"This honorable court finds the defendant, guilty beyond reasonable doubt." Naghiyawan ang mga tao sa prosecution side ng court room. Matapos ang ilang buwang paglilitis sa wakas ay naipanalo na rin ni Atty. Gwendilyn Trinidad ang kauna-unahang land grabbing case na hinawakan niya.
"Atty. maraming maraming salamat." Niyakap siya ng isa sa kanyang mga kliyente.
"Walang anuman po iyon." She also gave her a warm embrace. This is one of the best feelings in the world. Dugo't pawis din ang pinuhunan niya sa kasong iyon. Ilang gabi rin ang sinakripisyo niya upang mapag-aralang mabuti ang kaso.
It has been almost two years ng pumasa siya sa bar exams, though she trains herself to specialize in annulment cases ay panaka-naka rin siyang tumatanggap ng ibang kaso. For the cases, that she handled there is no record of losing a single one. Unti-unti siyang nakakagawa ng pangalan sa kanyang napiling propesyon.
Inaya siyang kumain sa labas ng kanyang mga kasamahan upang magcelebrate but she refused to. Atty. Trinidad prefers to dine-out on her own every after victory. It is one of her traditions in life. Matapos niyang makakain ay dumeretcho na siya sa kanyang bahay sa Sampaloc, as always ay madilim niyang dinatnan ang kanyang bahay. Ano pa nga ba ang aasahan niya? She is the only one living in that humble house.
"Atty! Atty! Sagutin mo naman ang tanong namin" Tigagal pa rin si Gwen sa kanyang kina-uupuan. It is her first time to lose a case.
"Atty. Trinidad, ano ang masasabi mo na ang pinaka-importanteng kaso sa buhay mo ang kauna-unahan mong talo sa korte?" Dinudumog na siya ng mga reporters at hindi niya alam ang kanyang gagawin. Napapalibutan na siya ng mga ito at silaw na silaw siya sa flash ng mga camera. She tries to get out of the situation but there were no court marshals to control the situation.
"Attorney, bakit ang kaso pang may kinalaman sa buhay mo ang ipinatalo mo?" She heard one. Gwen wants to scream to deny her loss but she is so helpless. Its seems like all the efforts and sacrifices she made to establish her career are gone in just a snap. Malapit ng tumulo ang kanyang mga luha. Niyakap niya ang kanyang mga tuhod as if it was the only thing to give her comfort, the hug coming from herself. She tugged her head to her knees to hide the tears which are about to fall. Pinikit niyang mariin ang kanyang mga mata. Gusto niyang maglaho ng parang bula sa kanyang kinauupuan. Naramdaman niya ang unti-unting pagka-ubos ng hangin. Nahihirapan na siyang huminga, she feels she is about to suffocate.
Gwen tried hard, so hard to escape it. Finally, naimulat na niya ang kanyang mga mata. Natakasan na naman niya ang bangungot na ilang gabi ng nagpapabalisa sa kanya. Naramdaman niya ang pawis na tumatagak-tak sa kanyang mukha at ang sobrang uhaw.
Binuksan niya ang kanyang lampshade upang kahit papaano ay may maaninag siyang ilaw. Nanginginig man ay sinikap niyang makapunta sa kusina upang makainom ng tubig. It was another near death situation she faced alone.
Alastres na ng madaling araw, tahimik ang kapaligiran at tanging ang malakas na kabog ng kanyang puso lamang ang kanyang naririnig. She had this urge to call her mom. She needs someone to talk to, she needs her mother. Itinaas na niya ang receiver ng telepono upang tawagan ang kanyang ina ng pigilan siya ng isang bahagi ng kanyang utak.
"You have managed to live on your own without the help of anyone for so long, Gwen. At hindi ito ang panahon upang maging mahina." Saway niya sa sarili. Pinahid niya ang mga luhang kanina pa pala lumalandas sa kanyang pisngi at nahiga na uli sa kanyang kama. Pinipilit niyang muling makatulog ngunit hindi niya magawa sa takot na hindi na siya muling magising pa.
Ipinasya na lamang niyang alalahanin ang mga bagay na nagpapatatag sa kanya. Atty. Gwendilyn Trinidad grew-up with the goal of freeing people from the chains of marriage. Bata pa lamang sila ng iwanan ng kanyang ama upang maging isa sa mga diplomat ng bansa sa Cambodia. His father had the choice to bring them along with him tulad ng ibang mga diplomat ngunit gusto umano nitong lumaki sila sa Pilipinas.
BINABASA MO ANG
The Lawyer and Her Husband
RomansaAtty. Gwendilyn Trinidad-a good annulment lawyer. She is a very independent woman. Everyone thinks that she needs no one, so as herself. She trained herself to be independent. She pity her mom since he has a father she only saw in the pictures. Atty...