Flowers For Eula

5 1 0
                                    



"Ano ka ba naman iho, kaya ko namang dalhin ang mga bag mo. Hindi naman masyadong mabigat."

Narinig kong sambit ni Aling Pipay nang hindi ko na napigilan ang aking sarili at inabot na ang mga dala nitong malalaking bag para tulungan. Masyado. Medyo hilaw akong napangiti sa narinig.

"Mga gamit ko naman po ang mga ito kaya okay lang po. Maraming salamat po sa tulong, Aling Pipay."

Nakakahiya naman at pinatulong ko pa siya sa pagdala ng mga gamit ko at isa pa, akin naman talaga ang mga ito. Bahagyang ibinababa ni Aling Pipay ang kanyang suot na bilugang salamin bago ngumiti.

"Walang anuman, Gino."

Napakurap ako sa huling salitang narinig.

"Glenn po. Glenn Concepcion."

"Glenn?"

Kumunot ang kanyang noo tila hindi naintindihan ang aking sinabi. Hindi ko mawari kong talagang hindi niya narinig ang sinabi ko o sadyang hindi na siya ganoon kabata para matandaan ang pangalan ko na kanina ko pa sinasabi.

"Glenn po ang aking pangalan, hindi po Gino."

Wala sa sariling napakurap siya sa kawalan. Bahagyang napa-isip sa sinabi ko.

"Sinabi ko bang Gino? O! Siya... Glenn, ito nga pala ang magiging kwarto mo. Ito ang susi."

Itinuro niya ang saradong pintuan na nasa aming harapan. Bahagya pa siyang nalito sa dami ng susi na nakalagay sa isang bundle. Sa huli'y nagtagumpay siyang iabot sa akin ang isang kulay pilak na susi. Tumango ako at malugod na tinganggap ito.

"Salamat po."

"Maiwan na kita rito upang makapag-ayos kana ng kwarto mo at makapagpahinga, Gino. Bukas ng umaga nalang kita ipapakilala sa iba pang boarders dito. Kung kailangan mo ng tulong ay nasa baba lamang ang iyong Land Lady. Unang palapad, ikalawang pinto mula sa kanan."

Glenn po Aling Pipay gusto ko sanang ulitin pero hindi na ako binigyan ni Aling Pipay ng pagkakataong makapagsalita muli ng tinalikuran niya ako at bumababa na sa unang palapag kung nasaan ang kanyang kwarto. Napailing nalang ako. Mukhang kailangan ko pa atang magsuot ng nametag ngayon.

Binalingan ko ang pintuan sa aking harapan at napagpasyahang buksan na ang pintuan ng magiging kwarto ko sa loob ng apat na taon. Naramdaman ko pang bahagyang tumulo ang aking pawis mula sa aking noo ng ipinasok ko ang susing ibinigay ni Aling Pipay kanina sa akin habang nagdarasal na sana'y tama ang susing naibigay niya sa akin.

Mabuti nalang at hindi nga siya nagkamali sa susing naibigay. Iginala ko ang aking paningin sa loob ng silid ng tuluyan ko na itong nabuksan. Isang higaan ang nasa aking kanan,may cabinet sa aking kaliwa, isang katamtamang laki na lamesa at dalawang silya ang nakita ko malapit sa pintuan at sa aking harapan ay isang may katamtamang laking bintana na may grills ngunit walang salamin na tila blade kaya maaaring upuan. Ang palikuran at lutuan ang sabi ni Aling Pipay ay kapwa nasa unang palapag kaya hindi na ako nagtaka ng walang makita.

Nang matapos usisain lahat ng sulok ng kwarto ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at nagsimula ng mag-ayos. Inuna ko ang aking higaan baka sakaling mapagod ako sa kakaayos ay pwede na akong mahiga na para matulog isa pay magdidilim na din mayamaya. Sinunod ko ang paglalagay ng kurtina at pagkatapos ay nagwalis na nang sahig at hinayaan na lamang na medyo bukas ang pintuan upang makapasok ang hangin sa loob. Nai-on ko naman ang dala kong maliit na electric fan kanina, ngunit hindi sapat ang lakas ng hangin na dala ng pangatlong pindot ko sa makina.

Habang nakaupo sa sahig at nasa kalagitnaan na ako ng pagtutupi ng aking mga damit at paglalagay ng mga ito sa loob ng kabinet ng guminhawa ang aking pakiramdam dahil sa lamig nang hanging pumasok sa loob ng aking silid. Napatingin ako sa aking munting electic fan at napagtantong kanina ko pa pala ito nai-off. Napakibit na lamang ako ng balikat ng malingunan ang medyo may kalakihan kong bintana at ang sumasayaw nitong puting kurtina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Flowers For EulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon