...Kaya hanggang ngayon hindi natin alam kung ano ang naging papel ng kung sinuman bago ito nawala...
"Yung kumuha ng picture namin ni Ate...si Sir Rodel pala yun." Pag-amin ko pa kay Xandra.
"Ano?! Kailan mo lang nalaman?"
"Nu'ng last time pa..."
"Nung last time pa?! Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Pasigaw niya pang tinanong sa akin—dahilan para mataranta ako.
"Wag ka ngang sumigaw! Maririnig nila Mama." Pabulong kong sinabi sa kanya habang hinawakan ang kanyang kamay na hinila niya kaagad.
"Sinabi ko naman sayo, sabihin mo agad sa akin kung ano ang mga nagaganap sayo."
"Sorry na. Eh kasi...natatakot ako--"
"Ano, sa akin? Eh hindi ko naman sasabihin sa Mama mo hangga't 'di pa kinakailangan."
"Kaya bukas, lalakad ako. Makikipagkita kasi ako kay Ma'am Lisa—yung substitute teacher namin na pamangkin din ni Sir Rodel. Pag-uusapan namin yun."
"Bakit, alam niya ba?"
"Oo, sinabi ko sa kanya."
"Ba't mo naman sinabi sa kaniya, tapos sa akin, hindi?! Hindi ba, mas delikado yun?" Pagalit niya pang tanong sa akin.
"Wag kang mag-alala, mapagkatiwalaan ko si Ma'am Lisa. Kilala ko na siya since unang tapak ko sa High School." Giit ko pa kay Xandra kahit na ako mismo ay nagdududa kung mapagkatiwalaan ko nga ba talaga si Ma'am Lisa.
"Siguraduhin mo lang..." Pagsagot niya pa sa akin.
Sana nga, sigurado ako.
"Sige na, matulog ka na. Bukas na natin yan problemahin." Dagdag niya pa habang may bahid ng pag-aalala ang kanyang mga mata na nakatitig sa akin.
"Hindi ako makatulog, eh..." Naging sagot ko naman—nang bigla kong nakita na napalitan ito ng ngiti matapos ko yun sinabi
"O...bakit?" Tanong ko.
"Wala, tumalikod ka."
"Bakit nga?"
"Basta..." Ginawa ko naman ang inuutos niya sa akin. Tumalikod ako sa kanya. Hindi nagtagal, naramdaman ko na ang daliri niya na himihimas-himas ang buhok ko.
"Noong bata pa ako...ito ang madalas na ginagawa sa akin ng Nanay ko tuwing hindi ako nakakatulog. Namiss ko lang itong mga ginagawa niya sa akin, bilang isang ina." Pagkukuwento niya pa sa akin.
"Bakit, ano pala nangyari sa Mama mo?" Tanong ko naman sa kanya matapos yun marinig.
"Umalis, at hindi na siya bumalik."
"Ano? Saan nagpunta? Hindi niyo mahanap?"
"Nahanap ko siya, pero hindi na siya ang Nanay ko, Andre."
BINABASA MO ANG
Ang Pagkawala Ni Teresita Gomez
Mystery / ThrillerSi Teresita Gomez ay ipinanganak sa isang simple ngunit marangyang pamilya. Bagama't maayos ang kanyang pamumuhay ay may mga patong-patong na problemang dumating sa kanya. Dahil dito, napagpasyahan niya na munang umalis upang nang sa ganoon ay makap...