CHAPTER 24

2.9K 72 1
                                    

Cheno POV
I can't believe na sinagot na talaga ako ni Steph ngayon I thought hindi siya papayag kasi alam ko na takot siya sa kuya niya.

'Hoooo! Para akong nabunutan ng tinik dun ah! Now that steph is already mine I will treat her as Princess I want her to be happy'

*pak*
"Fvck!" agad kong sinamaan ng tingin ang nambatok sakin. Argh masakit yun ah!

"Whoa easy dude." saad niya habang tinaas pa niya ang kamay niya as he surrender.

"Fvck you Dude bakit kaba nambabatok? Tsk. Maganda ang araw ko kaya wag mo sirain " I smiled

" Pansin ko lang ang weird mo ngayon ah. May nangyari ba sayong maganda ha?"sabay akbay niya sakin. Ngumiti nalang ulit ako I can't stop myself smiling.

"So meron nga? Tell me dude what is it ?" huminga muna ako ng malalim bago magsalita pakiramdam ko sasabog ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok ngayon ko lang to naramdaman.
"Kami na ni--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tinakpan agad ni Brint ang bibig ko.
"Really ? Kayo na ulit ni Mayen ?"
"Gago hindi si Mayen ang tinutukoy ko kundi si Steph. Tsaka never na ako makikipagbalikan dun sa babaeng yun no tanda mo naman siguro ginawa niya sakin diba? Niloko niya ako for 3 years psh"

"Steph ? As in Stephanie Lee ? Yung maganda tsaka sexy ?"
*death glare*

"Say that again and I will kill you she's mine only mine." kaya napalunok nalang siya.
"Chill ano ka ba Hindi ko naman aagawin sayo si Steph kung hindi mo natatanong may Gf na ako no"

'Huh ? May gf pala tong gagong to ?'

"May gf ka ? That face ? Hmmmm.." sumama naman ang timpla ng mukha niya I know this man I love teasing him nagmumukha siyang bata.

" Pa gwapohan nalang tayo oh, ako na dadayo"
Tinapik ko nalang ang balikat niya ang lakas niya manghamon.

" Wag kana dumayo talo ka na naman " sabay tayo ko
"Mauna na ako kelangan ko na umuwi, ngapala pakilala mo samin bukas ang gf mo " hindi ko na hinintay ang sagot niya hindi naman aayaw yun e.

Steph POV

' The Fvck I can't sleep'

Nagpagulong gulong ako dito sa kama ko hindi talaga kasi ako makatulog, hindi parin nag si-sink in sa utak ko na sinagot ko na talaga si Cheno after 18 yrs nagka jowa na ako . Kinuha ko ang phone ko para icheck kung may nag text ba at di naman ako nagkamali dahil meron nga

From Cheno

Just Got Home eat your dinner sleep tight Baby iloveyou

Napangiti nalang ako sa text niya na yun hindi na ako nag abala na mag reply kasi kanina pa naman yun tinawagan ko nalang si Kim nakakailang ring palang ay agad niya na itong sinagot.

'Hindi niya siguro kausap Bf niya'

Pano ba naman kasi halos wala na atang oras na hindi sila magkausap sa phone ng bf niya, hindi ko pa nga nakikita bf ng babaeng yun baka mamaya tambay pala sa kanto yun biro lang.

"Oh Steph napatawag ka gabi na ah?"

"Hindi kasi ako makatulog Kim " i sighed

"Kung maka buntong hininga ka naman dyan parang ang bigat ng problema mong babae ka ah"

" Hays matatawag ko ba na problema to? Kasi..."

"Kasi ?" inintay niya sa sasabihin ko

" Kasi si-sinagot ko na si Che-" hindi ko na natuloy sasabihin ko kasi bigla nalang siyang sumigaw

"KYAAAAHHHHHHHHHH! Talaga ba Bff ? Ohmygosh dalaga kana."

Wala akong nagawa kundi ilayo ang phone ko sa tenga ko pakiramdam ko mababasag ang ear drums ko.

"Dalaga na naman talaga ako"

"Yan na ba yung sinasabi mo na problema mo ? Ang sinagot mo si Cheno ? BFF pano naging problema yun, are you not happy ? Diba matagal mo na rin crush yun lagi mo pa nga pinagpapantasyahan yun. Tsaka ayaw mo nun may boyfriend kana hearthrob ng school tapos MVP sa Basketball"

" Ano kasi.. iniisip ko si kuya parang galit siya naguguluhan ako, naguguluhan na ako sa nararamdaman ko mahal ko si kuya at si cheno. Parang niloloko ko lang ang sarili ko " I sighed

"Listen to me carefully okay ? Hindi mali na sinagot mo si Cheno sabi mo mga mahal mo siya so why bother about your feelings to him ? At yung sa kuya mo BFF kuya mo yun wake up hindi kayo pede ano family stroke lang ang peg nyo ? Kung ako sayo kay Cheno nalang ako."

"Pero kasi-" napatigil na naman ako dahil pinigilan na naman niya ako -,-

"Pero ano ? BFF kung ang iniisip mo na galit ang kuya mo hayaan mo natural lang naman yun kasi takot lang yun na masaktan ka diba nga first boyfriend mo si Cheno ? Next day okay na yan sa kuya mo trust me bff. "

" Naguguluhan talaga ako hays bahala na thank you bff sorry sa abala alam ko naman na busy ka sa boyfriend mo"

"No worries ikaw pa ba BFF malakas ka sakin e. By the way sabi ng bf ko isama daw kita bukas gusto ka daw niya makilala tsaka gusto din daw ako makita ng bestfriend niya hihi I'm so excited"

"Ha? Ah sige text mo nalang ako I will hang up na " i pressed the end call button.

'Mababaliw na ako'

Tumayo ako at pumunta sa veranda dito sa kwarto ko napaka sariwa ng hangin, pumikit ako para damhin ito.

'Sana maging maayos ang lahat ayoko magalit si Kuya'

Nagtagal pa ako ng ilang minuto bago ko maisipan na bumalik na ulit sa loob ng kwarto ko mas mabuting itulog ko na muna ito.

MY BROTHER IS MY BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon