MBT 31

210 22 6
                                    

Pagdating ng umaga ng Sabado, napatalon ako sa kama ng mapansing nasa mukha ko na ang sinag ng araw. Naalala ko ang tinext niya. Pupunta nga pala ako sa Skyforest ngayon. Binuksan ko ang cellphone ko at napangisi ng makita ang isang text.

Him:

Come or end it.

Text niyang nakapagbagabag sa akin. Ano ito? Bumaba ako ng hagdan at nagsimulang maghanda para sa pagpunta ko sa Skyforest.

" Going out, again? " Sinusuot ko ang favorite kong pumps nang bumaba si Crown galing sa itaas. Nilingon ko siya ngunit hindi nagsalita.

Naglakad ako palabas ng lumang village at naghintay ng masasakyang jeep papunta sa park.

Hindi ko pa rin maialis sa isipan ko ang huling reply niya. Nakakapagtaka, anong ibig niyang sabihin sa 'come or end it' niya? Ano kayang pag-uusapan namin? Bakit kailangan sa Skyforest pa, e mahal dun? Anong gagawin namin doon, tutunganga sa mga taong namamasyal?

Ako:

Sorry. Papunta na ako dyan.

Alas nwebe na, pero wala pa rin dumadaan na jeep papunta sa pupuntahan ko.

" Excuse me, Ma'am. Ikaw po ba si Ms. Julia Montes? " Naantala ang pagsakay ko sa tumigil na jeep sa paghinto ng isang magarang kotse sa harap ko.

" O-opo.. b-bakit po? " Alinlangan kong sagot. Umalwan ang mukha ng matandang lalaking nasa 40 pataas ang edad.

Tumango siya bago nagsalita.

" Tawagin mo na lang akong Kuya Johnny. Ikaw ba ang kaibigan ni Sir Dan? " Nag-igting ang panga ko at nagulantang sa itinawag niya kay Daniel. Sir? Ibig sabihin, nagtratrabaho ito sa kanya. Wow. Tumango ulit ako at yumuko.

" Kung ganon, pwede ba kitang maimbitahan sa isang restaurant? " Inangat ko ang ulo ko sa pagtataka, tinignan ko siyang mabuti. " Ma'am? " Inilahad niya ang kanyang kamay at iminuwestra sa akin ang loob ng makintab at malinis na sasakyan. Isa itong klase ng Mercedes Benz.

" S-si Daniel po ba ang nagpasundo sa akin? Galit po ba siya? " Nausal kong tanong sa kalagitnaan ng byahe. Tahimik lang ako habang pasimpleng dinadama ang pagsakay sa isa sa pinakagusto kong maging sasakyan. Noon pa man ay labis na akong nangangarap na magkaroon ng isang magarang sasakyan at ang matutong i-drive ito mag-isa, kaya naman hindi ko talaga mapigilang mapangiti sa saya.

" Nandito na po tayo, Ma'am. " Tumingin sa akin sa salamin si kuya  Johnny at saka lumabas ng pinto upang ako naman ang pagbuksan.

Nanginig ang kalamnan ko ng maaninag ko ang isang malaki at mukhang mamahaling restaurant. Nakikita ko na ito noon ngunit ngayon pa lang ako makakapasok dito. Napalunok ako habang sinusundan si Kuya Johnny sa loob.

" Naku, mabuti na lang po at dumating kayo. Wala po talaga akong masakyan kanina, e. " Saad ko habang namamangha sa bawat muwebles na bumubungad sa akin papasok ng restaurant.

" El Klasika Restaurant " Binasa ko iyon sa isang malaki at kumikintab na pangalan sa gilid ng counter.

" Hanggang dito na lang po ako, Ma'am. " Tumigil siya sa tabi ng isa pang pintuan papasok ng mas eleganteng lugar ng restaurant. Huminto rin ako at parang isang giraffee na humahaba ang leeg habang nagmamasid sa loob nito.

" N-nandito po ba siya? Parang ang gara naman po? Baka po hindi ako papasukan dito, alam niyo po hindi naman ako VIP? " Untag ko habang nag-aalinlangan sa pagpasok ng malaking pintuang gawa sa bubog.

" Ano ka ba, ma'am. Kung ako sa inyo i-eenjoy ko na lang ang pagkakataong ito. Hindi pa rin po ako nakakasubok sa ganitong klaseng kainan. Haha. " Tumawa siya at gumaya na rin ako. Hindi ko alam kung bakit pero parang may mali. Kinakabahan ako at parang nagsisisi ako sa pagpunta dito. Pinilit kong ngumiti.

Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon