Heartstring University isang pribadong paaralan, maganda, malinis, maganda ang kalidad ng pagtuturo. Gaya ng mga karaniwang Universities andito yung mga studyanteng matatalino, mga Emo, mga teki, mga tahimik pero ‘pag nandyan na ang mga kaibigan sobrang daldal, at syempre hindi mawawala ang mga bully.
Meet Jake, ang bully sa school, matangkad, maputi, medyo singkit ang mga mata, palibhasa’y gwapo, at anak ng may-ari ng eskwelahan, kaya nyang gawin ang mga gusto nya, kung ayaw nya pumasok ‘di sya papasok, lagi nyang pinag Ti-tripan ang mga regular students. Just like the other bullies, there is a story kung bakit sya naging ganun.
Only son lang sya ng kanyang parents,mayaman ang pamilya nila, may ari sila ng hasyenda sa probinsya ng Cebu City, pero kahit na ganun, kulang na kulang naman sya sa atensyon sa magulang, ang mommy nya ay nasa Canada dahil sa negosyo nilang damit, at ang kanyang daddy naman, bagamat andito sya sa Pilipinas, lagi naman syang wala sa bahay nila dahil laging nasa opisina. Masaya sya kapag nakakapang bully sya, dahil dun nakukuha nya ang atensyon ng kanyang daddy.
Unang araw ng school year, madaming mga studyanteng papasok sa kanilang nga silid aralan, natatakot mahuli sa una nilang klase, pero ang grupo nila Jake nakaupo sa may ilalim ng puno, as usual papasok lang sila kung kelan nila gusto.
“Pre kamusta na?”, tanong ng ka tropa ni Jake.
“Syempre, anu pa bang dapat kong isagot dyan?”, mayabang na sagot ni Jake.
“Madami nanamang tayong bagong prospect, sino gusto mong unahin?”tanong ng isa pa nilang kasama, habang si Jake nakatingin sa opisina ng kanyang daddy,
“Ewan ko, wala pa ako sa mood ngayon, wag nyo muna ako tanungin.”, sabay alis, habang ang mga ka grupo ni Jake ay walang magawa kundi sumunod na lang.
Nakasalubong nila ang isang babaeng nagmamadaling pumasok, mahaba ang buhok, mahabang palda, naka T-shirt at may salamin, dahil late na sya sa unang klase hindi na nya napansin ang kanyang itsura. Transferee sya galing probinsya, honor student sya doon, binigyan sya ng scholarship ng tito nya na nagtatrabaho sa City Hall kaya sya nakapag-aral sa pribadong paaralan. Ang pangalan nya ay Carla, mabait na bata, masunurin, at ang tanging pangarap nya lang ay makapag tapos ng pag-aaral para matulungan ang kanyang mga magulang.
How will their story end? Or how will it even start?