Chapter 47

101K 2.9K 251
                                    

Nang makauwi na sila Ate Love kinagabihan ay nag-stay pa din ako sa kwarto ko. Hindi pa din ako lumabas kahit medyo okay na ko. May side pa din saakin na nasasaktan. Mas magiging okay ako kapag nalinaw sa'kin ni Blake ang lahat. Gusto kong malaman ang lahat.

Kaya kinabukasan ay maaga akong pumasok. 8am ang klase pero 7am pa lang ay nasa University na ako. 

Nang makarating ako sa room ay laking gulat ko na nandun din si Blake. Nakaub-ob siya at hindi ko alam kung natutulog ba siya o ano.

''Blake?'' Tanong ko.

Inangat niya ang ulo niya. Damn. Ang pogi niya! Messy hair and kissable lips.

Napakagat ako sa labi ko. Kylie, naiinis at nagagalit ka sakaniya 'di ba? So why are you acting like you're okay with him?

''Kylie,'' Tawag niya sa'kin.

''Why are you so early?'' Tanong ko ng mahinahon.

''Kasi alam kong papasok ka din ng maaga. I feel it.'' Sabi nito at ngumiti.

Hindi ako ngumiti pabalik. Dati pag ngumingiti siya ay ngumingiti din ako. Pero iba ngayo. May issue at big deal 'yun para sa'kin. 

''So what are we going to talk about? Is this good or bad?'' Tanong nito at tumayo papalapit saakin.

''It's a bad news. Very bad news.'' Sabi ko.

Nakita ko ang pagpawi ng ngiti niya dahil sa sinabi ko.

Inilagay ko ang bag ko sa upuan ko at hinarap siya.

''Come on. Let's talk. We still have one more hour before class.''

Tumango naman siya at sumunod na sa'kin. Deretcho ang lakad ko hanggang sa makarating kami sa rooftop. Umupo ako sa swing namin. Yung swing na pangrooftop ah. 

''Tell me the problem, Kylie, please.''

Ay, atat lang? Kitang kakaupo ko pa lang eh. May lakad ata 'tong isang 'to.

Suminghap muna ako tapos ay tumingin muna ako sa mga ulap bago ako magsalita.

''Yesterday. Vanessa told me that she is your Fiancee. Is that true, Blake?'' Seryoso kong tanong.

Matagal bago siya umimik pero hindi pa din ako lumilingon. I don't wanna see his face while he's answering me. Baka tumulo bigla ang luha ko.

''Y-yes.'' Maikli niyang sagot.

At sa sagot niyang 'yun ay humarap ako at lumipad ang kamay ko sa pisngi niya.

Hindi ko na kinaya at tumulo na ang luha ko. Hindi ako makapagsalita. Nakatitig lang ako sakaniya habang nanginginig ang kanang kamay ko dahil sa pagsampal ko. 

Tell me this isn't true.

''But Kylie--'' Hindi ko siya pinatapos.

''Blake, hindi pa tayo pero naglihim ka na. We just talked few weeks ago Blake! Also the same issue! God, Blake!'' Singhal ko habang umiiyak.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko na tinabig ko agad.

''Don't touch me, please.'' Pagmamakaawa ko.

''Kylie, ikaw ang mahal ko. Hindi si Van--'' 

Agad ko siyang pinutol.

''Just explain that fucking Fiancee thing, Blake! Explain!'' Galit kong sigaw.

Matagal bago siya sumagot. Tinitigan niya akong mabuti atsaka nagsalita.

''You want to know the truth right?'' Tanong niya na tinanguan ko agad. 

Campus Nerd To Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon