Crushmate

165 15 29
                                    

Nagka-crush ka na ba? Yung sa kaklase mo? O pwede ring sa katabi mo? Kasi kung oo Magkakasundo Tayo! Bakit? Obiviously, ganun rin kasi ako, Like, OMG diba!? Nakakakilig as in SUPER!! Araw-araw nakikita mo siya diba? Katulad nitong katabi ko, ang gwapo-gwapo, nung nagpaulan yata ng kagwapuhan eh nasambot at nalunod siya *O*............... Bakit ba kasi ang gwapo-gwapo nitong crush ko? 

"Ms. Romero"

Haay... May ganito pa palang taong nage-exist sa mundo... Ang swerte siguro nang magugustuhan nito...

"Ms. Romero"

Kung may taong almost perfect, pangalan na niya ang bagay na definition nun..

"Ms. Romero!!!!"

"Ay. Pushang kinalbo!" 

"Nakikinig ka ba?"

"Ahmmm.. hehhe" Kasi naman eh palpak na nga sa academic, palpak na rin sa face, pati ba naman palusot na meron ako palpak na rin.. Haayy... Ang buhay... napakaunfair

"Halata naman na hindi ka nakikinig so...... Answer this problem..." sabi niya sabay turo sa blackboard

O_O

GHAD!!!!!!! Nakita ko palang nakaka-internal bleeding na, pa'no pa kaya kung mag-isip na ko

Dali-dali na kong pumunta sa blackboard, pero syempre tingin muna kay crush at anong reaksyon ni crush? Ngumiti with matching pailing-iling pa.... Urgh! Another Kahihiyan Points na naman 'to...

"Look! Hindi ka na nga nakikinig, Hindi mo pa masagutan... Mr. Santos pakitulungan na nga 'tong si Ms. Romero"

o_o

0_0

O_O 

Lumaki nang lumaki yung mata ko nang marinig ko yung sinabi ni mam...

Nakita ko siyang palapit na palapit papunta sa akin..

And Then...

Hinawakan niya yung kamay ko! Matagal pa sana yun eh kaso kung minalas-malasan nga naman.

*kring-kring* Kung ang iba ay Saved By The Bell, ako naman ay UUUUUUUUUUUUUUURRRRRRRRRRGGGHH!!!!!!!!! BWISIT NA BELL NA YAN! 

Pero okay na rin yun, atleast nahawakan ko kamay niya! OMG KINIKILIG AKO!!!!!

*At Canteen*

"OHHHHHHHHH!! GOSH BESH I'M SO KIIIIIILIIIIGG!"

"Tumahimik ka nga! Kakahiya ka!" pa'no ba naman nagsisigaw dito sa loob ng canteen, eh buti sana kung sound proof bawat lamesa dito >__

"Eh, bakit ba kinikilig ako eh! Paki ba nila!" sabi niya sabay irap

"Baliw!"

"Pero seryoso ang pangit mo para sa kanya"

Boom! TAGOS HANGGANG PUSO!

"Oo na wag mo nang ipamukha sakin"

"HAHAAHAHA! Ang pangit mo kasi eh!"

"Leshe!" sabi ko at tinawanan naman niya, Bestfriend ko nga siya-------- VERY SUPPORTIVE BESTFRIEND //sacasm//

"Diyan ka na nga" at iniwan na siya

***

So yun natapos ang araw na puro kahihiyan points ang nakita nang BEBS KO

At anong ginagawa ko? Syempre, STALKER MODE: ON

Tumatambay at BOOM! Nagiistalk sa fb ng BEBS KO

Zayn Santos
[Add as Friend]  [Follow]  [Message]

Click! Add as Friend.. Hayy kawawa naman ako hanggang pangstalk lang

*Beep* Nagulat ako ng biglang tumunog yung celly ko at nakitang may 1 notif sa fb ko

Zayn Santos accepted your friend request

Kyaaaa!!!!

-----

"Huy anak pumasok ka na tanghali na oh" sabi ng tatay kong tatay ko xD

"Tay, umaga pa lang ho! Hindi pa po tanghali" sagot ko naman sa kanya

"Pilosopo kang bata ka! Oh siya! Dalian muna at pumasok ka na!"

"Excited ka naman tay!" Sabi ko at nagpaalam na at papasok na ko sa school

-----

Uwian na at wala akong kaaabay umuwi dahil linayasan ako ng napakagaling kong kaibigan

*beep* *one message recieved*

From: Unknown Number

Punta ka sa Park..

Hindi ko alam kung sino ang nagtext at mas lalong hindi ko alam kung bakit sinunod ko ang utos ng nagtext sakin pag kapunta ko sa park walang katao tao pero bigla akong nagulat ng biglang may nagsalita sa mic at sinabing

"Alam kong hindi kapanipaniwala tong gagawin ko, itong nararamdaman ko at mas lalong hindi talaga kapanipaniwala na nainlab ako sa isang katulad mo sa isang babaeng kulelat sa Math.."

Aray ko ha! Masakit yun! Pero pinakinggan ko pa rin dahil na rin sa kilig na nararamdaman ko ngayon

"Nakakabakla man isipin pero mahal kita Cristine. Ikaw na babaeng baliw, kulelat sa Math, hindi nakikinig sa teacher. Pero kahit ganun..."

Iniintay ko ang sasabihin niya pero nagulat ako ng makita kong nasa harapan ko na siya at lumuhod

"Pwede ban maging akin ka na lang?"

"Ehem. Teka nga nakapagpaalam ka na ba kay Tatay?" Tanong ko sakanya aba mamaya magulat si Tatay na kasama ko ang kinababaliwan kong lalake sa school at baka mamaya magtumbling pa si Tatay pag ipinakilala ko pang boyfriend ko 'tong isang to. Aba Mahirap na!

Pero nanlaki talaga ang mata ko ng makita ko si Tatay na busying busy sa panunuod samin at nag thumbs up pa

"Ehem rin nangangalay na po ako rito" sabi niya na ikinatawa ko naman

"Oh ano? Aayaw pa ba?"

"Syempre...... Hindi Crushmate diba?" At natapos ang buong araw na yun na puno ng saya at kilig

----------

Celderella's Note

Hi! This is my first one shot story so.. Thank you po sa pagbabasa at pagsuporta sa one shot ko! Yun po! Love lots! XOXO

Crushmate [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon