17: The Last Time He Said Yes

312 22 0
                                    

ANDRES

Marahan akong gumalaw nang magising. Dinilat 'ko ang mga mata 'ko. May liwanag na mula sa labas. Mula sa aking pagkakatagilid ay humiga ako ng ayos at tumingala sa kisame. Nakatulog ako nang gano'n ang pwesto, pati na ang pag gising ay gano'n na rin ang pwesto 'ko. Wala na nga lang 'yung mainit na yakap na bumalot sa akin bago ako makahimbing kagabi.

Bumagsak ang aking kanang kamay sa kama. Kunot-noo 'kong kinapa ang ngayo'y bakante na pa lang bahagi nito. Napatingin ako't kumpirmadong nag-iisa na lang ako sa kwarto. Mabilis akong napa-upo.

"Nasa'n si Gino?"

Bumangon ako sa kama't nagsuot ng tsinelas. Saglit akong nagmumog at naghilamos bago lumabas ng kwarto. Pababa pa lang ay naririnig 'ko na ang dalawang lalaking nagkukwentuhan.

Pagpasok 'ko ng kainan ay naroon nga ang Lolo Jose at Gino. Sabay na napatingin ang dalawa at saglit na naputol ang pinag-uusapan nila.

"Good afternoon, apo." Bati ng Lolo.

Nanglaki ako nang batiin niya ako ng isang magandang hapon. Hapon na?

"Pasensya na kung hindi na kita ginising. Ang sarap kasi ng tulog mo, eh." Sambit naman ni Gino.

Nagsasalo pa rin sila ng kape ng dis oras ng tanghali o hapon. Napatingin ako sa orasan, alas onse pa lang pala ng umaga. Akala 'ko sobra ang tulog 'ko.

Tila 'di organisadong naupo ako sa tabi ni Gino.

"Wala kang pasok ngayon?"

Nakangiti itong sumagot sa akin. "Nagpaalam ako. Bukas na lang ako papasok."

Napa-absent pa tuloy ng 'di oras si Gino nang dahil sa'kin. Sayang din ang bayad sa isang araw.

"Apo, ito pa lang si Gino ay isang barista. Minsan ay dumaan tayo sa coffee shop nila. Ito ngang kape na pinagsasaluhan namin ay timpla niya."

Napatingin ako kay Gino na nakangiti lang na nakatingin sa direksyon ng Lolo Jose. Mukhang napadami na ang kanilang napag-usapan habang nag-a-agahan. At sa tingin 'ko, ako ang inalmusal nila.

"You want coffee? Ipagtitimpla kita." Kayang pag-aalok.

Nakangiti akong tumango. "Sige."

In-excuse niya muna ang sarili sa aming mag-Lolo at nagtungo sa aming likuran lang din na kusina. Amoy pa lang, gising na ako. Ang bango ng kape!

"Ilang teaspoon ng cream at sugar?" Tanong niya.

"Ikaw na bahala. Basta 'yung timplang magugustuhan 'ko." Napatingin ako sa Lolo 'kong nakamasid din sa akin at humihigop sa kanyang kape.

"Kausap 'ko nga pala ang ama mo kaninang umaga." Aniya nang maibaba ang tasa sa lamesa.

"Bakit daw ho?" Nakabalik na si Gino sa aking tabi dala ang aking kape. "Salamat."

"He wants to meet me."

Napangangang napabaling ako kay Gino. "What?"

"I reported to your father na nagdala ka ng lalaki sa bahay. Sabi niya, gusto niya daw makilala si Gino."

Bumalik naman ang tingin 'ko sa Lolo. Ang Lolo talaga, oo.

Mabilis 'ko na lang na tinapos ang almusal 'ko. Nakatanggap na din ako ng text kay Papa kaya mukhang legit na pinapapapunta kami do'n sa kanila. Naligo't nagbihis na ako habang hinihintay ni Gino sa baba. Suot niya pa rin naman 'yung damit niya kagabi. Pero nakapaghilamos at toothbrush na siya.

"Alis na po kami, 'Lo!" Sigaw 'ko mula sa labas.

Bumaba na ako sa pinaparadahan ng sasakyan nang lumabas ng bahay ang Lolo.

One Great Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon