May matalik na magkaibigan sina Marjorie at John sila’y nasa kasalukuyang nasa ika-apat na taon
ng kolehiyo.
Matagal na silang magkaibigan halos kalahati ng kanilang buhay ay sila na ang magkasama at kilala na nila ang isa’t isa.
Isang araw ay inaya ni John si Marjorie sa madalas nilang puntahan na lugar may mga punodoon
at sariwa ang hangin.”Bes, masayang-masaya ako ngayon at gusto ko ikaw ang una kong
pagsabihan”.nakangiting wika ni John habang nakahawak sa kamay ni Marjorie.”Ano yon?”may
pagtatakang tanong nito.”Kami na ni Feliz!”biglang napakayakap si John sabay buhos ng malakas
na ulan. Napaluha si Marjorie ngunit hindi iyon nahalata dahil sa ulan.”Masaya ko para sayo”may
pilit na ngiti na lumabas sa bibig ni Marjorie. “Ako na ata ang pinakamaswerteng lalaki sa mundo
bes.”bakas pa din ang saya sa mukha ni John.”Pagod na ko. Umuwi na tayo at baka magkasakit
pa tayo.”may panghihina sa boses ni Marjorie. “O sige, hatid na kita”may pagtatakang wika ni John.
Matapos ang pag-uusap nila na yoon ay hindi na sila nagkikita at nabalitaan ni John na nagka
nobyo na din si Marjorie.
Isang araw ay napagpasyahan ni John na dalawin si Marjorie sa kanilang bahay. “Hi Marj. I miss
you.”nakangiting wika ni John(Wala na ang dating kinang sa mata ni Marjorie, wala na din sigla
lungkot na lamang ang nababakas sa kanyang mukha)wika ni John sa sarili. “Anong ginagawa mo
dito?”matamlay na tanong nito.”Gusto kong makita ka bes.”wika ni John. “Para saan pa? Wala na
din kwenta magkita man tayo o hindi” may kirot sa bawat bitaw na salita ni Marjorie.”Mahalaga kasi
mahal!”natigilan si John.”Ano?? Wala!. Alam mo John humiling ako sa bitwin kahit na alam kong
hindi matutupad iyon”umiiyak na umalis si Marjorie. Naiwan pa ding naiwan si John.”Bakit hindi ko
naituloy ang nararamdaman ko na mahal…..ko si Marjorie”wika niya sa sarili.
Araw nan g kanilang pagtatapos ay hinahanap ni John si Marjorie ngunit sabi ng kaibigan nito na
hindi daw ito dumalo. May biglang lumapit na lalaking may balbas, pula ang mata, at mahaba ang
buhok na lalaki kay John.”Hi pare, nakita mob a si Marj? Hindi ba ikaw ang bestfriend niya? Ako
nga pala ang nobyo niya”wika ng lalaki kay John.”Bakit sa akin mo tinatanong hindi ba dapat ikaw
ang nag-aalaga sa kanya!”nanlalaking wika ni John.”Easy pare ibibigay ko lang sana sa kanya ang
regalo ko.”at tumalikod na ito.
Kinabukasan ay nagbabasa ng diyaryo si John ng bigla niya itong nabitawan.Ganito ang kanyang
nabasa “A College Graduate is Dead because of her Addict Boyfriend” nasabi doon na pinasubok
kay MArj ang drugs na kahit na siya’y hindi pa niya natitikman. “Walang hiyang iyon drugs pala ang
sinasabi nitong regalo. Magbabayad siya!”pabulyaw na wika ni John.”Na kay Feliz ang atensyon ko
ngunit ang dapat kong inalagaan at hindi pinabayaan ay ngayon ay wala na … ang aking
bestfriend. Bakit hindi ko masabi noon pa na mahal na mhal ko siya higit pa sa matalik na
kaibigan”umiiyak na wika ni John.