Chapter 9

1.6K 47 0
                                    


Nanatiling nakaawang ang bibig ko dahil sa pagkamangha pagkatapak ng mga paa ko sa isa sa mga Villa dito sa Amanpulo. Ang sabi sa amin ay isa ito sa mga regalo ng magpipinsang Hochengco. Wedding gift, kumabaga. Nagkahalo-halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Naeexcite ako at masaya. Dati kasi, nakikita ko lang ang lugar na ito sa telebisyon, sa mga magazine, at newsfeed sa facebook. Pero ngayon, heto, nakatapak na ako. Hindi mabura sa mga labi ko ang katuwaan. Lumabas ako sa terasa ng Villa habang nakasunod lang sa akin si Russel na ngayon ay dala niya ang mga gamit namin. Mas lalo ako nasiyahan dahil sa ganda ng tanawin dito! Lalo na't tanaw na tanaw ko ang infinity pool at ang beach mula dito sa kilalagyan ko ngayon! This villa surrounded by white-sand beaches, clear blue waters. I could say that Amanpulo is the epitome of an island paradise!

"Russel!" malakas kong tawag sa kaniya nang humarap na ako sa kaniya.

"Yes, sweetheart?" malambing niyang sambit.

"Ang ganda naman dito!" bulalas ko sabay lapit sa kaniya. Dahil sa umaapaw ang kasiyahan sa sistema ko ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na yumakap sa kaniyang braso. Nakatingin lang siya sa akin na malapad ang kaniyang ngiti. "Hindi mo ba alam, pinangarap kong makarating dito?"

He looks suprised. "Really?" itinabi na niya ang mga gamit namin sa isang gilid.

Agad akong tumango. "Oo kaya! Kaya suuuuuper thankful ako dahil sooooobrang bait ng kamag-anakan mo! Lalo na ang kuya at mga pinsan mo!" dagdag ko pa.

"Masaya lang sila para sa atin, sweetheart." he said softly, saka hinalikan niya ang buhok ko. "Sa ngayon, kailangan mo munang magpahinga. Ang sabi sa akin nina atsi Fae, may mga regalo naman sila para sa iyo. Narito na daw ang mga iyon bago daw tayo dumating."

Nanlaki ang mga mata ko sabay singhap. "Talaga?! May mga regalo sila para sa akin?!" mas lalo ako naexcite sa ibinalita niya.

Ngumuso siya saka tumango. "Yep. Nagleave ng message sa akin si atsi Carys, nasa banyo lang daw ang mga regalo nila. You can check them out later, for now, you need to sleep and rest. Ako na ang bahala sa lahat habang nagpapahinga ka—JELLY!" hindi ko pinatapos ang sinasabi niya nang sumugod na ako sa banyo para makita ang mga regalo na tinutukoy niya.

Pagbukas ko ng pinto ng banyo ay tumambad sa akin ang mga nakabalot na regalo. Bahagyang umawang ang bibig ko dahil sa pagkamangha. Hindi ako nag-atubiling lapitan ang mga iyon. Rinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Russel hanggang sa nasundan niya ako dito. Natigilan din siya nang makita niya ang mga halos mapuno na ng mga regalo ang banyo. Rinig ko pa ang pagmura niya dahil sa pagkagulat. Hindi ko lang maitindihan kung bakit may mga rose petals na nakakalat sa sahig. Maski sa sink ay may mga nakakalat din ng rose petals! May mga scent candles pa sa paligid. Teka, kakaayos lang ba ng mga ito bago kami nakarating?

Tuluyan akong nakapasok sa loob. Nagpaalam naman sa akin si Russel na may aasikasuhin daw siya sa labas. Pumayag naman ako at hinayaan ko lang siya na makalabas. Ibinalik ko ang atensyon ko sa mga regalo na nasa harap ko na. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Kinuha ko ang isa. May nabasa akong munting sulat. Mula ito kay ate Naya.

Happy wedding, Jelly & Russel!

Hope you're both happy in your special day! Welcome to the new chapter of your lives!

Take care and we're excited to your baby!

- Ate Naya <3

Kahit simpleng sulat lang iyon ay napangiti ako. Inalog ko ang regalo niya sa akin. Wala akong marinig na ano mula sa loob. Ngumuso ako saka binuksan ko ito. Nanigas nalang ako sa kinakatayuan ko nang makita ko ang isang bagay na hindi ko inaasahan na ito ang ireregalo niya sa akin—isang lingerie! Namilog ang mga mata ko! Ramdam ko na kusang nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil sa gulat. Kulay puti ang tela na yari sa silk! Iniwan ko muna ito saka binuksan ko pa ang iba. Halos maloka na ako na iisa lang ang laman ng mga regalo nila! Puros lingerie at mga sexy lace night pajamas! Ang pinagkaiba lang ang mga kulay at disenyo!

Touch Of The Wild Man | Editing | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon