43.GARI

754 34 3
                                    

Hindi mapagkakaila na gwapong gwapo at talagang angat na angat sa lahat ang presensya ng isang ALOHA JAZZ VILLAREAL sa simple pero eleganteng suit na suot suot nya ngayon.Halos lahat ng kababaihan duon ay sa kanya nakatingin at halatang kinikilig sa kanya.

Halos lahat ng kababaihan duon ay sa kanya nakatingin at halatang kinikilig sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Mukhang kakaiba ang naging resulta ng panliligaw sayo ni capt.Serrano ah,Parang mas lalo kang gumanda ngayon._Aloha.Nagkataon kasi na kami ang magkatabi ngayon sa upuan habang nanunuod ng programa sa stage.

"Wag naman sanang masira ang magandang gabi ko ng pang aasar mo captain Villareal.Lilinawin ko lang na walang kinalaman ang panliligaw ni Capt.Serrano sa itsura ko ngayon.Nasa genes na ipinamana ng mga magulang ko ang dahilan._AKO.

"Hahahahha.Sabagay tama ka naman dun.May pinagmanahan nga naman talaga.Pero sa pagkaka alam ko,Sya ang escort mo ngayong gabi hindi ba?_Aloha.Si Capt.Serrano ang tinutukoy nya malamang.Kasi naman ay yun din ang alam ng lahat ng mga nakakitang magkasabay kaming pumasok dito sa loob ng stadium.

"Sorry pero wala akong escort tonight.Kami ni Gold ang sabay na nagpunta dito.Nagkataon lang na nagkasalubong kami sa pintuan ni capt.Serrano kaya siguro akala ng lahat ay sya ang escort ko.Bakit ikaw,Hindi mo yata kasama ngayon si Doc Ayen?_AKO.

"Out of the country sya ngayon.May seminar with her colleague kaya hindi sya makakapunta.Sayang nga eh,Namiss nya ang masayang okasyong gaya nito ngayon.Mahilig pa naman yun sa party at sa pakikipag sosyalan._Aloha.Napasimangot ako.Gusto ko sanang magsalita pa kaya lang ay nawalan na ako ng gana.E di si Doktora na ang sociable at party animal.

"Hahahhaa.Ang sama naman ng mukha mo pagkadinig mo sa name ni Doktora!Selos ka noh?_Gold.Sya kasi ang katabi ko sa kabilang side ng upuan at obvious naman na sa amin sya ni Aloha nakikinig at hindi dun sa nagsasalitang emcee sa stage.

"Sira,Selos ka dyan.Wag ka ngang maingay at baka madinig ka.Isa ka pang mapang alaska eh.Bakit ba kayo pa pareho ang nakatabi ko.Kayong dalawa ang sisira sa gabi ko eh!_AKO.

"Kasi naman,Ang gwapo gwapong lalo ngayon ni capt.AJ.
Tignan mo lahat ng mga dalaga dito.Puro sa kanya nakatingin.Ang sama nga ng mga tingin sayo eh.Ingat ka baka mamaya may bigla na lang humila ng buhok mo.hahahah
_Gold.Saka ako napalingin sa likuran ko.Tama nga si Gold dahil panay ang irap sa akin ng mga babaeng halatang inggit na inggit sa akin ngayon dahil sa katabi ko ang pinaka gwapong piloto ng VAL ngayon.

Habang lumalalim ang gabi ay patuloy ang pagdating ng mga bisita kaya naman abala ang mga VILLAREAL sa pag aasikaso at pakikipag usap sa mga panauhin.Nakita ko din si Maui at Aloha na ipinatawag ng parents nila para ipakilala sa mga kilalang mga politiko at businessman.

"Pwede ka bang maisayaw Miss Gari? Sayang naman kasi ang tugtog kung hindi ko maisasayaw ang magandang binibini sa aking harapan._Capt.Serrano.Nakalahad ang kanyang kamay kaya wala naman akong choice kundi pagbigyan sya.
Mabuti na lang at may alam akong sayaw kaya naman hindi ako nagmukhang tuod lang sa dance floor.

"Ang galing mo palang sumayaw miss Gari.
Grabeh,Pinagpawisan ako duon ah.Napasubo ako ng husto.
Buti na lang at dancer din ako nung high school at collge sa eskwelahan namin.Hahahha._Capt.Eric Serrano.

