Chapter 4

3.6K 205 11
                                    

-

Nandito kami ngayon sa abandunadong building. Isinama ako ng mga basagurelo kong mga kaklase na pinamumunuan ni Jerome Ortiz.

"Dito kana lang, Sha." Si Joshua. Tumango lang ako habang pinag mamasdan ang mga kaklase kong pinapanood ang mga kalabang walang kamalay malay na susugurin sila.

"Sino ba yang mga yan?" I asked.

"Ang black gang." Gusto kong humagalpak sa tawa ng marinig ko ang pangalan ng grupo nila.

"Black gang? So, kayo ang white gang dahil mapuputi kayo?" I said and chuckled. Shit! Maiitim ang mga kalaban nila kaya hindi na nakakapag takang black gang ang tawag sakanila.

"Exactly. Plus mga gwapo pa kami."

Muntik na akong masuka sa sinabi ni Clode. Tinawanan lang naman niya ako. Nang mag umpisa si Jerome sa pag plaplano, nakinig na lang din ako. At dahil audience nga lang ako, pinanood ko lang silang nag si-puntahan sa mga pwesto nila. Umakyat ako sa pader at humanap ng magandang pwesto para mapanood silang lahat.

Nagawa ko pang bilangin lahat ng kalaban nila habang nag hihintay sa pag sugod ng white gang. Kitang kita ko sa pwesto ko ang mga kaklase kong unti unting lumalapit sa mga kalaban. Patalikod sila kung tumira kaya walang laban ang mga kaaway.

"Shit!" Nanlaki ang mata ko ng makita si Clode na natumba. Nasagid niya ang mga box na nag sanhi ng ingay kaya napatingin sakanya ang mga kalaban.

"Ang white gang!"

Mabuti na lang, nakatayo na si Clode bago pa siya mapalo ng kahoy nung black man. Humagalpak ako sa tawa ng sinipa ni Clode yung black man sa private part na yun. Napahiga ang lalaki habang dumadaing. Nang tignan ko ang mga kaklase ko, nakikipag laban na din sila. Yung iba ay may pasa na sa mukha.

Gusto kong sumigaw ang kaso-nanlaki ang mata ko ng makitang may mga kalaban pang lumalabas mula sa abandunadong building. Ang dami. Shit!

Tumayo ako sa mula sa pag kakaupo. Bababa na sana ako- ang kaso, isang putok ng baril ang nag pahinto sa lahat.

Lahat kami ay napatingin sa lalaking palabas ng building. Hindi ko makita ang mukha dahil malayo ako. Pero nasisiguro kong hindi maitim ang lalaki. Matangkad ito at maganda ang pangangatawan. Gusto ko tuloy makita yung mukha.

"King."

Unti unting nag bow ang black gang ng tuluyang nakalabas ang King daw nila mula sa loob ng bulok nilang building. So, siya pala ang leader.

"Bumisita pala kayo, white gang." He said coldly. Naramdam ko pang nag sitayuan ang mga balahibo ko sa braso.

Nag pakita si Jerome at nag lakad patungo sa King ng black gang.

"Long time no see, King. Nagustuhan mo ba ang pag bisita namin?"

Hindi ko narinig ang sinabi nung King dahil nagulat ako ng biglang may nag takip sa bibig ko.

"Sumama ka saamin." Nagawa ko pang pumalag sa dalawang lalaking may hawak sa mag kabilang braso ko. Pero, wala din akong nagawa ng idinala nila ako sa pwesto nila Jerome.

Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon