[ Narrator's (POV) ]
*Dahil nga sa nangyaring malagim na aksidente sa magkaibigan at pati narin sa magkapatid ay tila bah nakaabang na si kamatayan sa kanila. Anu mang oras ay kakatok na si kamatayan sa pinto nina JP, Seth at CJ.*
*Paano haharapin ng mga natitirang karakter sa seryeng ito ang nalalapit na pagtatapos ng kwento? Anu ang pwede pang mangyari at sino ang magpapaalam at mabubuhay para ipagpatuloy ang kwento at buhay na binigay ng diyos.*
-------------------------------------------
[ Christina (POV)]
*Mag-aalas kwatro na ng madaling araw ng biglang manginig ulit si CJ. Dali-dali kung tinawag ang mga doktor na andun lang sa nurse station. Napakabilis ng pangyayari. Di ko alam kung anu ang aking gagawin. Nang mga oras na iyon iisa lang ang nasambit at yun ang ang humingi ng tulong sa poong maykapal na sana iligtas niya ang kapatid ko. Si mommy naman na nagbabantay sa wala paring malay na Seth ay biglang lumabas ng ICU at pinuntahan kami.*
*Pagkarating ng mga doktor ay agad nila sinuri at tinurukan ulit ng gamot si CJ ngunit walang epekto ito kung kaya't agad nila na sinabi samin na kelangan ilipat si CJ sa ICU para naman matingnan at ma monitor ng maigi.*
*Nang mga oras na iyon kinausap ko na si mommy.*
"Mom.. anu ang gagawin natin?" tanong ko kay mommy habang hawak-hawak ang kanyang nanlalamig na mga kamay.
"Di ko alam Christina. Di ko alam..." sagot ni mommy sakin na manigyakngiyak na.
"Mom.. May sinabi sakin si CJ.." wika ko kay mommy. Sauna nagaalangan pa ako pero nilakasan ko na ang loob ko.
*Sa buong buhay ko ito ang pinakaunang pagkakataon na nakaranas ako ng ganito. Tatlong tao na nag-aagaw buhay. Bawat oras, bawat sigundo na tumatakbo ay lumiliit ang tiyansa na mabuhay sila.*
"Mom, sinabi ni CJ sakin kagabi na gusto niya ibigay kay JP ang kidney niya." sabi ko kay mama habang hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang mga kamay.
"Whattttt..???" gulat na sabi ni mommy sakin.
"Yes mom.. yan ang sinabi sakin ni CJ." dagdag ko.
"Pero sa kalagayan niya ngayon posibleng.." di na natapos ni mommy ang sinabi niya ng lumabas ang doktor mula sa ICU room at kinausap kami.
"Mrs. Buenaventura, Mrs. Angeles. I am so sorry to tell you but the patient is getting weaker." sabi samin ng doktor.
"Whattt??? Doc bak naman may pwede tayong gawin?" humahagulgol na tanong ni mommy sa doktor na nooy humahawak din sa balikat niya para alalayan si mommy.
"Im sorry po maam but anything that we will do know will only be useless. It would only trigger the implications of the cancer cells." sagot naman ng doktor.
*Ilang minuto pa ang makalipas ay iniwan na kami ng doktor. Ipinagpasya ni mommy na kausapin na si CJ. Paglapit ni mommy kay CJ kay niyakap niya ito ng napakahigpit na para bang ayaw niyang kumawala mula sa pagkakayakap sa bunso kung kapati.*
*Kitang kita ko ang hinagpis na nararamdaman ni mommy. Di ko akalain na mangyayari ito. Ilang sandali pa ay iniwan ko na muna sina mommy at CJ para makapagusap at pinuntahan ko naman si Seth at JP na nooy binabantayan ng ina ni JP.*
*Nagkataon din na nakakalakad na sina Romeo at Amanda.*
[ CJ (POV) ]
"Mom?" mahinang tugon ko sa kanya.
"Shhh.. magpagaling ka huh... magpagaling ka.." sagot ni mommy sakin habang hawak hawak niya ang kamay ko.
"Mom? I have something to ask you.." tanong ko sa kanya sa mahinang boses. Di ko kaya na ilakas pa ang boses ko dahil sa napakahina na ng katawan ko.
BINABASA MO ANG
BOOK 2: MY ENEMY MY LOVER (BoyXBoy) - [ Completed ]
Ficción GeneralIsang ordinaryong binata lamang si Jude Paolo na may maraming papel na ginagampanan sa buhay. Iba't ibang pagsubok ang kinaharap niya mula pagakabata siya. Pero isa sa pinakamahirap na pagsubok na kinakaharap niya ang ang pagkawala ng kanyang memory...