"Hindi naman,Magaling ka din kasing magturo kaya madali akong nakasunod.Actually,Kailangan din kasi talaga sa trabaho na marunong kang makibagay.Sumabay sa agos.
Lalo kapag may mga ganitong okasyon,Dapat may alam ka din kahit papano para hindi ka mapag iwanan._AKO.

"Salamat.Napakasaya ko ngayong gabi dahil nakasayaw kita.Syanga pala,Maiba ako.Kamusta naman kayo ni Capt.Aloha? Para yatang kinukulit ka na naman nya ah.
Gusto mo bang pagsabihan ko sya at kausapin?_Capt.Eric

"Ayos naman kaming dalawa.Wala namang problema.Actually, Hindi naman totoo yung kwento sayo ni Gold na asar na asar ako kay Capt.Aloha talaga.Gaya nga ng sabi ko sayo, Mabait na tao si AJ at hindi naman sya talaga nakakainis kausap.Siguro ay talaga lang ako ang bet nyang kinukulit dahil alam nyang madali akong mapikon._AKO

"Okey,Naiintindihan ko.Basta kapag may problema sabihin mo lang at ako ng bahalang kumausap sa kanya.Hindi naman porke anak sya ng may ari ng pinapasukan natin ay dapat na nyang kinakayan kayanan ng mga empleyado nya._Capt.Serrano.

"Wag kang mag alala,Hindi naman ganun ang pagkakakilala ko kay Capt.Aloha.Hindi sya mapang abuso at aroganteng tao.Mabait sya at down to earth sa mga empleyado at mga kasamahan nya.At saka hindi naman ako galit sa kanya._AKO.

"Excuse me,Pwede ka bang makausap saglit Miss Asuncion?
Gusto ka lang sanang ipakilala nila Tatay dun sa VIP na taga New Zealand.Para daw in case na maging pasahero mo sya,Hindi na sya mahihirapang hanapin kapa.Okey lang bang maabala kayo ng sandali?_Capt.Aloha.

"Its okey,Sige sasama ako sayo.Later na lang tayo ulit mag usap capt.Serrano.Pupuntahan ko na muna yung naghahanap na VIP sa akin._AKO.Saka ako naglakad papunta sa mesa nina Boss GDV at Madama Sally V.Inalalayan naman ako kaagad ni AJ sa kamay habang naglalakad kami.Ewan ko ba pero bakit tila ako lumulutang sa alapaap ng maghawak ang aming kamay.

"Miss Asuncion,I'd like you to meet our VIP here from New Zealand...Professor Henry Johnson.Sir,This is my best and beautiful FA over here.Miss Gari Asuncion._Boss GDV.Agad naman akong nakipag shakehands sa ipinakilalang VIP sa akin.Kalbo na pero matangkad at matikas pa si Sir Johnson.Sya daw ang may ari ng isang sikat na brand ng gatas sa New Zealand.Bukod sa kanya ay madami pang kilalang tao ang ipinakilala din sa akin ng bosses ng Val.Maging ang Tita at Tito ni AJ ay hindi din ako nakaligtas

"Nice to finally meet you Miss Gari.Sobrang sikat ka sa aming lahat dahil ikaw daw palagi ang nakakakuha ng award bilang most outstanding employee ng Val.Sa palagay ko,Deserving ka sa award na yun taon taon.Mukha kasing lista ka nga at matalino.Ngayon palang ay binabati na kita._Sir Symon Villareal.Sya ang daddy ni Miss Mandy kundi ako nagkakamali.Hawig kasi sila at parehas ng way ng pagsasalita.

"Congrats in advance iha!Ipagpatuloy mo lang yang pagiging magandang ehemplo sa mga empleyado ng Val at siguradong balang araw ay may kapupuntahan yang pagiging loyal mo sa kumpanya.Gusto ko din yang pagdadala mo ng damit kahit alam kong made from Mama Rosa lang yang gown mo.Kering keri mo iha!_Madam Sydney.Hindi nako nagulat na ganun sya ka prangka magsalita.Balitang mataray nga daw talaga ang panganay ng mga Villareal.

Tumingin naman sa akin si Madam Sally at saka ngumiti.
Habang nag thumbs up naman sa akin si Boss GDV.
Napansin ko naman na wala na pala sa tabi namin si AJ at hindi ko nakita kung sino ang huling kausap nya.

" ANG OLDMAID kong STEWARDESS" (ALOHA AND MARGARITA)*GXGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon