Author's note:
Dahil love ko kayo, ito na!!! Pero please comment kayo dun sa last author's note ko :))))
_____________________
Irish's POV
Nang makalayo layo ay huminto muna ako at habol hiningang isinandal ang kamay sa may puno para magpahinga. Hindi ko akalaing magagawa kung tumakbo kahit na nanghihina ako at mabigat sa loob ko na iwan si Ricci roon.
Sana ay ayos lang siya.
Nakakailang minuto pa lang akong naroroon nang marinig ko ang pagkasa ng baril sa may likod ko dahilan para manlaki ang mata ko sa kaba. Napalunok din ako at parang nanigas sa kinatatayuan.
"Akalain mo nga naman. Ako pa ang makakakita sa'yo." Rinig kong sabi ng nasa likod ko. "Paniguradong malaki ang ibibigay ni boss sakin kapag hinatid ko ang ulo mo sakanya." Nakakatakot na sabi niya.
Kahit di ako lumingon ay alam kong boses iyon ng babae. Hindi iyon pamilyar kay hindi iyon si Jane. Marahil ay isa siyang miyembro ng sindikato.
Narinig ko ang pag ngisi niya. "Baka nga ako pa ang maging paborito niya pag nagkataon." Sabi niya.
Imbis na matakot ay mas lumamang sa akin ang tapang at kagustuhan na lumban. Lumalaban si Ricci para sa akin at oras naman na ipaglaban ko rin kahit ang sarili ko.
Dahan dahan kong itinaas ang mga kamay ko na para bang sumusuko na. Habang daldal pa rin siya ng daldal ay humarap ako sakanya at hinawakan ang baril niya at inikot ang braso niya.
Napahiyaw siya sa sakit dahil sa ginawa ko. Mabilis ko ring siyang tinuhod sa sikmura kaya napaatras siya at napabitaw sa baril na ngayon ay hawak ko na. Itinutok ko yun sa babae at nakita kong napangisi siya.
"Wag kang magtapang-tapangan." Nang-aasar na sabi niya. Mukhang hindi suya natatakot kahit na ako ang nay hawak ng baril.
Iba talaga ang mga demonyo.
"W-Wag kang lalapit!" Pinilit kong itago ang kaba ko pero nabigo ako. Halatang hindi ako sanay humawak ng baril.
Natawa siya at tinignan ang kamay kong nanginginig habang hawak hawak ang baril na nakatutok sakanya. "Hindi mo kaya." Nakangising sabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "W-Wag mo kong subukan." Banta ko naman
Humalakhak siya. "Edi iputok mo kung kaya mo."
Napalunok ako sa sinabi niya. Aaminin ko na ito ang unang beses kong makahawak ng tunay na baril at sobra ang takot na nararamdaman ko ngayon dahil alam kong napakadelikado nito.
Totoo ang sinabi niya na nagtatapang tapangan lang ako dahil ang totoo ay hindi ko kayang iputok ang baril kahit sa may lapag manlang.
"Weak." Mariin niyang sabi habang nakatingin sa akin.
Napantig ang tenga ko nang marinig ko ang sinabi niya. Imbis na sagutin siya ay kinalas ko ang lalagyan ng bala at ibinato iyon sa malayo, samantalang ang baril naman ay ibinato ko rin sa kabilang direksyon.
Nakita ko ang inis sa mukha nung babae dahil sa ginawa ko. "Bwiset kang babae ka!" Galit niyang sigaw at mabilis akong sinugod.
Nakailag naman ako sa suntok niya. Namalayan ko nalang ang sarili ko na nakikipaglaban na sa babae gamit ang buong lakas na meron pa ako. Nagpapasalamat na lang talaga ako dahil dati ay pinag-aral ako ni Mommy Heather ng ilang martial arts.
Napadaing siya nang sinipa ko ang sikmura niya. Matalim niya akong tinignan. "Marunong kang makipaglaban. Pero walang wala pa iyan kung para sa kaya kong gawin." Pagmamayabang niya.
BINABASA MO ANG
You're Still The One || Ricci Rivero
Fiksi PenggemarA not so ordinary love story of Ricci and love of his life, Irish.