Chapter 19

27K 998 40
                                    

Amy POV

"Mommy aalis po ako ngayon" pagpapaalam ko kay mommy.

Alasnuwebe na ng umaga at kasama ko si daddy at mommy sa hapagkainan.

"Su-" naputol ang sasabihin ni mommy ng biglang magsalita si daddy.

"No!" Sambit ni daddy.

"Daddy mag-mall lang po kami ng kaibigan ko" sabi ko.

"I said no, i am not allowing you to hang out with your friends" sabi ni daddy.

"Hon! Let her" sabi naman ni mommy.

"No" maikling sagot ni daddy.

Hindi na ako muling nagsalita pa at ipinagpatuloy nalang ang pagkain. Pagtapos kong kumain ay umakyat agad ako sa kwarto ko.

_______

Kinuha ko ang loptop ko at nag online ako sa instagram ko. Ilang linggo na rin sincr nung huli akong nag online.

May mga notification akong hindi ko pa nakikita at mga message na hindi ko pa nababasa isa na dun ang message ni kenzo sakin na nine hours ago lang.

[KenzoAlderidge

Amy, pumunta ka sa bahay nila ate maddie ng eleven o'clock]

The hell!? Hindi ako papayagan ni daddy?

[Amy___

How? Hindi nga ako pinayagan ni daddy umalis]

Biglang kumalabog yung puso ko ng biglang nag online si kenzo.

Ewan ko kung kinabahan ako o kaya naman nagulat lang kaya ganun.

[KenzoAlderidge

Gumawa ka ng paraan, hihintayin kita sa park malapit sainyo, you only have five minutes, at kapag wala ka pa bahala ka!]

Five minutes!? Ano ako ninja?!

[Amy___

Five minutes!? Hindi ako ninja para mabilis na makalabas ng hindi alam ni daddy!]

[KenzoAlderidge

Fine! Dagdagan ko ng two minutes. Ano okay naba yon?]

[Amy___

Yup!]

Tinago ko na ang cellphone ko sa bulsa ng short ko at pumunta ako sa may kusina.

"Manang?" Tawag ko sa katulong.

"Hinahanap mo ba ang mommy mo?" Tanong ni manang.

"Ah opo, atsaka asan din po si daddy?" Tanong ko.

"Ang mommy naroon sa third floor, pinapalinis niya kasi ang dalawang guest room doon, ang daddy mo naman ay nasa office niya" sabi ni manang. 

Tumango tango ako at iniwan si manang doon.

Mukhang hindi ko magagawa ang plan A... Kung ganon plan B na!

Palihim kong hinalungkat ang mga susi sa may drawer malapit sa sliding door palabas ng garden. Kinuha ko ang susi ng gate ng garden at lumabas na.

Natatakpan ng mga matataas na halaman ang gate kaya malabong may makakita saakin. Medyo may kalumaan na ang gate at hindi gaanong nagagamit kaya nangangalawang na.

I HATE YOU BUT I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon