Nang matapos na kumanta si Kiro, bumaba siya ng hagdan at lumapit sa akin, hinawakan niya ang kamay ko at idinampi ang labi doon. Miss na miss ko na ang mga times na sobrang sweet kami sa isa’t-isa.
“Kiro, anong message mo kay Chloe? Sabihin mo na dali.” Kinikilig na sabi ni mama.
“Ehem…”Kiro cleared his throat. “ Chloe, happy birthday, pang-apat na taon na ito na nasaksihan ko ang birthday mo. Alam ng Diyos kung gaano ko hinahangad n asana sa mga susunod na taon sana kasama mo pa rin ako.” Bakit ganyan ang mga sinasabi niya? Kinakabahan ako, lalong lumakas ang kaba ko nang tumingin siya kay mama. “Tita, I’m sorry. Hindi ko natupad ang pangako ko noong nangligaw ako kay Chloe, hindi ko natupad ang sinabi kong ako na ang magiging kasama niya sa pagtanda niya.” Tiningnan ko si mama, nakatingin siya kay Kiro ng may pagtataka. “Alam ko nahihirapan si Chloe na sabihin sa inyo, kaya ako na lang ang magsasabi. Tita, hiwalay na po kami ni Chloe pero maniwala po kayong mahal ko po talaga siya. Sorry po kung karamihan sa promise ko hindi ko na matutupad.”
Binalik ni Kiro ang tingin niya sa akin.
“Sana maging masaya kayo ni Ghyan, pag naging masaya kayo, magiging masaya na din ako para sa inyong dalawa. Mahal kita Chloe, sobrang mahal kita na natatakot akong baka sa sobrang pagmamahal ko sayo maging makasarili ako, kaya siguro mas makakabuti kong iiwas na ako ng tuluyan. Araw-araw, gusto kitang makita, gusto kitang halikan, gusto kitang yakapin ng mahigpit at sabihin sayong mahal na mahal kita pero alam kong mas magiging masaya ka kapag hindi mo ako kasama. Ayokong mahalin mo pa ako lalo kasi alam kong ang pagmamahal mo sa akin ang magiging dahilan kung bakit ka nasasaktan.” Lumuhod siya sa harap ko. “Patawarin mo ako Chloe, patawarin mo ako kung nasira lahat ng plano natin, patawarin mo ako kung hindi ko kayang tuparin lahat ng pangako ko, mahal na mahal kita Chloe, sobrang mahal na mahal kita, tandaan mo yan.”
Umiiyak si Kiro, nakaluhod siya sa harap ko, hindi ko alam ang sasabihin ko. Hinayaan ko na lang na umagos ang luha mula sa aking mga mata. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya, pero sa sobrang dami hindi ko alam kung anong uunahin ko, tinitingnan ko na lang siya habang hinahayaan kong dumaloy ang luha sa mga mata ko.
Ilang buwan na ang lumipas pero ganito pa rin ang epekto niya sa akin. Ayoko nang magsinungaling sa sarili ko, MAHAL KO PA RIN SIYA, kahit na mukha na akong tanga. Kahit hiwalay na kami, umaasa pa din akong isang araw lalapit siya sa akin para makipagbalikan. TANGA AKO, tanga ako kasi kahit alam kong hindi siya gagawa ng paraan para maging kami ulit, naghihintay pa rin ako.
Sabi niya, magiging masaya siya para sa akin, para sa amin ni Ghyan, hindi niya ba alam SIYA ANG KASIYAHAN KO? Siya yong taong wala pang ginagawa, makita ko lang siya masaya na ako. Yakapin niya lang ako ng mahigpit at sabihing “Magiging okay lang lahat.” makakalimutan ko na ang problema ko, halikan niya lang ako mawawala na lahat ng hinanakit ko, kahit hindi pa siya magsorry, pinatawad ko na siya. Ganoon ako ka-tanga, ganoon ang ginagawa kong pagpapakatanga para sa kanya. Pero bakit ganoon sinasabi niyang mahal niya ako, pero hindi niya sinasabing gusto niyang balikan ako.
Umiiyak pa rin ako, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero kahit gawin ko yon wala namang magbabago eh. Ganoon pa rin kami. Nakita ko ng alalayan siya ni Moo para tumayo, lumabas sila nang bahay, lahat ng iyon sinundan ko lang ng tingin.
Wala kang maririnig na ingay, si mama at si ate tahimik lang. Buhay pa ba ako? Bakit parang wala akong nararamdaman? Nakita ko sa kabila ng pag-iyak ko, nakita kong pumunta si Ghyan sa harap ko at inalalayan akong tumayo. Nakita kong hinawakan niya ako sa braso pero wala akong naramdaman, manhid na nga ata ako. Pati pag-iyak ko, ayaw ng magcause ng ingay, tahimik lang akong lumuluha. Naging pipi na ba ako? Nakita kong binuhat ako ni Ghyan at ipinasok sa kwarto ko.
Pagdating sa kwarto, pinaupo niya ako sa kama at siya naman umupo sa upuan na ginagamit ko kapag nag-aaral ako. Umupo siya paharap sa akin.
“Dapat masaya ka ngayong araw na ‘to, pero imbes na maging masaya ka, wala kang ginawa kundi umiyak. Kahit ano pa lang effort ang gawin ko para mapasaya ka, mawawalan lahat ng kwenta kapag si Kiro na ang kasali sa usapan. Kelan ba ako magiging malakas sayo Jenith?” si Ghyan.
Dahil doon, ang tahimik kong pag-iyak ay nauwi sa hagulgol. Mula sa pagkakaupo niya, tumayo siya at lumapit sa akin at niyakap niya ako.
“Sshhh… wag kang mag-alala, hindi naman ako galit sayo eh, naiinis lang ako sa sitwasyon birthday mo ngayon dapat masaya ka pero umiiyak ka. Naiinis ako kasi wala akong magawa para maging masaya ka, kasi alam ko si Kiro lang ang makakapagpasaya sayo. Ako na lang kasi ang mahalin mo, pag ako ang minahal mo hindi ka masasaktan.”
Bakit ba kasi ganon? Bakit si Kiro ang may pinakamalaking bahagi sa puso ko, bakit hindi na lang si Ghyan? Kailan ko ba makakalimutan si Kiro, para pwede ko nang mahalin si Ghyan ng buo. Ayokong dumating yong time na okay na ako pero si Ghyan pagod na kakahintay sa akin.
“Ghyan.. please wag mo akong iiwan, wag kang mapapagod, magiging okay din ako. Hintayin mo lang ako please.” Sabi ko habang hinihigpitan ko ang yakap sa kanya at patuloy pa rin sa pag-iyak, bwisit na mata to ayaw tumigil sa pag-iyak kanina pa. Kasi naman, ayokong mapagod si Ghyan na mahalin ako.
“Hindi, hindi ako mapapagod para sayo Jenith, nandito lang ako. Hihintayin ko yong araw na okay ka na talaga.”
“Thank you Ghyan..” I said beyond my tears.
He just comforted me, and when he thinks I’m feeling well, sinabi niyang magpahinga na daw ako dahil marami na daw nangyari ngayong araw.
************************
this chapter is dedicated to her, coz :)
para saken friends kami :D
kahit hindi kami nakakapag-usap hahaha xD
BINABASA MO ANG
I HATE YOU THEN I LOVE YOU *fin*
Teen Fictionayoko na sayo .. hindi na kita mahal .. ay hindi, mahal pa rin kita .. pero ayaw na kitang mahalin!