Euclid

3 0 0
                                    


December 24, 2027
11:45 P.M.

" So Athena, kumusta ang unang araw mo bilang guro? " Rinig kong tanong ng aking ina habang inihahanda ang mga sangkap para sa aming Noche Buena.

" Ayos lang naman 'ma, pero ang kulit nila! " Natatawa kong ani sabay hiwa ng mga patatas na nasa harapan ko.

Hindi ko naman inaasahan na makakapasa ako sa License Exam for Teachers. At isa pa, matagal ko naman na din itong pangarap kaya hindi ko na palalagpasin.

Matapos kong gawin ang mga naka-assign sa aking mga gawain ay panandalian akong lumabas ng aming bahay. Namangha naman ako nang biglang may pumatak na mga putinh bagay; malamig at masarap sa pakiramdam. Isa itong nyebe.

Dahil sa galak ay nagmadali akong tumakbo papasok ng bahay. Ngunit ang aking kasiyahan ay napalitan ng takot.

'Bakit nakahinto silang lahat?' Nagtatakhang tanong ko sa aking sarili. Nagmamadali akong pumunta sa aming orasan at laking gulat ko nang nakahinto rin ito.

" Euclid, " Napapitlag ako nang marinig ang isang malalim na boses na nanggaling sa aking likuran.

" S-sino ka?! " Takot na turan ko sa lalaking nakaitim at may mala-anghel na mukha. At Euclid? Sino si Euclid?

" E-euclid, you're alive! " Ang takot na aking naramdaman ay napalitan ng pagtatakha. Baliw na ba itong lalaking nasa harapan ko?

" E-excuse me?! Hindi ako si Euclid! Nabaliw ka na ba? Takas mental ka hano?! " Nanginginig na sabi ko. Nakita ko namang nakangiti siya dahil sa inasal ko.

" Anong ngini-ngiti mo?! " Naiinis na ani ko sa lalaking gwa- scratch that.

" Hindi ka pa rin nagbabago. "  What?

Unti-unti siyang lumapit sa akin at ako naman ay umaatras. Sino ba naman ang hindi maloloka kung ganyan 'yung lalaking nasa harap mo?

Atras lamang ako nang atras at palapit naman siya nang palapit. Ngunit naramdaman kong nasa pader na ako. Patay. Dead end.

" I'm Chronus. " G-gahd. Ang gwapo.

Naramdaman ko namang namula ang pisngi ko na dahilan para mangiti siya. S-sht.

" I love you " huling salitang narinig ko sa kanya at hinagkan ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝗘𝗨𝗖𝗟𝗜𝗗Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon