Medyo matagal na din ng huli kaming namasyal ng Inang.
Kaya naman sinamantala ko na ang dalawang araw kong restday para ipasyal at ipag shopping sya."Siguradong matutuwa ang ate kapag nalaman nilang lumuwas kayo ng Maynila Inang.Tumawag ako kanina kay Ate Marie at ang sabi ko ay daraan ako sa condo nya ngayon.
Kaya magugulat yun na kasama kita ngayon._AKO.Nasa Mandaluyong ang condominium ng Ate Marie.Dun din kasi malapit ang kumpanyang pinagta trabahuan nya.Ang STARDUST APPLIANCES COMPANY.Executive director sya ng kumpanya nila at malaki ang sahod na tinatanggap nya sa pinapasukan."Dapat ay sa ate Marissa mo na lang tayo tumuloy.Hindi ako sanay sumakay ng elevator.At nalulula ako sa mataas na building.Bakit ba naman kasi sa pinaka itaas pa napili ng ate mong tumira.Nakakatakot!_Inang.Natawa ako ng bahagya sa reaksyon nya.Hindi nga kasi sanay ang Inang sa matatas na gusali.
"Inang,Wala nga po kasi ang Ate Marissa ngayon sa bahay nya.Kasama daw ng boss nya sa Bataan para sa inspection.
Sya na lang daw po ang susunod dito mamayang gabi kapag nakauwi na sya.Hindi daw kasi nya alam kung anong oras matatapos yung trabaho nya eh._AKO.Sa Valenzuela naman nakatira ang Ate Marissa,pero mas madalas na out of town sya kasama ang boss nya kaya bihira syang mag stay sa apartment nya.(Engineer naman ang ate Issay)"Sabagay,Hindi nga naman solo ng ate Marissa mo ang bahay nya kaya siguro dito nya nalang tayo pinatuloy sa condo ni Marie.Mabuti na din dito at hindi tayo mangiming kumilos dahil walang ibang tao._Inang.May nagbo board kasing ka work si Ate Isay dun sa house nya kaya hindi nya solo yung bahay.
"Hayaan nyo Inang,Kapag nakabili na ako ng sarili kong sasakyan...Palagi tayong luluwas ng Maynila para maipasyal kita.Pero sa ngayon,Pasensya na muna at bus lang ang kaya kong i offer muna._AKO.Ang totoo nyan,Ayoko talagang bumili ng sariling sasakyan.Kasi nga ay mahina ang loob ko sa pagda drive sa lansangan.Feeling ko palagi ay mababangga ako ng mga makakasabay ko kaya hindi ko na lang sya pinush na magkaroon ako.
"Naku,Wag mo ng pangarapin yun at mas delikado.Lalo pa at madalas na gabi kana nakakauwi.Hindi naman din ako papayag na mag drive ka mag isa._Inang.
"Pwede naman ho akong kumuha ng driver sana kaya lang,Mahirap ang schedule ko.At mas madalas na nasa eroplano ako kaya hindi ko din naman sya magagamit masyado kung sakali.Kaya tama kayo Inang,Wag na nga lang po akong bumili ng sasakyan para hindi kayo mag alala._AKO.Sakto namang papasok na kami sa elevator ay sya namang paglabas ni Doc Ayen mula duon.Saka ako napakunot ang nuo.Don't tell me...Dito nakatira si Doc Ayen sa building na ito?Mabuti na lang at hindi nya ko napansin kaya dire diretso na kami ng Inang sa loob.
Super bonding kami ng dalawang ate ko at ni Inang kinabukasan.Bukod sa pamamasyal ay ipinamili din namin ang Inang ng mga bagong damit.At syempre kami din ay kanya kanyang bili ng mga gamit at damit na kailangan namin sa trabaho.Bumili si Ate Issay ng make up at kung ano ano pang pampaganda habang si Ate Marie naman ay bumili ng dalawang pares ng sneakers at damit na pang gym."Bagay sayo yang gown na yan bunso,Mas lalo kang nag mukhang mayamang sosyal.Sa ating magkakapatid talaga,Ikaw ang pinaka maganda at pinaka sexy,diba Inang?_Ate Issay.
"Naku,Pare pareho naman kayong magaganda at sexy.Nagmana kaya kayong lahat sa akin.hahahaha.Pero sang ayon ako anak sa ate Issay mo...Bagay na bagay sayo yang suot mo ngayon._Inang.Isang puting gown kasi ang napili kong bilhin para sa gaganaping anibersaryo ng CK MALL.Gaya ng nakaugalian ng VILLAREAL GROUP taon taon na palaging imbitado ang mga tauhan ng VAL sa anibersaryo ng mall na pag aari din nila.
"Speaking of CK mall.Sobrang yaman naman pala talaga ng mga VILLAREAL ano?
Ang kwento sa akin ng boss ko,Yan palang si Boss GD ang may pinaka malaking share sa kumpanya nila.Bale kasi yung dalawang nakatatandang kapatid pala kasi nya ay mga adopted lang kaya kakaunti ang share sa kumpanya._Ate Issay."How about the wife?Mayaman din ba ang pamilya nung naging asawa nya ate?_Ate Marie.Ang tinutukoy nya ay si Madam Sally.
"According to source,Mahirap lang daw ang pamilya ng napangasawa nya pero magaling din daw sa pagmamanage ng CK mall kaya mas lumago at dumami pa ang store nila kaysa dati.Balitang dating saleslady nga lang daw yun sa CK mall eh._Ate Issay.
"Wala naman kasi yan sa yaman o sa pinag aralan.Basta ba malinis ang puso,Hindi malayong magustuhan kahit pa hari pa yan ng kaharian.Sa palagay ko,Mabait at mapagmahal yung napangasawa nya kaya tanggap sya ng pamilya nito._Inang.
"Tama kayo dyan Inang.Mabait po talaga si Madam Sally.
Hindi po sya matapobre at saka mahinahon lang kapag kinakausap ka.Madalas nya po nya akong kamustahin kapag nagkikita kami eh._AKO"Really bunso,As in close kayo nung mag asawang boss mo?
Wow naman,Iba ka talaga.Ka close mo na nga yung mga anak nila tapos pati pala yung bossing mo sanggang dikit mo pa din._Ate Marie."Hindi naman ganun ka close.OA ka naman dun ate Marie.
Kakilala lang.Mahirap din namang maging masyadong close sa kanila baka sabihin sumisipsip ako.Pero the last time na nagpunta ako sa mansyon nila at nakitulog,Para silang hindi mayayamang tao.Alam mo yung para ka lang nilang kapamilya kapag trinato...Ganun yung feeling._AKO.Saka ko lang narealize na napaka daldal ko na nga pala.At lahat sila ay napatingin sa akin."Anong ibig mong sabihin na nagpunta ka sa mansyon nila? Bakit hindi ko alam yun ha?Hindi ka muna nagpaalam sa akin na basta ka na lang makikitulog sa bahay ng may bahay?Hindi kana nahiya?Kababae mong tao,Ikaw pa ang nagpupunta sa bahay ng mga boss mo at ng kapitan mo?._Inang.Nagsikuhan naman sina ate Isay at ate marie at saka nagtawanan.
"Nanang naman,Matanda na naman yan si Bunso...Hindi naman na siguro nya kailangang magpapa alam pa kung makikitulog sa kung saan.Saka hindi ba't nagkasama na naman sila ni Kapitan dun sa kwarto nya nuon.Pinayagan nyo nga silang magkatabi diba,So wala namang problema kung sakaling magkatabi ulit sila._Ate Issay.
"Iba naman duon sa atin at iba sa bahay ng mga amo nya.Ano na lang ang sasabihin ng mga tao.Na baka inaakit nya ang anak ng boss nya kaya sya dun nakikitulog?
Sa susunod na malaman ko na pupunta kapa ulit sa mansyon nila,Malalagot ka sa akin Margarita!_Inang.Natahimik nalang ako at di na nakapagsalita.Kasalanan ko naman kasi dahil hindi talaga ako nakapag paalam sa kanya.
BINABASA MO ANG
" ANG OLDMAID kong STEWARDESS" (ALOHA AND MARGARITA)*GXG
RomanceStrict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil baguhan pa lang ako sa profession ko as PILOT,Sya ang madalas na na a assign sa aking mag assist sa...