Ang intrepetasyon ng halos lahat sa komunidad ng mga beki, pamhinta o bisekketa, na kung sino ang TOP ay sya ang nasusunod sa kama. Pero ang katwiran ng mga Botomesa, hindi sa lahat ng bagay ay sang ayon sila sa mga gusto ng mga ito. Sa pagdedesisyon at kung sino ang dapat masunod.
Ron: Mahal, naiisip mo ba na isang araw, magiging bottom ka sa pakikipagtalik?
Dre: Hindi ko naiisip! Pero hindi ko naman sinasara ang posibilidad na mararanasan ko rin ang ma bottom!
Kung walang top, walang bottom. Vice versa. Pero ang malalim na kahulugan ng mga posisyon sa kama ay nadadala ba sa normal na takbo ng usapan sa isang relasyon?
Dre: Hindi ako nagagalit na lumalabas ka kasama ng mga kaibigan mo! Ang akin lang, huwag kang magpakita ng motibo para hindi ka din landiin!
Ron: Porket bottom ako sa ating dalawa, malandi na agad ang tingin mo sa akin? Hindi ako aso na nagpapatira sa kung sinu-sino na nahihibang!
Hindi nga ba nagkakasundo kahit sa mga simpleng bagay ang magkaiba ng posisyon sa pakikipagtalik dahil kung sino ang top ( giver ) at bottom ( receiver ), ay mananatili sila sa ganung posisyon pagdating sa opinyon.
Ron: Hindi mo kailangan maging dominante! Hindi lahat ng kailangan gawin at sabihin ko, kailangan mong punahin!
Dre: Magnobyo tayo! Kung anong tingin nila sayo, yun din ang tingin nila sa akin!
Ron: Pero hindi iisa ang isip natin! Kung magpapaapekto ka sa sasabihin at iisipin ng iba, para mo na rin akong hinusgahan!
Sa kama nga lang ba mas nagkakasundo ang top at bottom. Sa pagpapaligaya lang ba sila nagpapalitan ng kaligayahan ng kanilang mga katawan? Sino nga ba ang mahina at malakas sa dalawa?
Dre: Binababa ko lagi ang pride ko para magkabati tayo! Ako ang laging nagbababa ng pride!
Ron: Ganun din naman ako! Tuwing tuwad ko at pagkadyot mo, sumusunod lang ako sayo! Hindi ba kababawan din yun at pagiging alipin sa gusto mo!?
Mahal nila ang isat isa. Ang pagiging top at bottom ay pantukoy lamang sa kung anong role sila sa kama.
Ron: Gusto kong magselos! Kapag top ba, mas attracted kesa sa gaya kong bottom?
Dre: O bakit mo naman naisip yan? Ang gaya kong top, walang silbi kung wala ang gaya mong bottom! Ang taong nasa bottom in my heart!
Ron: Ang baduy mo talaga!
Dre: Kinikig ka naman!
Laging diskusyon kung sino ang angat at mababa. Laging isyu kapag nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan.
Dre: Oo na! Ako na ang mali! Ako na ang may kasalanan!
Ron: Bakit ka ba ganyan! Parang ang lumalabas nito, ako ang dapat makunsensya!
Dre: Mahal kita Ron! Kahit ikaw ang nasa ilalim o ibabaw sa kama, mahal kita! Hindi lahat ng top, dominante! Malambot din ako! Hindi ako matigas gaya ng iniisip mo!
Kapag sinabi mo bang top ka, nakakadagdag nga ba sa kumpyansa sa sarili?
Ron: Bakit ganun nu! Kapag pinag uusapan ang posisyon sa kama, daming nagde deny na mas bottom ang role nila sa pakikipag sex! Award ba sa sarili ang maging top?
Pag sinabing bottom ka, nakakababa nga ba ito ng tingin sa pagkatao?
Dre: Hindi naman siguro mahal! Yung mga taong tinutukoy mo, posisbleng may hindi naging magandang karanasan! Ayaw nilang ma-bully!
Ron: Naalala ko nga mahal, grupo kami ng mga pamhinta! Parang pilit inihihiwalay ng mga top kuno ang sarili nila sa mga bottom!
Dre: Hahaha! Tapos yung mga top kuno, pa-girl at mas effem pa kumilos at magsalita sa mga bottom! Hahaha!
Ron: Aminin mo mahal, mas discreet karamihan ang mga bottom!
Dre: Depende! Depende sa sitwasyon at karanasan mahal!
Walang top o bottom. Lahat ay may pantay na kahulugan. Anuman ang posisyon sa kama, pareho nilang kailangan ang bawat isa.
--end--
Please add, follow and vote.
Salamat ka bromansahan :)
BINABASA MO ANG
Hashtag: Top meets Bottom
Short StoryPaano nga ba ang magiging takbo ng relasyon ng top at bottom?