8

1.3K 59 2
                                    

MAHINANG umungol si Laurice at hinagod ang kumikirot na ulo. Agad na nagtaka siya nang tumambad sa kaniya ang puting kulay ng pader at matapang na amoy ng alchohol.

Napaungol siya at pilit na binalikan sa isip kung ano ang huling nangyari at kung nasaan siya.

Nasa ospital ba ako?

Malakas na napasinghap siya nang maalala ang nangyari sa booksigning. Nahagod niya ang tiyan nang sumagi sa isip niya ang mukha ng ama ng magiging anak niya. Naalala niya na sinabi ni Gabrielle kanina ang pangalan ng tiyuhin nito.

Nakakatawang isipin na ngayon lang niya nalaman na Calvin pala ang pangalan ng lalaki. Wala naman kasi talaga siyang balak na kilalanin pa ito. Ang gusto lang naman niya ng gabing may mangyari sa kanila ay magkaroon siya ng kausap. Nauwi nga lang sa mainit na tagpo ang pag uusap nila.

Bakit ba nangyayari sa akin ito?

Tumayo si Laurice at sinabunutan ang mahabang buhok. Gusto na niyang iuntog ang ulo sa pader. Oo nga at aksidente ang pagbubuntis niya pero masaya siya at hindi niya pagsisisihan iyon. Kung hindi man siya magkaroon ng asawa ay kontento na siya na may anak siyang pwede niyang pagbuhusan ng lahat ng pagmamahal niya.

Anong gagawin ko?

Nataranta na siya. Wala naman siyang dextrose kaya pwede siyang umalis agad. Humakbang siya palapit sa pinto pero bago pa man niya mahawakan ang doorknob ay kusang bumukas iyon at iniluwa si Calvin. Napatili siya sa sobrang gulat.

“Ano ka ba! Bakit ka sumusulpot bigla?” singhal niya.

Tiningnan lang siya nito ng matiim. Sa ginawa nito ay humilab ang tiyan niya.

Easy ka lang, anak. Jusko naman! Si mommy ang pinapahirapan mo eh!

“Tatakas ka?” nakaarko ang isang kilay na tanong ni Calvin. Napaatras siya nang isara nito ang pinto at humakbang ito palapit sa kaniya.

“H-hindi…hinahanap ko lang ang kaibigan ko.” Tanggi niya.

Para na siyang nasa bingit ng kamatayan dahil bigla siyang nahirapang huminga. Nakalimutan na yata ng baga niya na huminga ng normal dahil sa epekto sa kaniya ni Calvin!

“Nasa labas siya at kausap ang doktor mo. Dinala ka namin sa clinic ng mismong OB Gyne mo dahil ito ang mas malapit sa mall.”

“Ah, tama, gusto ko ring makausap ang doktor ko. Tabi!” sinubukan niyang tabigin ito pero dahil malaking tao ito at five flat lang naman ang height niya ay para lang siyang nakipag umpugan sa matigas na pader.

“Tss.” Inis na nag angat siya ng tingin. Yumuko naman ito at tumitig sa kaniya.

“Wala kang lugar na mapupuntahan na hindi kita mahahanap, dinadala mo ang anak ko kaya dapat lang na bantayan kita.”

Napalunok siya. May kung anong mainit na emosyon ang pumigil sa kaniya na barahin o tarayan ito. Nakakawala ng depensa ang mainit na titig nito. Nag aanyaya rin ang mabangong amoy nito na manguyapit siya sa batok nito at amuyin ito hanggang sa magsawa siya.

Erase! Erase! Erase! Kalma lang Laurice!

Babala niya sa sarili. Namaywang siya at pinanlakihan ito ng mga mata.

“Mister, hindi ikaw ang ama ng batang dinadala ko. Huwag kang feeling diyan, one night stand lang ang nangyari sa atin, hanggang doon lang iyon.”

“Really, huh? Hanggang kailan ka magde-deny?” pasarkastikong tanong nito.

“Wala akong dapat na i-deny.” Medyo natuliro na naman siya sa banat nito.

“Okay.” Tumango ito at nagdial sa hawak na cellphone. Saglit na natulala siya nang mawala sa kaniya ang atensiyon nito.

THE BUMP SQUAD SERIES: LAURICE THE LOVELY DJ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon