4

1.4K 58 3
                                    


“MAYGAAAD! Ang bango ng polo niya, amoy gwapo!” hindi pa nakontento si Laurice na isuot lang ang polo ng lalaki.

Inamoy amoy pa niya ang kwelyo niyon. Halatang malinis sa katawan ang may ari ng polo dahil walang naiwang amoy doon maliban sa amoy ng fabric conditioner. Wala siguro itong bisyo kaya ubod ng bango. Iba kasi ang amoy ng damit kapag ang tao ay may bisyo. Parang kahit anong laba ay nakadikit na ang asim sa damit nito.

Hindi niya alam kung lasing lang siya kaya niya nagagawa iyon. Nasa huwisyo pa naman siya. Hindi lang talaga niya kayang i-resist ang kakaibang charm ng lalaki kahit pinakulo nito ng sobra ang dugo niya noong una. Ngayon ay kumalma na siya dahil napatunayan niya na may puso naman ito. Hindi siya nito patutuluyin sa suite kung wala itong konsensiya.

Isa pa, sobrang gwapo talaga nito. Para itong greek good na bumaba mula sa Mount Olympus. O kaya ay prinsipe sa isang malayong kaharian na napadpad sa Macau. Wala pa siyang nakikita na ganoon kagwapong nilalang sa buong buhay niya. Sa klase ng trabaho niya ay maraming lalaki na ang nakikilala niya pero walang kahit na sino sa mga iyon ang nangahalati man lang sa level ng lalaking hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang pangalan.

Itinigil na niya ang pag amoy sa kwelyo ng polo at tinapik ng tatlong beses ang magkabilang pisngi habang nakaharap siya sa malaking salamin.

Tapos na siyang maligo. May nakita siyang bagong tootbrush sa drawer na nasa ilalim ng sink kaya iyon ang ginamit niya. Sinulyapan niya ang suot na wristwatch. May limang minuto na lang siyang natitira para sa palugit ng lalaki.

Pero ayoko pang umuwi….

Napalabi siya. Kung kailan naman siya nagbakasyon ay saka naman siya hindi nakapagrelax. Ipinamukha siguro ng Macau sa kaniya sa single siya at gusto nitong isampal sa mukha niya na malungkot ang maging single.

Lahat ng ka-batch niya ay nagsipag asawa na, ang mga pinsan at dalawang kapatid niya ay may mga pamilya na rin. Mariing ipinikit niya ang mga mata nang maalala ang naging pag uusap nila ni Eliz.

******

“What? Magpapakasal ka na? seryoso?” gulat na naibulalas ni

Laurice habang kausap si Eliz sa kabilang linya. Nabigla talaga siya sa nalaman dahil maliban sa wala naman ipinapakilalang boyfriend si Eliz ay kagaya rin niya ito na focus sa trabaho.

“Ano ka ba, girl?” natatawang sabi nito. “Pareho na tayong twenty six, tamang edad na ito sa pag a-asawa at saka alam mo naman na pareho tayo ng kapalaran 'di ba? Ako na lang ang mag isa dahil nagsipag asawa na ang mga kapatid ko. Siguro mababaw para sa iba, pero alam mo ang klase ng career ko, mabilis lang ang panahon at ayokong magising na lang isang araw na naghahabol na pala ako sa last trip.”

*******

May point si Eliz. Single siya kaya wala siyang kayakap sa mga gabing malamig. Walang magtatanong sa kaniya kung kamusta ang buong araw niya. Walang magluluto ng pagkain niya kapag gutom at pagod siya. Walang kukuha ng mga picture niya kapag namamasyal siya, puro na lang siya selfie. Walang mga stolen shot kasi nga mag isa lang siyang namamasyal. Higit sa lahat ay malungkot maging single dahil wala naglalambing sa kaniya.

Naipilig ni Laurice ang ulo. Gusto niya ng kausap ngayong gabi. Gusto niyang kahit isang gabi man lang ay maramdaman niya na may makikinig sa kaniya. Pero pwede kaya ang lalaking kasama niya? Willing naman siyang patawarin ito sa pagtawag nito ng basura sa libro niya basta tulungan lang siya nitong ubusin ang magdamag sa mga bagay na pwede nilang mapag usapan.

Kasi ganoon naman, hindi ba? Kung minsan ay mas komportable ang isang tao na sabihin sa isang estranghero ang kung ano man na gumugulo sa utak nito. At ganoon ang gusto niyang gawin ngayon. Ilabas ang lahat ng feels niya sa isang taong ngayong gabi lang naman niya makakasama.

THE BUMP SQUAD SERIES: LAURICE THE LOVELY DJ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon