hindi ko na maalala.
So, paano ako nakauwi? Bigla kong naalala si Nicole.
"Sh*t" bigla akong tumayo na agad kong pinagsisihan dahil parang sasabog yung ulo ko.
Nakahinga ako ng maluwag nung narealize ko na I am still wearing the same clothes. Chineck ko yung pocket ko pero wala yung phone ko.
Pumunta ako sa sala. Nakita ko yung phone ko sa may table kasama ng susi ng sasakyan at apartment.
Chineck ko yung Recents. Wala akong missed calls pero may tawag from Nicole ng mga past 3. Inalala ko kung nakausap ko pa ba siya after nung nagusap kami sa labas. I am sure na hindi.
Pagtingin ko may note na nakalagay sa baba ng susi ko.
Sorry nalasing ka dahil sa akin. Tawagan mo daw yung gf mo pag gising mo. Thanks again :) - Chloe
Bigla akong kinabahan. Hindi pa kilala ni Nicole si Chloe. Tapos siya ang naghatid sa akin??? And for sure siya rin yung sumagot ng tawag ni Nicole. Hindi ko mapigilan na umupo sa sofa, yumuko at ilagay ang palm ko sa mukha ko. I am pretty sure na madaming itatanong si Nicole sa kung anong nangyari last night. Or should I say kanina.
Nilakasan ko loob ko at tinawagan si Nicole. Tanghali na dito, ibig sabihin mga 9:00 PM na sa kanila.
Unang tawag ko, di ako sinasagot ni Nicole. Mas lalo na akong kinabahan. Sinabi ko kasi sa kanya na 3:00 AM uuwi na ako. Hindi ko naman namalayan na malalasing ako. At mas lalong hindi ko naman alam na makakausap niya si Chloe.
Tumawag ulit ako. And this time sinagot na niya.
What? - Nicole
Uh-oh. Alam ko na lang na inis na siya.
Hi, babe - Rain
I guess hindi ka na lasing - Nicole
I'm so sorry. Naparami lang talaga kagabi - Rain
Obviously - Nicole
Are you mad? - Rain
No - Nicole
Niks - Rain
Hindi na niya ako pinatapos sa sasabihin ko.
Don't do it again, okay? I was so worried about you - Nicole
Yes po - Rain
So, sino si Chloe? - Nicole
Sinabi ko sa kanya kung sino si Chloe at kung bakit ako naparami ng inom. Almost 2 hours na kaming nag-fafacetime hanggang sa nakatulog na siya. Hindi ko inend yung call at pinapanood ko lang siyang matulog.
"Miss na miss na kita. I can't wait to hold you"
-------------------------------------------------------
Nicole's POV
It's been 2 months since pumunta ako dito sa San Francisco. Sobrang namimiss ko na si Rain pero araw araw naman kaming nag-uusap.
"Less than a month na lang" sabi ko sa sarili ko.
Inaantay na lang kasi namin ni Max yung exact date ng labas ni Ethan sa rehab. Sobrang laki ng improvement niya. Masasabi ko na okay na siya. I'm glad na andito ako para sa kanya kasi nakikita ko yung tulong na nabibigay namin ni Max sa kanya. I hope he is strong enough para magsimula ulit.
Biglang tumunog yung phone ko. A message from Belle. Bigla akong kinabahan, naalala ko bigla na paano kung nalaman nila Ethan na okay na kami ni Belle? Ni Mommy? I thought for a second na kahit paano okay na lahat. Meron pa pala akong problema.
I'm flying to New York tonight. I'll be there for 3 days. Puntahan kita dyan after? - Belle
Napa-smile ako. Naexcite ako bigla.
Yes please. I can't wait! Naexcite ako bigla! - Nicole
May ibibilin ka? - Belle
Can you take Rain with you? Lol - Nicole
As long as she will fit on my luggage, why not? haha - Belle
It's fine. Malapit na rin lumabas si Ethan which means na malapit na rin akong umuwi - Nicole
That's good then. I have to pack pa. See you soon! - Belle
"Nicole?" I heard Max.
Sumilip siya sa room ko.
"Get change. Ethan's doctor wants to talk to us. I think malalaman na natin kung kailan siya lalabas"
Agad agad akong nagbihis. Puro good news ngayon ah. Sana magtuloy tuloy na.
————————————————————————
Andito ako ngayon sa isang resto. Inaantay ko si Belle. She's staying with her cousin. I offered na magstay siya with me pero sabi niya na nagkikita rin naman kami sa Pinas di tulad ng cousin niya.Pagpasok pa lang niya ng resto agad agad na siya lumapit sa akin at niyakap ako.
"I missed you!" sabi ko sa kanya.
"Pero mas namiss mo ba to?" sabay abot niya ng shirt.
"Smell it" sabi niya. And I did.
It smells like Rain. Hindi ko mapigilang kiligin.
"She was wearing that nung hinatid niya ako sa airport. I even bought her a shirt new para lang ibigay niya sa akin yan"
Natawa tuloy ako.
"This is kinda weird, Belle"
We both laughed.
"Pero nabawasan yung pagkamiss mo diba?"
"Of course. But I don't have to wait any longer. We're going home in 6 days"
"Really?! That's great!"
"Pero wag mo sasabihin kay Rain, okay?" Gusto ko kasi sana siyang isurprise. I told her na 2 weeks pa ako dito.
"My lips are sealed"
"I can't wait to see her"
Narinig ko na tumunog yung bell na nasa door ng resto. Si Max.
Nakatalikod si Belle sa door kaya di niya nakita si Max. I can see na iniisip ni Max kung sinong kasama ko.
"Hi Max" tumayo ako.
"What?!" sabi agad ni Belle.
Nagulat si Max nung makita niya si Belle.
"What is she doing here?" tanong ni Max.
Bago pa ako sumagot kay Max bigla na siyang umalis.
"I can't do this"
"Max wait" hahabulin ko sana siya pero pinigilan ako ni Belle.
"Let her go. She's probably still mad at me"
"I'm sorry, Belle. I just thought na maybe it's time na para ayusin lahat. Lalo pa na okay na si Ethan"
Hindi nagsalita si Belle. Tinignan ko siya. Nakikita kong naluluha siya.
"Excuse me" tumayo siya at pumunta ng restroom.
What just happened?
BINABASA MO ANG
Sweet Disposition
RomanceSequel to She's My Cold Coffee Are you willing to fight for the one you love? How long are you going to understand? Is love gonna be enough?