Chapter 52

885 22 4
                                    

Irish's POV

Nakita kong dahan dahang itinaas ng mga tauhan ni Seth ang baril nila at itinutok iyon sa gawi ko. Napaatras ako kasabay ng sobrang takot na nararamdaman sa mga oras na ito.

"Kunin niyo siya!"

Nang marinig ko ang malakas na utos na iyon ni Seth ay dali dali ako tumalikod sakanila at nagsimulang tumakbo.

Pinilit kong igalaw ang mga paa ko para makalayo sakanila. Inuutos ng utak ko na mas bilisan pa ang takbo pero sadyang ayaw sumunod ng katawan ko. Ano mang oras ay alam kong bibigay na ang mga binti ko pero hindi pa rin ako umawat sa paglakad-takbo.

Bang!

"Ahh!" Napatili ako nang makarinig ng putok ng baril mula sa likuran ko. Lumingon ako at nakita na malapit na akong abutan ng mga tauhan ni Seth.

Hindi ko nakita ang sanga ng puno sa dinadaanan ko kaya napatid ako nito at natumba sa lupa. Muli kong tinignan ang mga humahabol sa akin na ngayon ay nasa harapan ko na.

Naiiyak akong tumingin sakanila. "M-Maawa kayo... Please, tigilan niyo na 'to..." Pagmamakaawa ko.

Maya maya ay nakita ko na nakatayo na rin sa harapan ko si Seth na may nakakatakot na ngisi.

Napanganga ako nang makita ang isang batalyong armadong lalaki't babae na nasa likuran niya. Sa tingin ko ay lahat sila miyembro ng sindikato. Hindi ko maiwasang matakot para sa buhay ko sa mga sandaling ito.

"Akala mo ba matatakasan mo kami?" Nang-aasar na wika ni Seth habang nakatingin sa akin. "Kahit isang milyong pulis pa ang dalhin dito ng boyfriend mo, di nila ko mapipigilang patayin ka."

Nag-angat ako ng tingin sakanya. "T-Tigilan mo na 'to..." Pagmamakaawa ko.

Sarkastiko siyang tumawa. "Kung kelan nasa harap na kita tsaka pa ako titigil? Eh sa mga oras nga na ito ay pwede ko nang pasabugin ang ulo mo.."

"W-Walang magandang maidudulot ang pagpatay mo sa akin... Hindi mo makukuha ang hustisyang gusto mo sa pamamagitan nito." Sabi ko.

Alam ko na kailanman ay walang maidudulot na maganda ang paghihiganti.

"I-Irish..."

Napalingon kaming lahat nang marinig ang pagtawag sa pangalan ko ng isang lalaki. Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino iyon.

"R-Ricci..."

Napaiyak ako nang makita ang itsura niya ngayon. Punong puno ng dugo ang damit niya at napakarami niyang sugat sa katawan. Kitang kita ko rin ang namumutlang labi niya.

Naglakad siya papunta sa akin at bumagsak sa tabi ko. "N-Nandito na ako..."

Naalerto naman ako at mabilis siyang inalalayan. Napasinghap ako nang makita na may tama siya ng baril sa braso.

"O-Oh my god!" Naibulalas ko. "R-Ricci may tama ka ng baril!"

Tumingin sa akin si Ricci at binigyan ako ng isang ngiti na nagsasabing 'okay lang ako'.

Hinawakan ako sa pisngi ni Ricci at pinagmasdan ang nangyari sa akin. Labis na pag-aalala ang makikita sa mga mata niya nang makita ang mga sugat na natamo ko.

Bumalik ang atensyon ko kay Seth nang marinig kong tumawa ito. "Haaays! Romantic scene huh?"

Sumama ang tingin ko sakanya at muli akong lumingon kay Ricci na ngayon ay galit na nakatingin na rin sakanya.

"You'll pay for all of this." Matigas na sambit ni Ricci habang nakatingin kay Seth. "Magsisisi ka na sinaktan mo ang babaeng pinakamamahal ko." Naramdaman ko ang paghawak ni Ricci sa kamay ko.

You're Still The One || Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon