Vince Hertrudes.A bank magnate in the business industry. He helped me in every possible way he can. Offered me a job as his secretary in his profitable company but all of that has a catch. Kumbaga give and take ang nangyari.
He's known for being a great and reputable businessman in the business world but in the Underground League he has no mercy and dangerous to withstand.
"Sweetie? Do I have any other appointments for today?"
Malambing nitong tanong habang naglalakad papunta sa may gawi ko. Iisang opisina lang kasi kaming dalawa.
Noong unang buwan ko pa lang sa trabaho hindi naman lingid sa kaalaman ko na may gusto si Vince sa akin. Inamin niya ito kaya wala pang isang linggo niya akong nililigawan ay sinagot ko na siya. Halos isang taon at tatlong buwan na rin ako sa poder ni Vince. Hindi mahirap maging malapit sa kaniya. Kaya lang hindi nadin magiging madali ang pag alis ko sa buhay niya. Lalo na at isa ako sa mga taong nakakaalam ng kaugnayan nito sa Underground League.
"Last one, sir. You have an appointment with the other associates at exactly 10 PM in the Underground League for your monthly meeting."
Propesyonal kong tugon kaya napa taas ng kilay sa akin si Vince.
"Too formal again sweetie. I thought I made it clear that you don't have to call me sir if no one's around."
Sabay akap sa akin mula sa likod. Hindi ko iyon inaasahan kaya napatulos ako sa aking pwesto. Ng matauhan ay marahan kong hinawi ang mga kamay niya na nakapulupot sa akin at tumayo bago ito hinarap.
"Sorry, stress lang talaga ako lalo na at malapit na ang death anniversary nila Mama at Papa."
After I said that he didn't wasted another second and hugged me tight to comfort me. Siya na ang naging sandalan ko simula nung nagkakilala kami kaya komportable ako sa kaniya.
Natapos naman ang lahat ng trabaho ko mga bandang alas singko palang kaya umalis na kami sa kompanya at dumeretso sa isang five star hotel dahil gusto daw muna nitong mag dinner. Habang tahimik kaming kumakain sa isang VIP room na ipina reserve nito ay biglang nag ring ang phone niya.
"Excuse me sweetie, I have to take this call."
Tumayo ito at lumabas sa vip room kung saan kami naghahapunan. Maya maya pa ay bumukas muli ang pinto pero hindi na nag iisa si Vince ng pumasok.
"Sweetie meet Mr. Añival, he's here to join us for dinner to discuss a certain matter."
Pagpapakilala nito sa akin. Siguro isa na naman to sa mga kasosyo niya sa negosyo. Baka mahalaga ang pag uusapan nila kasi biglaan ang pagdating nito tsaka wala siya sa schedule ngayon ni Vince. I checked it just awhile ago to see if plantsado naba ang mga gagawin niya sa mga susunod na araw.
"It's nice to meet you Mr. Añival. I am Celiesta Fauste, Mr. Hertrudes' secretary..."
Naputol ako sa pagsasalita ng sumingit si Vince.
"She's my girlfriend."
Buong pagmamalaki na sabi nito kaya namula ng todo ang pisngi ko. Hindi ko aakalaing ipapakilala niya ako ng ganoon sa isa sa mga kasosyo niya.
"Pleasure to meet you Celiesta."
Makikipagkamayan sana ito pero nung akmang kukunin ko na sana ang kamay nito, tumikhim naman ng malakas si Vince na nerbyosong ikinatawa ni Mr. Añival.
"Oh. I guess there's no need for us to shake hands."
I don't know why but the intensity of the atmosphere around us got heavier in a snap. Vince is staring at Mr. Añival like he is going to kill him. But the poor man only looked away like a coward. If looks could kill, he's probably dead right now.

BINABASA MO ANG
Untold Story
ActionA tragedy changed Celiesta Fauste in a snap. Things happened. Too late to find out that everyone's hurting. But in the middle of that chaos, she found someone. He stayed like everyone didn't do. Edam Acryl Grayson did. Yet she discovered his untold...