"Pauwi na ng bansa si Kara kasama si Sergio at ang Mommy mo Selena."
Nawala agad ang gana ko sa cake na kinakain, nag-alalang tumingin si Kuya Sirius sa akin pero ayokong makitaan niya ako ng kahinaan.
"So magkakasama sila?" Bahagya akong natawa. Nadagdagan pa lalo ang galit na naramdaman ko kay Daddy, Paano niya nagagawa ang mga bagay para sa anak niya samantalang ako parang tanga na walang alam dito? Gano'n na ba siya ka desperadong panindingan ang pagiging manloloko niya?
"That's bullshit! Paano natitiis ni Daddy yun Lolo? Ano, wala na ba siyang pake sa akin? I don't care who's that Kara. Hindi ko naman siya kikilalanin bilang kapatid. Kaya I really don't care."
"Hayaan mo sila. Focus on your career Selena, ano ba ang gusto mong mangyari? Hindi mo ba naiisip na pwede kang ikompara ng mga tao sa kapatid mo?" Sagot ni Lolo.
"Tama si Lolo Princess, maraming pwedeng mangyari lalo na't kilala sa industriya si Kara. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag pero makinig ka nalang." Kuya Ken added.
Pinigilan ko na ang sariling sumagot at kahit hindi nila maipaliwanag ng maayos ay naiintindihan ko na. Naisali nila sa usapan ang tungkol sa negosyo, may iilang bagay akong hindi makuha sa negosyo pero hinahayaan ko na sila. Sa gitna ng ma-dramang salits ko kanina ay hindi ko napigilan ang sarili na mapangiti dahil sa pinapakitang galing ni Kuya Sirius. Di ko alam na gano'n na kalawak ang kaalaman niya sa negosyo samantlang ako...
Tama sila. Kailangan kong mag focus.
Pagkauwi sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto, naligo at komportableng umupo sa kama, mabuti nalang at hindi na ako kinausap ni Kuya Sirius, akala ko may mga ritwal pa siya na sasabihin sa mga kung ano ang dapat kong gawin at punain ang mga nagawa kong mali. Sasabog na yata ang utak ko, kaya ngayon walang pag dadalawang isip kong binuksan ang ipad ko at agad na hinanap sa google ang pangalan ni Kara. Sigurado akong nandito yon'.
"Kara Garboso."sambit ko habang nagta-type.
Hindi naman ako natatakot, pero habang naghihintay na lumabas ang mga resulta ay bigla nalang akong kinabahan. Pinalaki ako ni Mommy na matapang, at kahit na pinaghihinaan ng loob minsan sa pag-aaral ay nagiging maayos parin naman ako. Pero ngayon, tungkol to sa pamilya ko. Hindi sa mga kaibigan o kung sino lang, kaya kahit pilitin ko ang sarili na maging malakas ay di ko maiwasan ang mangamba.
"Master in Accounting..." Unang basa ko palang ay bahagya akong natawa. Hindi lang to ang inexpect ko kaya siguro medyo na dismaya ako sa ipinagmakayabang ni Lolo at ng mga pinsan ko sa akin.
Umiling-uling pa ako dahil feeling ko niloko lang ata ako nila Kuya para magseryoso at sa akin mapunta ang restaurant na kanila Lolo at Lola pa. Hindi naman sa pagmamayabang, pero kaya kong makuha ang gusto ko sa paraang kaya ko at alam kong kaya ko.
Ini-scroll ko pa pababa at nagpatuloy sa pagbasa. Ngayon, bahagya na akong napapabilib. Totoong kilala siya at hinahangaan sa bansang ito kahit hindi siya artista sa larangan ng negosyo.
"Eh bakit hindi nag business ang kurso?" bulong ko pa sa sarili na parang may kinakausap.
"Best Female Entreprenuer of the Year." at may dalawang award pa na hinayaan ko na at dumiretso sa mga litrato.
Ang tanga ko,talangang inuna kong tignan ang achievements niya na ipinagmamalaki ni Lolo kaysa sa itsura niya. Napakagat ako ng labi ko habang tinitignan ang litrato ni Kara. Totoong maganda siya at halata sa hitsura ang pagiging propesyunal, samantalang ako tama lang na mapagkamalan na modelo sa suot at parang bata na nagpapalambing sa kanyang Daddy kung kumilos. Hindi na tuloy mawala sa isipan ko ang paulit-ulit na sinabi noon ni Daddy.