Hindi ko alam kung papaano ako tutulong sa kanya. Nanghihinayang kasi ako sa mababawas na barya sa aking pera. Madali lang naman ang desisyon, kung magbibigay ba ako o hindi.
Napakahirap.
Sinabi ko na lang, "Sa susunod na lang ho, pag may pera na lang ako,". At ako ay mabilis na lumakad. Simula noon, araw - araw ko na siyang nakikita. At araw - araw ko na rin siyang dinadaanan at kung minsan ay iniiwas - iwasan ko pa. Wala talaga akong maibigay kundi awa at tingin sa kanya.
Isang araw, habang ako ay pauwi, nakita ko siyang natutulog sa isang bangketa na medyo malapit sa isang mapanghing men's urinal. Nahahabag ako sa kalunos lunos lunos niyang katayuan sa pagkakataong iyon. Mula sa marumi niyang bestida hanggang sa kulubot nitong balat na nagpapakita kung gaano na siya katagal palakad lakad sa lansangan. Bawat taong dumaraan ay pinangingilagan siya o di naman kaya'y minumura mura pa ng mga taong napapadaan. Sabi pa nung isang manong na dumaan na natisod sa isang hakbang ng sidewalk na nasa tapat lang ng matanda, "PUTANG INA ne'tong matanda na 'to! Haharang harang sa daanan," sabay sipa sa tasang papel na may lamang napakaraming barya na napagipunan niya sa maghapong kakalimos sa daanan. Sa kanyang pagkakahiga, makikita mo na may iniinda siyang karamdaman. Awa nanaman ang aking naramdaman, ngunit nagmadali nanaman akong maglakad at nung dadaan na ako sa tapat niya ay bigla siyang nagsalita,
"Apo, apo, asan ka? Antagal mo dumating," sabay ubo na parang aso sa tindi na ng nararamdaman nito. "Apo, apo ...,"
Napatigil ako at nabigla akong napatakbo sa bilihan ng gamot. Hindi ko alam ang aking binili basta sinabi ko ang kaso ng matanda at bumili ako ng limang tabletas na sinabi ng tindera doon. Habang papunta ako sa kanya ay bumili ako ng tubig at tinapay na makakain niya. Di ko na inalintana ang paubos kong pera dahil malapit na rin naman na ako sa baranggay namin. Nang dumating ako ay patuloy na siyang umuubo kung kaya't nagdali dali akong pumunta sa kanya.
"La, andito na po ako," sabi ko ng may lambing.
"Jo - jonas? Ikaw na ba 'yan?," Sabi niya.
Sa pagkakasambit niya ng Jonas ay napatigil ako. Iyon ang pangalan ko. Sino to? Sino 'tong taong ito bakit alam niya ang pangalan ko? Sino itong matanda na ito.
BINABASA MO ANG
Mga Istorya Para Sa Lipunan
General FictionMalupit ang lipunan. Di mo alam kung kailan ka nila pagmamalupitan. Mga pagkatao mo ay sisirain. Ito ang lipunan. ------------------------------------