-Athena
Tandang-tanda ko pa ang araw na yun.,kasalukuyan akong nasa loob ng isang bakanteng silid sa college school na pinapasukan ko..umiiyak ako ng araw na un habang pinagmamasdan ko ang isang larawang nakaipit sa librong hawak hawak ko...pinagmasdan kong mabuti ang babaeng nasa larawan..maputi sya..may maamong mukha,maliit na mga labi,matangos na ilong at nangungusap na mga mata..ang babaeng nasa larawan ay si Athena Evangelista..kilalang modelo at estudyante sa kolehiyong pinapasukan ko.popular at tinitingala ng mga kababaihan at hinahangaan naman ng mga kalalakihan..halos lahat na ata ng magaganda sa mundong ito ay nasa sa kanya.dahil bukod sa kagandahang angkin nya ay meron pa syang mayaman at kilalang pamilya..nakakatawa nga isipin na magkapangalan kami..pero sa pangalan lang kami may pagkakapareho..sa itsura at anyo lang kami nagkakaiba at nagkakatalo...maganda si Athena Evangelista na nasa litrato..pero yung Athena Imperial na umiiyak ngayon ay di kagandahan at madalas kutyain dahil sa kakaiba nitong anyo..
Di ko mapigilan ang humagulhol habang ikinukumpara ko ang buhay ko sa kapangalan ko.di ko namalayan kong ilang segundo,ilang minuto o ilang oras pa ang lumipas ng pananatili ko sa bakanteng silid na yun..nang bigla akong may narinig na malakas na pagsabog na nanggaling sa labas..nagulat ako at dali-daling lumabas ng pintuan...
Sinalubong ako ng usok sa hallway paglabas ko ng bakanteng silid..
"May sunog!!!"May sunog!!!!"naririnig kong sigaw at natatarantang sigaw ng ilang estudyante..
Nanlumo ako at natakot sa laki ng sunog na nakita ko..di ko alam ang gagawin ko sa sobrang takot..nagmamadali akong naghanap ng possibleng madadaanan ko para makalabas ng ligtas..sa paghahanap ko sa possibleng ligtas na daanan..nakarinig ako ng boses na sumisigaw at humihingi ng tulong..
"tulungan nyo ko..parang awa nyo na.tulungan nyo ko...naririnig kong sigaw ng isang babae...
napalingon ako at hinanap ang pinanggagalingan ng boses..lumipas ang ilang minuto bago ko nahanap ang pinanggalingan ng boses..nagmamadali kong binuksan ang silid.pagkabukas ko ng pintuan ay tumambad agad sa akin ang pamilyar na babaeng nakahandusay at walang malay na si Athena Evangelista..nagmamadali kong inalalayan sa balikat si Athena habang inilalakad ko sya..sa pagmamadali ko ay di ko napansin ang pagbagsak ng isang mabigat na bagay sa ulo ko...
----------------
Ako si Athena Imperial...
19 years old..
Walang kinalakihang pamilya..
Laki sa ampunan..
Madalas kutyain ng mga taong nakakasalamuha ko.
Madalas pagtawanan at pandirihan dahil sa kakaiba o pangit kong anyo..
Akala ng iba namatay ako sa nangyaring sunog sa kolehiyong pinapasukan ko..
Pero ang di alam ng lahat ay nabuhay ako at nakaligtas sa sunog na un..
---------------
Ako si Athena Imperial Noon...
At
Ako si Athena Evangelista Ngayon..
BINABASA MO ANG
Borrowed Visage(Completed)
Fanfiction"My face is borrowed so was my identity...but i choose to live with it..because its the only thing that makes me feel alive".. -Athena Imperial