I Love You Bestfriend

798 23 3
                                    

Ang hirap! Ang hirap na ang sakit sakit pa! Bakit?

Dahil Mahal ko ang bestfriend ko!


Yeah right.

I love Patrick, my bestfriend. Oh diba? Ang saklap lang.


Kasi, Nakikita ko siyang may nagugustuhang iba.


Pero as his bestfriend, pinipilit kong maging masaya for him. That's my role, right? To be happy for him even if it kills me.


"Hello Cheska!" napatingin ako sa nagsalita sa gilid ko. Great!

"Morning, Pat." Sagot ko naman.

"Bakit badtrip si bestfriend?" Tss. Go ask yourself, idiot. 

"Wala" sabi ko nalang para tigilan na niya ako.

"Meron ka ngayon no! Hahahahha!" pangungulit niya habang kinikiliti ako.

"Wala kaya! Tigilan mo nga muna ako!"

"Hahahaha! Meron ngayon si Cheska! I knew it! "

"Bwisit ka talaga!!" sabi ko at tiningnan siya ng masama.


At ayun. Nagtatakbo ang loko!


"Uy, Patrick! Wait up!" eh? Biglang nawala? Naglakad-lakad ako pero wala siya.


"BOO!"

"AHHHHHH!" at sa sobrang gulat ko, napasubsob ako sa lupa. Aish!


"S-sorry?! He-he" (^_^'')V

"Patrick Dela Fuente!!!" tapos ay hinabol ko na siya hanggang makarating kami sa school.


Aish. Nakakapagod tuloy. After ko madapa biglang tatakbo? Aish. Stupid me.

iniwan niya ako  :/

Matapos ko mahulog at madapa, iiwanan niya lang ako? Double meaning.


Oo nga pala, birthday na ni Patrick sa Saturday. Thursday ngayon so obviously, tomorrow na yun.


Meron akong regalo sa kanya. Phone lang. Haha. Latest na labas ng iPhone ^^ Para magkatulad kami ng phone. Oh diba?


Pagkarating ko sa room, lalo lang akong nainis!


Magkatabi sa upuan sina Patrick at Jannah. Well, si Jannah lang naman ang palaging ikinukwento sa akin ni Patrick.


"Patty! Ang gwapo mo ngayon! " sabi ni Jannah

"Sus. Bolera ka talaga kahit kailan!" sabi naman ni Patrick habang natatawa.

"Sorry nga pala kasi 'di na ko nakapagreply sayo ha? Nakatulog na kasi ako kagabi e." sabi ni Jannah

"Ano ka ba. It's okay haha. It's not your fault." Ganon? Pag ako makakatulog, magagalit siya? :/

"Suuus," sabi ni Jannah habang pinipisil sa pisngi ni Patrick.


Sige lang Cheska. Manuod at makinig ka pa. Hurt yourself. Tss. Stupid masochist!

I Love You BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon