Augost 28,2019
Monday
8:00
Gaya ng dati naglalakad lang ako papunta sa school, dipende pa yun kapag umuulan. Hindi naman kasi kalayuan dito sa bahay ang school kaya medyo tipid din sa pamasahe.
Naglalakad ako habang iniisip kung ano ang ang gagawin ko sa sitwasyon ni mama.
Binalot ang buo nyang katawan ng itim na usok na nagmula sa kung saan at nang mawala ang usok ay nakita ko nalang si mama na walang malay na para bang natutulog. Sinubukan ko syang gisingin ng maraming beses pero hindi ako nagtagumpay. Siguro ay ginamitan sya ng mahika o anu mang itim na salamangka para hindi nya magawa ang mga dapat nyang gawin. Wala akong magawa kundi pagmasdan si mama habang natutulog, habang ako naman ay parang inosenteng batang iyakin na hindi alam ang gagawin. Paano na kaya ako nito? Pano ko kaya sya maibabalik sa dati? Yan ang mga tanong na sa tingin ko ay hindi ko na makikita ang kasagutan.
"Storm! Kamusta ka tol? Buong weekends kitang hindi nakita. Hindi ka din naman pumupunta sa shop kaya medyo nagaalala na yung ibang tropa lalu na ako" sabi saken ni jake ng nakita nya ako. Sumabay na sya sa akin pagpasok sa school.
Malapit na kami ng biglang may sumalubong samen na isang kulay itim na bagay. Parang isang malaking palaso ang hugis nito. Buti nalang at nakatalon agad ako sa tabi, at si jake naman ay dumapa sa kinatatayuan nya para hindi tamaan ng misteryosong bagay. "baket ka napatalon tol?" tanong nya saken na may halong pagtataka. "nakita mo ba yung maitim na bagay na sasalubong saten kanina?" tanong ko sa kanya kahit alam ko na ang sagot sa tanung ko. "oo naman tol, kaya nga ako napadapa eh" sagot nya saken na parang takot na takot. "Night Hunter ka ba? Magkasabay naming pagtatanong sa isa't isa. "pano mo nalaman yon?" pagtatanong muli namin ng magkasabay. "sandali lang ako muna ha" sabi ko sa kanya para magkaintindihan kami ng ayos. "pano mo nalaman ang tungkol sa mga Night Hunters?" tanung ko sa kanya na medyo may halong kaba. "Night hunters ang buong angkan ko, at isa na ako sa kanila. Uncle ko ang mga pinaslang nung mga nakaraang araw. Sinabihan na ako na wag lalabas ng gabi, pero mukang kahit umaga hindi tayo safe. Aktibo din pala ang mga halimaw na yun kahit nakatirik na ang araw." takot na takot nyang sagot saken. Kaya pala nung huli kaming nagkita ay parang may humahabol dito kay jake at takot na takot na sinasabi saken ang mga nagaganap na patayan dito sa lugar namin. Tama nga si mama, isang buong angkan nga ang pakay ng mga malignong yun dito sa lugar namin. "kelan mo pa natuklasan ang kakayahang makakita ng iba't ibang elemento gaya nun?" tanong ko sa kanya. "noong eighteenth birthday ko, sabi nila papa lumalabas daw ang kakayanan nating mga Night Hunters kapag tumungtong na tayo sa idad na eighteen" pagpapaliwanag nya saken ng ayos.
"pero seventeen palang ako? Panu nangyare na nakikita ko na sila?" muli kong pagtatanung kay jake. "hindi ko din alam, nagtataka nga din ako. Alam kong seventeen ka palang pero nakikita mo na at nararamdaman ang iba't ibang elemento na noong nag eighteen palang ako tsaka ko sila nakita" hindi sya makapaniwala habang nagiisip ng pwede naming gawin tungkol sa mga nangyari.
"gusto mo bang sumama samen? Kailangan kong ibalita kanila ama ang mga nangyare ngayong umaga. Kailangan ko silang balaan lalu na't kami ang pakay ng mga halimaw na yun" bigla nyang pagyaya saken.
Mabilis kaming nakarating sa bahay nila. Ngayon lang ako nakarating sa bahay nila Jake, kahit matagal na kaming magkakilala ngayon palang nya ako niyaya sa bahay nila. Siguro nga dahil pareho kaming Night Hunters. Paiba-ba ng direksyon ang aking mata habang sinusuri ang loob ng bahay nila jake. Medyo may kalakihan at maraming mga lumang bagay ang nakadisplay sa kanilang salas. Mga armas panlaban sa mga halimaw at parang mga artifact o sinaunang bagay na gamit ng mga mangkukulam.
"sandali lang tatawagin ko lang si ama para ibalita ang natuklasan natin at para makilala ka na din nya" sabi ni jake saken habang iniisip kung saan sa parte ng bahay nila naroon ang kanyang ama.
BINABASA MO ANG
Slice of life (Super Slow Update)
FantasíaUnexpected things are always there, waiting for someone to trigger it.