Chapter 19: Jealous
Lumipas ang mga araw na lagi kaming magkasama ni Januz. Pinaghahandaan kasi namin yung presentation sa minor subject namin. Ilang araw narin nung huli kaming nagkita ni Khael. Hindi ko siya nakakausap sa ngayon dahil ang dami naming ginagawa. Hindi ko rin siya mareplyan sa mga chat niya at text niya dahil wala akong load para replyan siya. Minsan tumawag siya hindi ko naman agad nasagot. Hindi rin namin masyadong nakakasama sina Laurine at Coleen dahil mga busy rin sila. Halos lahat ng library sa school napuntahan na namin ni Januz para makahanap ng idea na ilalagay sa presentation namin.
Speaking of Januz. Hindi kami okay. Hindi kami gaanong nag-uusap. Kung mag-uusap man kami ay dahil yun sa activity namin. Hindi siya kumikibo unless magtatanong ako sa kanya tungkol sa topic na gagawin namin. Napansin din yun ng dalawa. Yung aura na bumabalot sa katawan ni Januz.
Naglalakad kami ngayon ni Januz papunta sa canteen para maglunch. Feeling ko nga ako lang mag-isa ang naglalakad. Hindi manlang ako kausapin nitong kasama ko. Nakarating kami sa canteen matapos naming maglakad ng malayo mula sa building ng CSSP.
Habang kumakain kami ni Januz natanaw ko si Khael sa di kalayuan. Naglalakad papunta sa canteen. Nagtaka ako dahil umiwas siya ng tingin nang tingnan ko siya. Ano'ng nangyari dun? Sa isip-isip ko. Napansin kong umalis din agad siya pagkatapos niyang bumili.
Nagpunta kami ni Januz sa library ng Educ pagkatapos kumain. Maghahanap pa kami ng pwedeng idagdag sa presentation namin.
Dubdub!
Dubdub!
Dubdub!
Habang papalapit kami sa pintuan ng library kinabahan ako bigla. Eto na naman siya. Unang pumasok si Januz, at dahan-dahan akong pumasok sa loob. Nilibot ko ang paningin ko hindi ko siya agad natanaw ngunit may nag-iisang nakaharang na libro sa mukha ng isang estudyante sa may bandang dulo ng library. Hind ko nalang muna pinansin kung sino iyon.
Habang nasa library kami may napansin akong kakaiba kay Januz. Samantalang nung nakaraan hindi ako makausap at hindi matingnan ng maayos. Ngayon, halos mayat-maya niya kong kinakausap. Tanong ng tanong kung pwede raw bang idagdag yung nabasa niya sa librong hawak niya.
Lumipas ang ilang minuto tumigil siya sa pagbabasa at nagsalita.
"Kamusta ka naman?" tanong niya. Hindi agad ako nagsalita. Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya.
"Ano'ng klaseng tanong 'yan?" sabi ko.
"Wala. Masama bang magtanong?" nainis ata siya sa sinabi ko. Binuklat niya ulit ang librong hawak niya.
"Maayos naman ako." litaniya ko. Kahit na hindi ako sigurado sa sagot ko.
"Halata nga sayo. Sa mga kinikilos mo." narinig kong sabi niya. Parang iba yung dating ng sagot niya sa'kin.
"Mukhang masaya ka naman palagi." dugtong pa niya. Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to.
"Ikaw ba, kamusta?" pagbabalik ko ng tanong sa kanya. Nag-iba ang aura ng mukha niya. Ngumiti siya bago magsalita.
"Kung ano sa tingin mong nakikita mo." sabi niya. Sigurado ba siya sa sagot niya. Marami akong nakikita sa kanya lalo na yung pagiging moody niya lately. A few seconds bigla ulit siyang nagsalita.
"Ano'ng tawag sa kalabaw na umaakyat ng puno?" seryoso ang mukha niya nang sabihin niya yun maya maya tumawa siya kaya pati ako tumawa na rin.
"Ano?" tanong ko. Walang pumapasok sa isip ko kung ano ang tinutukoy niya.
"Eh di magaling!" humahagikgik niyang sabi. Pinagmamasdan ko lang siyang tumatawa ngunit halata ko sa mga mata niya na hindi totoo ang pinapakita niya.
"Korni mo lang! Wala ka paring pinagbago." sabi ko. Naging seryoso na naman ang aura ng mukha niya.
"Ako pa rin naman to ah. Yung dating Januz na kakilala mo noon." seryosong sabi niya na waring nagbabasa ng librong hawak niya. Parang sinampal ako ng magkabilang beses sa pisngi ko sa narinig ko. Alam ko sa sarili ko na iniiwasan ko siya at yun ang hindi niya alam. Alam kong nagbago ako sa pakikitungo ko sa kanya dahil alam kong ito ang makakabuti para sa aming dalawa.
Hindi na ako muling nagsalita. Nagbasa nalang ako sa librong hawak ko parang may maidagdag sa gagawin namin. Ilang saglit lang natanaw ko sa hindi kalayuan si Khael sa bandang dulo ng library kasama ang kaklase niya. Hindi ko akalain na siya pala yung may harang na libro sa mukha.
--
KHAEL's POV
Bumalik agad ako sa library pagkagaling ko sa canteen. Hindi ko nagustuhan ang nakita ng mga mata ko. Ilang araw ang lumipas mula nung huli kaming nagkita at nagkausap ni Kenn. Hindi siya nagpaparamdam sa'kin. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya. Ang dami kong chat sa kanya pero hindi naman siya nag-oonline kahit isang seen wala. Sinubukan ko rin siyang i-text pero hindi siya nagrereply. Hindi manlang siya nagsabi na kung ano ang pinagkakabusy-han niya tapos makikita ko siya kasama yung mayabang niyang kaklase.
Ilang minuto ang lumipas mula nang manggaling ako sa canteen. Natanaw ko sa kinauupuan ko yung lalaking pumasok ng library sa pagkakatanda ko, Januz ang pangalan nun. Kinutuban ako na siguradong kasama nito si Kenn kaya nagharang ako ng libro sa mukha para hindi nila makitang nandito ako.
Ano kaya ang ginagawa ng dalawang yun dito? Bakit hindi niya kasama ang mga kaibigan niya. Napapansin ko nitong mga nakaraang araw halos lagi silang magkasama. Siya ba ang dahilan kung bakit hindi siya nagpaparamdaman.
Sinubukan kong tanggalin ang librong nakaharang sa mukha ko. Tanaw ko mula rito ang pagtawa niya habang kausap yung Januz. Ang saya-saya nilang tingnan. Hindi ko namalayan nakatingin na pala sa direksyon ko si Kenn.
"Nagseselos ka?" nagulat ako sa sinabi ni Mau. Hindi ko napansin na nakatingin siya sa'kin. Napaisip ako ng malalim sa tanong niya.
"Hindi ah. Bakit ako magseselos?" sabi ko tska tumingin ulit sa kinaroroonan nila.
"Halata sa itsura mo kung paano mo sila tingnan." tugon niya.
"Hindi ako nagseselos, okay. Tsaka magkaibigan lang naman kami nun." litaniya ko.
"Sa mga sagot mo alam kong hindi ka nagsasabi ng totoo."
"Ilang linggo palang naman kaming magkakilala ni Kenn kaya imposible yang sinasabi mo." paliwanag ko. Halatang hindi para siya kumbinsado sa sagot ko.
"Alam mo Khael, wala sa tagal ng pagsasama o pagkakakilala para masabi mong mahal mo ang isang tao. Mararamdaman mo nalang ito basta-basta. Hindi natin namamalayan unti-unti na pala tayong nahuhulog sa taong lagi nating nakakausap."
Mas lalo akong naguluhan sa mga sinabi ni Mau. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang mga salitang yun. Hindi ko na rin naiintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ako kahina pagdating kay Kenn. Nasasaktan ako sa t'wing may kasama siyang iba.
"Bago ka pa tuluyang malito sa nararamdaman mo. Umalis na tayo rito. Hinahanap na tayo nila Abby sa room." narinig kong sabi ni Mau habang nagliligpit ng gamit.
Bago ako tuluyang tumayo napansin ko ang pagbabago ng aura sa mukha ni Kenn. Tahimik lang ito at seryosong nakikinig sa taong kausap niya.
"Khael?" narinig kong tawag ni Mau sakin na kanina pang nakatayo sa exit door. Bago ko lisanin ang library tiningnan kong muli si Kenn kung saan sila nakaupo.
BINABASA MO ANG
U.T. I : Umibig Tapos Iniwan
RomantizmU.T.I Walang kaalam-alam tungkol sa pag-ibig si Kenn ngunit sinubukan pa rin niya ang magmahal. Sa kanyang pagsubok ay tila ba unti-unti siyang binubuo nito. Hindi niya inakala na ito rin pala ang wawasak ng kanyang pagkatao. Ano nga ba dapat ang ka...