17

1.3K 62 0
                                    

“OKAY naman ba kay lolo ang daddy ng baby mo?”

“Well…” tumigil si Laurice sa pagtype para sagutin ang tanong ni Lory.

“Hindi ko naman masasabing okay na si  Calvin kay lolo, alam mo naman si lolo, mahirap i-please pero nararamdaman ko na papunta na din doon.” Sagot niya.

“Anong nangyari pagkabalik ninyo ng Manila?” pangungulit ni Lory sa kabilang linya.

Natatawang tumayo siya para kumuha ng malamig na juice sa ref. Nang buksan niya ang ref at makita na paubos na ang stock niya ng pagkain ay napangiwi siya. Maliban sa nauuhaw ay gutom na rin siya.

“Wala, dating gawi, tambay lang ako sa bahay ngayon dahil naka-leave na ako. Ayokong masyadong lumabas dahil feeling ko habang tumatagal mas lalo akong pumapangit.”

“Si Calvin, binibisita ka ba?”

  Kamuntik nang masamid si Laurice habang umiinom ng juice. Agad na ibinaba niya ang baso sa table at mabagal na umiling.

“Nasa Hongkong siya ngayon, may inaasikaso siya kaya ilang araw na kaming hindi nagkikita.”

Mula nang bumalik sila ni Calvin ng Manila at ihatid siya nito sa bahay niya ay hindi na sila nagkita. Nagpaalam naman ito sa kaniya bago bumiyahe patungong Hongkong.

“'O bakit parang bigla kang nalungkot? Naku ha, iba na 'yan ate, mukhang may feelings ka na sa daddy ng baby mo.” Tukso ni Lory.

Nag init ang mga pisngi niya sa biro ng kapatid. Hindi agad siya sumagot kaya malakas na natawa ito sa kabilang linya. Naiinis na sumimangot siya.

“Tumahimik ka nga, saka huwag mo akong istorbohin dahil nagsusulat ako ngayon.” Hindi na niya hinihintay pa ang sagot nito at mabilis na pinutol na niya ang tawag.

Tiningnan niya ang bilog na wallclock at nang makitang mahigit ala una na pala ng hapon ay napaungol siya. Nagugutom na siya at tinatamad naman niyang lumabas para bumili ng pagkain. Ngayon niya pinagsisihan na pinayagan niyang magday off ng sabay ang dalawang nurse.

Ang hindi naman niya maintindihan sa dalawa ay sabay pang nagpaalam na may emergency daw sa kaniya kaniyang pamilya. Sanay naman siyang mag isa sa bahay kaya pinayagan niyang umalis ang mga ito.

Wala tuloy siyang mautusan na bumili ng pagkain niya. Nakangiwing hinilot niya ang sumasakit na balakang at saka muling inabot ang cellphone na nasa table. Balak na sana niyang tumawag sa paborito niyang restaurant at magpadeliver ng pagkain nang makarinig siya ng ugong ng sasakyan sa labas.

Nakakunot ang noo na ibinalik niya ang cellphone sa table at lumabas siya para tingnan kung sino ang dumating.
Nang buksan niya ang gate ay natigilan siya nang makita si Calvin sa labas. Iglap lang ay bumilis ang tibok ng puso niya nang makita ang dala nitong bouquet ng red roses. Hindi niya magawang ikurap ang mga mata sa pagkabigla nang ibigay nito sa kaniya ang bulaklak.

“Hi. Naistorbo ba kita sa pagsusulat mo?” matamis ang ngiti na tanong nito sa kaniya. Awtomatikong kumunot ang noo niya.

“Paano mo nalaman na nagsusulat—” natigilan siya sa huli at hindi na nagawang ituloy pa ang sasabihin.

Naiintindihan na niya kung bakit bigla na lang nagpaalam ang dalawang nurse. Natawa siya ng mahina at inirapan ito.

“Ibang klase rin ang style mo.”
Ngumiti lang ulit ito at kinindatan siya.

Parang gusto nang sumabog ng dibdib ni Laurice sa matinding emosyon. Pero hindi pa pala tapos ang sorpresa nito dahil nang hapitin siya nito sa baywang at halikan siya nito sa mga labi ay naestatwa siya sa kinatatayuan at hindi agad nakakilos. Naramdaman niya ang pagdaloy ng kuryente sa buong katawan niya habang inaangkin ni Calvin ang mga labi niya.

THE BUMP SQUAD SERIES: LAURICE THE LOVELY DJ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon