A.N: Hi! First time ko pong gagawa ng one-shot. Ang maybe my LAST. XD May pagkacontroversial kasi 'to. I was inspired by the fan-made video of JungLi [Krystal(fx) + Sullif(x)].
----------------------------------------------------------> right side. XD
I got goosebumps nung napanood ko yan. Actually that vid introduced me to the K-pop World. As you can see, taong bundok ako pagdating sa ganyan noon. But because of JungLi, I learned to have my own BIAS. Adik 'no? Kaya ayon, sa mga readers na hindi tanggap ang ganitong genre, wag niyo na pong basahin. I just made this because I REALLY ADMIRE their FRIENDSHIP. ;)
girlxgirl
Krystal's P.O.V
"Sa wakas bes! Eto na yung matagal ko ng pinakahihintay. Ikakasal na rin ako kay Christian. *smiles* "
I faked a smile. Ansakit pala. Yung unti-unting nadudurog ang puso ko kasi masaya siya, sa piling ng iba. Ilang minuto na lang, mawawala na siya sakin. Masakit isipin, but I have to let her go.
"Ano sa tingin mo bes? Okay na ba 'tong ayos ko or do I need to do more?"
Bakit? Bakit parang ang saya saya mo pa? Hindi mo ba nararamdamang unti-unti akong nadudurog? Masakit. Sobra.
"Ano ka ba? Relax ka lang. Maganda ka na. Malalaglag panga ni Christian mamaya. For sure."
And again, I smiled. Isang maskarang magtatago ng lahat. Hindi niya pwedeng malaman. Hindi.
"Ah, bes. Labas muna ako ah? Papractisin ko pa yung piece na itutugtog ko mamaya eh."
"Ah, sige! Uy, salamat pala ah? Kaya love na love kita eh. :) *hug* "
I smiled bitterly. Mahal mo ko, pero mas mahal mo siya. Hayaan mo na kong bitawan ka, please?
"Sus! Nambola ka pa! Tama na yan, magselos pa yung Christian mo. Haha."
Sige lang Jung, pretend ka lang. Dyan ka naman magaling eh. Magtago ng nararamdaman. natago mo nga for 10 years diba? Tsk.
"Hay nako, edi magselos siya! Mas love kaya kita! Haha. Jung ko, promise me, kahit ikakasal na ko, ganun pa rin ah? Walang magbabago? Walang iwanan?"
"Oo naman, ikaw pa. Malakas ka sakin eh. :) Sige na. Goodluck! Fighting!"
Tumalikod na ko. Hindi ko na kaya. Sobrang sakit pala. Sobrang saya na niya at hindi ko na kayang guluhin pa yun. Kay Christian siya mas sasaya. Hindi sakin.
Cause we never really had a chance.
Sinubukan ko naman eh. Sinubukan kong ipagsawalang bahala kung ano man 'tong nararamdaman ko. Pero ano nga bang magagawa ko? Etong pesteng puso ko, sa kanya lang tumitibok ng ganito eh.
Ayaw na ayaw kong nakikita siyang nasasaktan, kasi mas nasasaktan ako. I knew her more than I know myself.
Ako ang lagi niyang takbuhan kapag may problema siya.
Sabi nga ng iba, para daw kaming kambal, kasi kung saan nandun yung isa, nandun din yung isa.
Sa lahat ng bagay, kami yung palaging magkasama.
Nasasaktan ako, pero hindi pwede.
From the very start, maling mali na.
Sa mata ng diyos, sa mata ng tao at sa mata ko.
Maling mahalin ko si Sulli.