Ang lahat ng mababasa niyo sa istoryang ito ay pawang binalot ng isang sobrang lawak na imahinasyon at may katotohanan . Binuo namin ng kaibigan ko na isang tagahanga . Dont take this seriously , umaasa lang .
I wrote this for you Diane .
-
Minsan ako'y isang Tagahanga
DIAREY (fan fiction)
written by ImAliennaraⓒ
--
Minsan talaga hindi mo maiwasan umasa . Umasa ng umasa . Kahit wala naman nagpapaasa , kasi yung taong nagpapaasa sa'yo yung hindi ka kilala , yung tipong ako lang nakakakilala tapos ako pa yung nganga .
Hayy . Kainis ! Sobrang sayang hindi kami nakasama ng kaibigan ko sa Campus tour sa University nila My Loves. Bakit naman kasi nakatulog ako nung iannounce yun sa TV ? Edi sana niyaya ko na yung kaibigan ko at kinaladkad ko siya sa San Juan para makasama .
" Hoy Diane ! " Tawag sakin ni Alenara na kilig na kilig sa binabasa .
" Bakit ? Kilig na kilig ka djan ah " Sabi ko sakanya . Nandito kami sa library nagccomputer . Ano sinisearch namin ? Teka malalaman niyo .
" Eh kasi nakakakilig yung binabasa ko . Yung 15 Days ni Pilosopotasya . Ikaw ? Ano naman tinakas mo at kunyaring research , si Rey Nambatac nanaman yan ano ? "
Tama kayo . Takas search lang 'to . Kung siya nagbabasa sa Wattpad , ako eto search sa google at maghahanap ng mga updates sa Account niya .
Ganito kami ni Alenara minsan kapag nagpapalipas sa Library .
Punta library-Search kunyari-bura history . Hindi lang kami ganyan , gumaya lang din kami .
" Eh ang gwapo niya kaya " sabi ko na lang sakanya at tinuon ko ng pansin yung ask.fm niya .
" Ah basta ! Kay Jonathan Grey na ako eh . Uy tara uwi na tayo anong oras na pala " Yaya niya sakin . Buti naman at uuwi na , lumalakas nanaman ang ulan eh .
Habang pauwi hindi ko maiwasan magisip . Alam niyo ba yung pakiramdam ng todo suporta ka sa laro niya, yung kahit antok ka na manunuod ka pa rin, yung gusto mong patayin ang magtatangkang ilipat yung chanel, yung tipong mas malungkot ka pa sakanya kapag natalo yung grupo nila at inggit ka sa babaeng karelasyon niya kasi feeling mo wala kang panama sakanya ?
Ako yun eh . Akong-ako . Ang Oa man sabihin pero alam mo yun kahit sabihin mong tagahanga ka lang , alam mo sa sarili mong ..
Iba na .
Kasi kahit tagahanga ka lang ramdam mo yung saya .Yung saya na hindi mo naman dapat maramdaman kasi nga tagahanga ka lang .
Ang tanga man sabihin pero kapag nasasaktan siya sa laro niya hindi ko maiwasan magalala at mainis sa taong tumulak sakanya .
Ang isang malaking kaso nga lang . Hindi niya ako kilala , hindi niya alam pangalan ko , hindi niya alam na nageexist ako at hindi niya alam na ..
Umaasa ako .
" Diane . Alam mo may paraan pa para maging kayo . Tiwala lang " bigla sabi ni Alenara . Hula ko puro kalokohan lang sasabihin niya.
Pinagpatuloy niya yung sasabihin niya " Ang ganda ng story na binasa ko kanina . Si girl na umaasa na maging sila ng taong akala niya na walang gusto sakanya . Parang ikaw , bakit di mo itry na maging wallpaper mo siya for 15 days ? Try mo , wala naman mawawala . Gawin mo na lang tapos kunyari di ko alam " sabi niya tapos with matching tawa pa . Di ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis , pang-asar naman kasi yung tawa niya .
BINABASA MO ANG
DIAREY(Fan Fiction)
FanfictionAng istorya ng isang tagahanga na nangangarap na mapansin at mahalin. A fan Fiction . Dont take this seriously .