PROM

83 14 17
                                    

Sinimulan na nilang magpatugtog ng kanta para makasayaw na ang mga estudyante sa gitna. Nakita kong inaya ni Dave si Kim para maisayaw. Nangiti nalang ako sa aking nakita. Ilang beses ko na silang nakitang ganito pero bat parang hindi parin ako sanay? Pinakiramdaman ko ang sarili kung nasasaktan ba ako pero hindi naman.

Ngumiti kahit na napipilitan
Kahit na nasasaktan

Hindi ko namalayan na natulala nalang ako sakanila ng sinimulan na nilang sumayaw. Hinawakan ni Dave ang kamay ni Kim at iginaya sa tamang posisyon ng pagsayaw. Hanggang sa nagulat ako ng may naglahad ng kamay saakin, si Rinoah.

"Pwede ba kitang maisayaw ngayong gabi, binibini?", Sabi niya. Natawa nalang ako. Alam niya kasing mahilig ako sa sinaunang panahon ng pananalita. Inilagay ko na ang aking kanang kamay sa nakaabang niyang palad. Pumunta kami sa gitna at nagsimulang sumayaw.

Nakita kong nasa likod lang sila Dave at Kim. Naka harap sa gawi ko si Dave samantalang patalikod naman sila Rinoah at Kim kaya kitang kita ko ang mga ngiti niya habang kausap si Kim. Hindi ko alam kung bakit iba ng pakiramdam ko sa tuwing tinitignan ko siya. Siguro'y nanghihinayang ako kasi siya ang gusto ko noon. Pero hanggang kaibigan lang ang turing niya saakin. Gusto ko siya noon, pero iba na ngayon.

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi kaya napatingin ulit ako sakanya. "'Wag mo silang tignan. Nagseselos ako eh."

Namula ako. 'Shet mo.Kinikilig ako, Rinoah! Hahaha!' Sambit ko sa sarili. Hindi alam ni Rinoah na siya na ang gusto ko. Sa tagal naming magkasama, nagustuhan ko siya. Pero kapatid ang turing namin sa isa't isa. Mas nauuna lang ako ng ilang buwan sakaniya kaya't nag a-ate siya sakin. 'Babi broder' naman ang tawag ko sakanya. Gwapo siya at mabait. Yan ang ayaw ko sakaniya minsan. Masyado siyang mabait na minsan iba na ang iisipin ng mga babae sakanya kasi binibigyan nila ng meaning, pero wala naman siyang gusto sakanila.

Minsan na rin siyang umamin na gusto niya ako pero indirectly yun. Hindi ko inaamin ang nararamdaman ko kasi minsan iniisip ko parin si Dave. Pero alam ko sa sarili kong si Rinoah ang gusto ko. Alam ni Rinoah na gusto ko si Dave. Pero hindi niya alam na noon lang iyon.

"Loko ka, Rinoah ah!" Idinaan ko nalang sa tawa ang kanyang sinabi. Pero nanatili siyang seryoso na nakatingin lang saakin.

mo akong masaktan paminsan-minsan
kahit sandali na lang

Iniikot niya ako at nang magtama ang tingin namin ay ngumiti siya sakin. Inilapit pa niya ang sarili saka bumulong, "You're so beautiful tonight, Grace."

tulad mo ba akong nahihirapan
dahil naiisip ka
di ko na kaya pang kalimutan
bawat sandali na lang

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayong sobrang lapit namin sa isa't isa. Tinitigan niya ako sa mata at gayundin ako sakaniya. Para bang ang daming gustong sabihin ng titig na yon. Halo halong emosyon ang ipinapakita niya. Hindi ako nakatiis kaya't umiwas ako ng tingin.

At aalis magbabalik
at uulitin sa muli
mamahalin kasambitin
kahit muli masaktan
sa pag-alis ako'y magbabalik
sana naman

Iniikot niya ulit ako at pagkaharap ko sakaniya'y napasinghap ako kasi tinulak niya ako papalapit sakanya. Shet! Ano ba, Rinoah! Ending? Napakapit ako sakanya! Napahawak ako sa dibdib niya samantalang nanatili naman ang kamay niya sa likod ko.

Sa isang marikit na alaala
pangitahing kay ganda

May narinig akong tilian banda sa kanan kaya't napatingin ako roon at nagulat ako ng nakatingin sila saamin. Nakita ko si Jam na nakahawak pa sa magkabila niyang pisngi habang si Dwayne naman ay yinuyugyog si Ruth habang nakatingin saaming dalawa ni Rinoah. Nakakahiya talaga!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PROM- OneshotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon