Chapter 28

173 10 4
                                    

Chapter 28

Luhan's POV

Nandito ako ngayon sa ospital, 1 week na ang nakakalipas simula nung naaksidente si Sooyoung dahil nalaman niya ang totoo.

na ikinagulat din naman namin...

Hindi ako umaalis sa tabi niya ngayon dahil gusto ko ako ang una niyang makita pagkagising niya.

Yun ay kung magigising pa daw siya...

Bakit ganun? Nung si Soojin pa siya, si Sehun ang minahal niya at nawala siya sakin.

Ngayon namang si Sooyoung na siya, nalaman niya ang katotohanan na siya si Soojin, hindi ko na alam kung mahal niya pa ba ako, dahil nga naalala niya na din na si Sehun talaga ang mahal niya.

Ang malas ko talaga pagdating sa pagibig.

Sa tingin ko, wala talaga akong kwenta. Pero bakit ganun? Binigay ko naman lahat ng effort ko, pero bakit parang di sapat?

Bakit pakiramdam ko, si Sehun parin talaga ang mahal ni Sooyoung.

Ang sakit.

Sobrang sakit.

Mas masakit to kesa sa nangyari dati, sobrang mahal ko si Sooyoung. Ayoko siyang mawala sa piling ko.

Sabihin niyo ng selfish ako pagdating sa pag-ibig, pero yun yung nararamdaman ko.

Ayokong mawala siya sa piling ko...

"Hyung, uwi ka na muna. Kaya naman namin magbantay eh. Isang linggo ka ng nandito eh. Dito na ba bahay mo?" Tanong sakin ni Tao.

"Ayokong mawala sa tabi ni Sooyoung, gusto ko nandito ako sa tabi niya pagka-gising niya na ulit." Sabi ko kay Tao na kasama ko ngayon mag bantay.

Biglang bumukas ang pintuan at nakita namin si, Sehun.

"Nandyan ka na pala Se. Samahan mo na nga lang si hyung magbantay dito, ayaw mag papalit eh." Sabi ni Tao na medyo naiirita  na.

"Sige." Sabi ni Sehun.

"Alis na ko." Sabi ni Tao at lumabas na siya agad.

Umupo na si Sehun sa may sofa at nakatulala lang. Awkward. Yan ang sitwasyon namin ngayon. Isang linggo na din pala ang nakakalipas na hindi kami nag uusap.

Kung kausapin ko na kaya to? Since matanda naman ako, iintindihin ko nalang ang nakababata.

Sehun's POV

Nandito na ko ngayon sa ospital, tahimik. Awkward. Yan ang sitwasyon.

Bakit ba kasi ako pa pinasunod dito ni Suho hyung eh. Sinabing ayoko magbantay pag nandito si Luhan. Wala naman mangyayaring maganda.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon, hindi ko din alam kung anong nararamdaman ko ngayon.

Kasi nung unang beses na naaksidente si Soojin, hindi ako nakapagbantay kasi sinabi samin na wala na siya, patay na siya, pero hindi naman pala.

Nawalan ako ng pagkakataon para bantayan siya at ipakita na mahal na mahal ko siya kahit makalimutan niya pa ko ng isang milyong beses.

Gusto ko ipakita na, hindi ako susuko, na nandito ako para ipaalala sakanya lahat kahit isang milyong beses pa siya magka-amnesia.

Pero inalis sakin ni Suho hyung yung karapatan kong yun dati.

Ngayon, nawalan na naman ako ng karapatan ipagtanggol ang babaeng pinakamamahal ko. Dahil sa pangalawang pagkakataon, naagaw na siya sakin.

Inlove with a Wolf?! (EXO FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon